First Person POV Iminulat ko ang mata ko pero nasilaw ako sa liwanag na nagmumula sa ilaw na naroon. Nagsisisi ako kung bakit ko pa ginawa 'yon kaagad kaya pumikit akong muli nang mariin upang hindi na ulit mabigla ang mata ko. Nasaan na naman ba ako? Nangunot ang noo ko nang maalala ko na may pangahas na biglang humila sa akin sa isang silid habang naglalakad ako pauwi, pagkatapos na takpan ang ilong at bibig ko nung panyo na may nakakahilong amoy ay nagdilim na ang lahat sa akin. Kahit na nakapikit ay sinalat ko ang balat ko at kinurot. Nakahinga ako nang maluwag noong maramdaman ang sakit, ibig sabihin ay buhay pa ako. Pero nasaan nga ako? At sino ang taong dumukot sa akin? Pinakiramdaman ko ang sarili ko ngunit wala naman akong naramdaman na kakaiba sa akin o masakit sa katawan

