Episode 4

1015 Words
Sofia's Pov Natapos na ang klase kaya ready na akong umuwi, pagtalikod ko para sana lumabas na ng room ay hinarangan ako ng mga bakulaw na to. Ano kailangan ng mga to? Kanina ko lang nalaman na kaklase ko pala si Tyrant, ilang beses siyang nagtangkang lumapit sa'kin kanina pero hindi niya magawa dahil sa mga tingin ko pa lang? Pinapatay ko na siya. "A-anong kailangan niyo?" Kinakabahan kong tanong. Actually hindi naman sila panget para kabahan ako. Sa totoo lang ang gwapo nila kaya lang yung attitude nga nila. Waaaaaah! Gusto ko na umuwi. Ngumisi itong lalaki sa harap ko na ash gray ang kulay ng buhok, siya yung nakita kong tahimik lang sa gilid kanina, may tatlo pa lalaki sa likod niya isa na do'n si Tyrant bwiset. "Linisin mo to buong classroom" matipid na sabi niya habang nakatingin sa'kin. Napanganga ako dahil sa sinabi niya, Ano?! "What?!" Tanong ko baka sakaling bawiin niya o kaya naman namali lang ako ng rinig. "You heard me linisin mo dito" seryosong sabi niya. Ano ako? Katulong ng mga ito? Napatingin ako sa paligid at napalunok na lang. Ang daming kalat. "Ayaw ko nga" Sabi ko at automatic na napataas ang kilay niya. Taray ha! "Pag hindi mo nilinis dito hindi ka makakauwi dahil ikukulong kita dito sa loob leaving you nothing except with your uniform" Nanlilisik na matang sabi niya. Kinabahan naman ako sa sinabi niya at nakita ko na lang ang sarili kong kinukuha ang mga cleaning materials sa likod ng classroom. Argh! Nakita kong ngumisi muna sila bago lumabas ng kwarto na ito, sinarado nila ang pinto at narinig kong parang nilo lock nila ito. Kinabahan ako dahil baka totohanin nila yung banta kanina. Pero maglilinis naman ako ha! Tumakbo ako palapit sa pinto at kinalampag ito. "Hey let me out here" sigaw ko. "Shut up and just clean the room midget we're just making sure na hindi ka tatakas" Sabi nung lalaking ash gray ang buhok. "Oo nga babe, don't worry bubuksan namin to pinto pag tapos ka na" Sabi ni Tyrant at alam kong naka ngisi nanaman siya. Ang landi talaga! Sinunod ko na lang ang sinabi nila para makauwi na agad ako. Inuna kong walisan ang sahig at inurong ang mga bangko. Inagiwan ko din ang mga ceiling at pader jusko para kaming nasa haunted house dahil sa itsura ng kwarto na to. Nakita kong ang laki pala ng classroom na to, parang dalawang kwarto na pinagsama, sa dulo nito nakita kong may cabinet na lagyan ng cleaning materials , may timba, mop, at katabi ng cabinet may lababo at gripo syempre. Kinuha ko ang mop at timba para lampasuhan ang sahig dahil swear ang kapal ng alikabok, tingin ko hihikain ako dito e. Nilagyan ko ng tubig ang timba at inumpisahan ng ilublob ang mop dito. Inurong ko ang mga upuan at nang matapos ako nilagyan ko naman ito ng floorwax yung transparent lang since tiles naman to, inayos ko na din ang mga upuan at nagpunta sa harap para pagmasdan ang ginawa ko. Napangiti na lang ako ng makita kong nagmuka na siyang classroom at hindi haunted house. I look at my watch at nanlaki ang mata ko ng makitang mag 6PM na grabe dalawang oras ako naglinis? "Hey! Are you done? I want to go home already!" Sabi ng hindi ko kilalang boses habang kinakalampag ang pinto. Hindi kasi boses nung lalaking ash gray ang buhok yung nagsalita e. "O-oo tapos n-na!" Sigaw ko din at kinuha na ang mga gamit ko, grabe muka na akong pulubi nito dahil sa dumi ko. Lagot ako kila tita. Pag bukas ng pinto ay puro mga nakasimangot na muka ang bumugad sa'kin maski yung malanding bwiset ganun din ang itsura. "Malinis ba?" Tanong nung ash gray ang buhok. "O-oo" Sabi ko at sinilip naman nila para makasigurado. Nilingon ko sila at nakita kong napanganga sila dahil sa nakita. Kinuskos ko yan ng maigi kaya akala mo talaga bagong bago. Except nga lang dun sa mga lintek na vandals nila. "Good, let's go home" Sabi niya at sinarado na ang pinto. Nauna silang maglakad kaya sumunod na din ako, nagulat ako ng may biglang umakbay sa'kin, tinignan ko ito at nakita ko ito yung lalaking kanina pa may subo na lollipop. "Hi! Ako si Kerby Andrada, Sofia pangalan mo di ba?" Sabi niya habang naka ngiti ng malapad. Hindi ko maipag aakilang ang gwapo at cute din ng isang to, his hair is brown at bagsak, nagpadagdag pa sa ka cute-an niya yung pag ngiti niya. Tumango lang ako at yumuko, naramdaman ko yung kamay niya sa baba ko at bahagyang inangat ito, nakatingin siya sa'kin habang ako ay naiilang dahil sa ginagawa niya. "W-what are you d-doing?" Kinakabahan kong tanong. Lintek! "Wait lang may dumi ka sa pinsge, tanggalin ko lang" Sabi niya at kinuha yung panyo niya sa bulsa. Yung puso ko grabe sa pagtakbo, nakaka hingal, nakakapagod, ang lakas, pwede ba heart manahimik ka! "Okay na" Sabi niya at ngumiti ng malapad. Nakarating kami sa gate at ako eto tulala pa din. Nagpaalam nga si Tyrant at Kerby pero hindi ko pinansin. Beep! Beep! Napatingin ako sa bumusina at napakunot ng noo ng hindi ko malaman kung sino ba ito bumusina sa'kin bigla. Maya-maya ay bumaba yung tao sa BMW na sasakyan niya, isang lalaki? Habang papalapit siya ay unti unti din umusbong ang kaba ko. Patay! "Sofia it's late! Bakit ngayon ka lang lumabas?" Seryosong tanong niya. "Ah-eh kasi pinaglinis pa kami ng ano ng room!" Sabi ko at nag cross fingers pa. Bumuntong hininga siya at parang ayaw naman niyang makipagtalo sa'kin kaya pinapasok na niya ako ng kotse. "How are you?" Tanong niya sa'kin habang diretso pa din ang tingin niya sa daan. "I'm fine, ikaw?" Tanong ko habang naka sandal. Inaantok ako. Sobrang nakakapagod ang araw na ito. "Im fine. Just sleep first gigisingin na lang kita" Sabi niya at pumikit na lang din. His name is Ford kapatid ni Marie, in short pinsan ko. Mas matanda siya sa'kin ng isang taon. Hindi naman din maipag aakila ang gandang lalaki ng itsura nito kaya nga lang laging seryoso, nakakatakot siyang magalit. Kaya kahit ako hindi ko ginugustong magalit siya, napapasunod niya ako, except kay ate. Takot to kay ate e. Galing noh? Hindi ko namalayan dahil sa sobrang pagod ko ay nakatulog na ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD