Sofia's Pov
Nakatingin lang ako sa kanya habang hinihintay yung nurse, wala ang doctor dahil naka leave daw parehas kaya yung dalawang nurse lang ang nandito. Nagulat nga sila sa'kin dahil nakita nilang may dugo ang uniform ko pati ang ulo ko.
Ginamot naman agad nila at buti na lang daw hindi napuruhan yung bungo ko , tanginis kasi mga yun eh,.nabugbog ko din tuloy. Kumuha ng pain killer si kuya John which is yung lalaking nurse.
"Umalis ka na, sinabi ko naman sayo hindi ako tatakas e. Susunod na ko hinihintay ko lang yung gamot ko" Sabi ko at napanguso ako ng naramdaman ko yung hapdi nung gumalaw ako.
"Tss" rinig kong sabi niya at lumapit sa'kin.
"Hey! W-what are you doing? Wag ka lalapit" Sabi ko at hinarang ang kamay ko sa kanya.
Napadaing naman ako ng ginawa ko yun, tinignan ko yung kaliwa kong kamay, great namamaga din siya, naalala ko nga palang pinansalag ko to kanina. Hays. Buhay pa kaya ako sa mga susunod na araw? Kahit hindi ako buhay basta buo ako.
Napangiwi ako ng makita kong hawak ni Carmelo ang kamay ko at nilalagyan ng benda ito, napakunot ang noo ko dahil sa ginagawa niya.
"What are you doing?" Tanong ko. Nakayuko pa din siya at focus lang sa ginagawa niya.
"Are you stupid? Or are you blind?" Tanong niya sa'kin na nakapagpa inis lang sa sistema ko.
"I'm not stupid and I'm not blind. What i actually mean is why are you doing this? You don't care right? Because if you do care, from the very beginning you will stop them, but you choose to sit on your throne and watch us killing each other" Sabi ko at napahinto naman siya sa sinabi ko.
Balak niya ata magsalita dahil nakikita kong bubuka ang bibig niya tapos isasara niya ulit. Hindi na kami nagpansinan, tapos na din niyang gawin yung nasa kamay ko.
Maya-maya lang ay dumating na si nurse John at binigay sa'kin yung gamot. Nagpasalamat naman ako sa kanya. Binigyan niya ako ng uniform kaya napatingin ako sa kanya.
"You should change first, you look like a messed" Sabi niya at nginitian ako.
Napatango naman ako at tinuro niya sa'kin yung cr ng clinic kaya dumiretso ako do'n, medyo nahirapan ako magtanggal ng damit dahil bawat galaw ko ay kumikirot ang ulo ko, dagdag mo pa yung kaliwang kamay ko na ngayon ko lang naramdaman yung sakit.
Pagkatapos kong magpalit ay tinapon ko na ang uniform ko na yun, baka pag inuwi ko pa yun ay mag freak out sila tita. Pero napaisip din ako paano ko itatago to sa kamay ko? Aish! Naman e!
Lumabas na ko ng cr at nakita ko si nurse John, I smile at him. Nagpasalamat na din ako, paglabas ko ay nagulat ako dahil nakasandal sa pader si Carmelo, hindi pa din siya umaalis? Ganun na lang ba talaga pagdududa niya sa'kin? Napailing na lang ako.
Naglakad na ako, dala ko din yung ice bag dahil pinahiram muna sa'kin ni kuya john. Alam ko naman kung nasaan ang detention, ramdam kong nakasunod lang siya sa'kin. Bwiset na ice monster to! Kumukulo talaga dugo ko sa kanya pag naaalala ko yung ginawa niya kaninang pagtunganga.
Pagbukas ko ng pinto ng detention room ay may dalawa pa lalaki na nasa loob, nagulat naman ako ng tumingin sila sa direksyon ko, tsk! Sila pala.
"2 hours detention for the three of you, I don't wanna hear that you brawl for a second time around, kung hindi malilintikan kayo sa'kin" Sabi niya at sinarado ang pinto. Bwiset! Nagmake face lang ako at umupo sa dulo ng kwartong to.
Dumukmo na lang ako sa lamesa ko at pinatong pa din sa ulo ko ang ice bag, pero naramdaman kong may gumagalaw ng ice bag sa ulo ko, agad akong napabangon pero sa huli ay pinagsisihan ko.
"A-araaaay!" Mangiyak ngiyak ako habang nakapikit ng mariin.
"s**t!" Narinig kong mura ng isang lalaki, nagmulat ako ng mata at gusto ko man magalit hindi ko magawa dahil sa sakit. Naiiyak talaga ako.
"I-im sorry, I'm sorry Sofia dahil sa'kin napagtripan ka tuloy" Sabi niya at napayuko, rinig ko sa boses niyang sincere siya sa sinasabi niya.
Masakit man ay napangiti ako, yun lang naman ang hinihintay ko ang mag sorry siya, tinignan niya ako at kumunot ang noo.
"Why are you smiling?" Tanong niya sa'kin.
"It's because you're sorry, yun lang naman ang hinihintay kong sabihin niyo" Sabi ko at ngumiti, natulala naman siya.
"Hindi ka na galit?" Tanong niya. I slowly shake my head na ikinangiti naman niya.
Nagusap lang kami and he says sorry for the nth times, napatingin ako sa kanya pati sa nagawa ko sa muka niya hays, sayang ang cute pa naman niya, nabangasan ko lang.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong room and i smile nang may nakita ako, kinuha ko ito at bumalik sa pwesto ni marion, nakita ko din si David na tinitignan lang kami.
"A-ano yan gagawin mo?" Tanong niya. Imbis na sagutin ay kinuha ko ang cotton balls at nilagyan ito ng alcohol para linisin ang sugat niya. No'ng una ay ayaw niya pero sa huli ay hinayaan na din niya ako.
Nakatulog si Marion after ko linisin ang sugat niya actually tinanggal ko nga ang mga upuan para sa sahig siya pahigain, malinis naman at halatang araw-araw itong nililinis.
I can feel that David is still looking at me, huminga ako ng malalim at naglakas loob siyang nilapitan. I sat infront of him and smile. Nakita ko naman na parang naguguluhan siya.
"Sorry nga pala dyan sa ginawa ko sa muka mo ha, napikon lang ako. Ang sakit kasi ng ginawa mo e feeling ko nga kanina matatanggalan ako ng ulo" Sabi ko at nginitian siya.
He looks puzzle at parang hindi naiintindihan ang nangyayari. Tulad ng ginawa ko kay Marion ay nilinis ko din ang sugat niya, hindi naman siya makagalaw dahil sa ginagawa ko. I smile in my thoughts sana ganito na lang sila katahimik.
"Yan tapos na!" Sabi ko at nag umpisang ligpitin ang mga ginamit ko. Tulad ng kay Marion ginilid ko din ang mga upuan para makahiga siya, pansin ko kasi kanina nahihirapan siya matulog sa upuan niya.
"Pwede ka ng humiga pansin ko kasi nahihirapan ka matulog sa upuan mo. Sige" Sabi ko at tumalikod na ko. Lalakad na sana ako paalis nang hawakan niya ang kamay ko.
Nilingon ko siya ng naka ngiti, "Why are you doing this? I'm the reason why you have that on your head yet ginamot mo pa din ako, why are you so nice?" Tanong niya na halatang gulong gulo.
I smile at humarap sa kanya "All of us can make a mistakes we're not perfect, hindi naman ako ganun kalupit para tiisin kayo besides ako din kasi ang gumawa sa inyo niyan, sorry talaga, pero ang akin lang wag ka magtanim ng sama ng loob sa kapwa mo kahit malaking kasalanan ang nagawa niya sayo, si Papa God nga hindi pa tayo humihingi ng sorry pero napatawad na agad niya tayo, Tayo pa kaya na tao lang" Sabi ko at nakita kong napangiti siya.
"Sana sinabi mong mag bible study tayo para nakapag ready ako" Sabi niya kaya nabatukan ko gago talaga.
Tawa lang siya ng tawa. Hala sige walang sisihan pag nabilaukan ka.
Tumigil naman siya at ngumiti sa'kin, a true smile.
"But seriously thank you and sorry din dahil sa ginawa ko" Seryosong sabi niya. Tumango ako habang naka ngiti.
"Wala yun. Sige na magpahinga ka muna gigisingin ko na lang kayo" Sabi ko at tinalikuran na siya.
After 2 hours...
It's already 6:00PM hays, tapos na din ang detention namin, nilapitan ko si Marion para gisingin, bumangon naman agad siya kaya si David naman ang nilapitan ko, una ay ayaw niya pa gumising pero tinulungan naman ako ni Marion.
Binuhat niya na parang sako si David at inikot ng inikot habang ako tawa ng tawa dahil sa kabaliwan nila. Tumigil naman agad si Marion ng halos masuka suka na si David dahil sa ginawa niya.
We're just laughing our ass out when suddenly someone open the door and came in the picture.
"What is happening here?" Sabi ng isang malamig na boses. Alam na kung sino.