First Person POV Pero syempre ay hindi ako maaaring umamin, hindi nito kailangang malaman na nangungulila ako rito, sa akin na lang 'yon. "H—Hindi kita nami-miss. Kaya lumayas-layas ka r'yan. Naiinitan at naaalibadbaran ako sa'yo," pagsisinungaling ko. "Talaga ba? Hmm.. paano kung ayoko?" "Ah, ayaw mo? Paano kung tuhurin kaya kita? Hmm? Gusto mo? Basagin natin 'yang kayamanan mo?" banta ko. Tumawa ito nang bahagya. "Kung saan ka magiging masaya, sige lang.." Tae na 'to! Papayag naman nga? " 'Yun ba ang ikakasiya mo?" tanong pa nito. Hindi ako kumibo. "Kapag binasag mo 'to. Paano na kita aanakan ulit?" Nanlaki ang mata ko sa narinig, bigla akong pumalag. "A—Anong ulit? At aanakan? Bwiset ka! Hindi nga ako buntis!" "Talaga?" tila ba naghahamon na tanong nito. "Oo, hindi ako bunti

