Sofia's Pov
Pinulot ko yung bolang hinagis sa akin, lintek ang sakit ng ulo ko sa ginawa nila. Humarap ako sa kanila pero nakayuko pa din ako, ewan ko pero dahil na din siguro sa adrenaline rush ko kung bakit ako nagiging ganito.
"Who threw this?" Tanong ko habang pinaglalaruan yung bola sa kamay ko habang yung isa kong kamay ay nasa bulsa ko.
Walang gustong sumagot kaya inangat ko na ang ulo ko para makita silang lahat na tahimik at nakita ko yung iba napaatras pa. I smirked, i don't know pero matagal ko ng pinigil ito sa sarili ko pero sinagad nila ako, ayoko manakit pero pinilit nila ko.
"Im asking who threw this?" Tanong ko ulit but this time madiin na ang pagkakahawak ko sa bola.
"B-bakit ba?! Ano bang pakialam mo kung binato ko sayo yan?! Sabi naman diyan sa papel sa likod mo e" Sabi ng isang lalaki. I think his name is David.
Napakunot ang noo ko at pilit inabot ang papel sa likod ko pagkakita ko dito ay nalukot ito "Hit me" tinignan ko ng masama ang taong nagdikit nito sa'kin. Nakita kong napalunok siya.
Sa sobrang pikon ko binato ko ang bola papunta sa way ni David, sa lakas ng pagkakabato ko ay nabutas nito ang dingding sa likod niya. Pasalamat siya magaling siyang umiwas kung hindi butas basag ang muka niya pag nagkataon.
Lahat sila nakita kong gulat maski yung kulay abo ang buhok, yung president naman nakatingin lang pero wala akong pakialam kung ma detention man ako or what. Sobra na ginagawa nila.
Lumapit ako sa pwesto ni david at walang sabi bumwelo ako at sinuntok siya sa muka ng malakas, napaupo siya at napahawak sa muka niyang dumudugo, hindi agad siya nakabawi sa gulat. Tinignan ko naman si marion at napalunok ng makita niyang papalapit ako.
Humarang si Tyrant at Kerby para pigilan ako.
"Babe! Stop this come on" Akmang hahawakan sana ako ni Tyrant pero binigyan ko siya ng masamang tingin na ikinaatras niya.
"S-sofia pwede natin pag usapan to, just stop this, masasaktan ka lang" nauutal na sabi ni Kerby. Napangisi naman ako.
"Eversince that i step in this classroom i'm already hurt, I don't care anymore. I don't want to hurt you Kerby kaya umalis ka sa harap ko"
Nagulat siya sa sinabi ko at napagilid siya dahil sa takot? Ewan ko lang.
Hinarap ko si Marion at sinalubong niya ang tingin ko, I smirked at kusang gumalaw ang katawan ko, I give him a flying kick, hindi pa ko nakunteto at kinuwelyuhan ko siya para maitayo ko, pumipiglas siya pero hinawakan ko siya ng mabuti, I punch him in his stomach and straight to his face. Napaupo siya habang hawak ang tiyan niya.
Naramdaman kong may susugod sa likod ko at nakita ko si David na papalapit sa'kin at galit ang muka may hawak siyang baseball bat at ihahampas sana sa'kin pero nagulat siya ng bigla ko itong salagin gamit lang ang isang kamay, kasabay no'n ang pag sipa ko sa tiyan niya, I punch him in his face twice at pagkatapos no'n hindi ko alam pero nabuhat ko siya at tinapon sa harap.
Nagtakbuhan ang iba naming kaklase sa harap para tulungan na makatayo si david, lahat gulat at takot ang nakikita sa mga mata nila at itsura. Alam ko sa sarili ko kung ano ang ginagawa ko. But as of now i don't care. Nasagad na ko. Utusan nila ko, batuhin ng crumpled paper, patirin, buhusan ng tubig, paglinisin ng room okay lang, pero yung ganito? Hindi ko na mapapalampas to.
Nakita kong tumayo ang SC President at lumapit sa'kin, nagtitigan kami pero walang nagpapatalo, walang umiiwas, sinalubong ko lahat ang malalamig niyang tingin, hinigitan ko pa.
"Detention now" Walang emosyon niyang sabi.
I smirked at him. Presidente ba talaga siya? Para naman hindi. Napakunot ang noo niya, dahil siguro sa pag ngisi ko sa kanya.
"Sure Mr.President. May dadaanan lang ako pero susunod ako sa detention room, or if you want kahit sa dean pa tayo dumiretso" Sabi ko at tumalikod na. Napahawak ako sa ulo ko at tinignan to, it's bleeding. Tsk
May biglang humawak sa braso ko at nang tinignan ko kung sino to, yung mukang anghel na nagbigay sa'kin ng towel, I just look at him.
"Ihahatid na kita sa clinic" Malumanay niyang sabi. But i refuse.
"No thank you, I can manage." Sabi ko at bago tuluyan lumabas nilingon ko ulit ang presidente namin.
"Are you really the president of this school and this section? Because you don't look like one. If you are a true responsible president kahit pinaka aayawan mong tao tutulungan mo pa din. I'm very disappointed Mr.Petterson. Don't worry hindi ako tatakas, pupunta lang ako ng clinic at susunod ako sa detention" Sabi ko at paglabas ko do'n nagsilabasan ang mga luhang kanina ko pa pinipigilan.
Why do i need to experience a thing like this? It hurts so much!
****
Third Person's Pov
Nagulat ang lahat sa mga nangyari hindi nila inaasahan na mapapabagsak niya ang dalawang lalaking kaklase nila. Pero ang mas ikinagulat nila ay ang mga sinabi ng dalaga kay Carmelo na ngayon at nakayukom na ang kamao.
Nagpipigil ng galit si Carmelo, hindi niya alam kung bakit hindi niya pinigilan ang nangyari, pero pagdating sa iba nakapagitna na siya. Ganun ba talaga niya kagustong masaktan ang dalaga?
"She's strong" Sabi ni Kerby na nakatulala.
"Too strong, she punch me hard f**k! It's not a joke para siyang hindi babae" Napatingin sila kay Marion na tinutulungan tumayo ni aAdrich at Tyrant.
Tinignan ito ni Carmelo at nakita niyang ang laki ng pasa sa gilid ng labi ni Marion at may namumuong black eye pa sa mata nito, tinignan naman niya ang gawi ni david ng magsalita ito.
"Damn! Para siyang hindi babae, ang lakas niya. Ano ba kinain ng babaeng yun? Para siyang si poppeye, mahilig ba siya sa spinach! Ang sakit!" Sabi ni David habang nakahawak sa panga niya, mas napuruhan ang muka ni David kesa kay Marion.
"You went overboard guys, she's still a girl" Sabi ni Rafael habang nakaupo at nakataas ang paa sa upuan.
"Nakakuha din kayo ng leksyon, I second the motion to Rafael, even that i don't like her still sobra ang ginawa niyo" Sabi naman ni Jedric na walang kabuhay buhay na nagbabasa lang ng libro.
Maski si Jedric ay hindi niya inaasahan na grabe ang p*******t na gagawin ng mga ka block niya sa babae, yes hindi niya gusto si Sofia but it doesn't mean na kaya niyang gawin ang ginawa ni David.
"The two of you detention, sinasabi ko sa inyo pag wala pa kayo dun after 5 minutes malilintikan kayo sa'kin" malamig ng sabi ni Carmelo at natakot naman ang dalawa.
Lumabas si carmelo at hindi niya alam kung saan siya papunta, hanggang sa natagpuan na lang niya ang sarili niyang pumasok sa clinic.
"What are you doing here Mr.President?"