Sofia's Pov
Nagising ako dahil sa sunod sunod na katok sa kwarto ko, wala sana akong balak buksan kaya lang mukang gigibain na kasi sabayan mo pa ng malakas na boses ni Marie. Ugh!
Binuksan ko ang pinto pero nakapikit pa din, nagulat ako ng bigla niya akong pitikin sa noo. Masakit!
"Masakit Marie ha!" Reklamo ko habang hawak ang noo ko. Huhuhu
"Masakit talaga, mas sasakit pa yan pag hindi ka pa nag ayos! Jusko ka bata ka 7:45 na, male late ka na! Akala pa naman namin nag aayos ka na!" Sermon niya sa'kin.
Diretso siyang pumasok sa kwarto ko at pumunta sa walk in closet ko para ayusin sa kama ang uniform ko at kailangan ko pa. Pero hindi yan ngayon ang iniintindi ko e. Yung mga sinabi niya...
"7:45 Na...Male late ka na..."
"7:45"
"Late"
Awtomatiko akong napatakbo sa Cr ko at naligo. It takes 30 minutes akong naligo. Napaisip kasi ako kahit naman bilisan ko late pa din ako, so second subject na lang siguro ako papasok.
Umalis na si Marie at sinabi kong second subject na lang ako papasok, male late na din kasi siya.
Sino ba naman kasi ang hindi makakatulog ng mahimbing kung ang lambot ng higaan mo, nakatutok sayo ang aircon, may kayakap ka malalambot na unan at higit sa lahat pagod ka! Sige nga kayo tatanungin ko tama naman ako di ba?
Tinignan ko ang inayos na gamit ni Marie para sa'kin, Ang sweet talaga ng babaeng yun. Napasimangot lang ako ng makitang may heels yung nilabas niyang gagamitin kong sapatos. Ayaw ko niyan e. Masakit sa paa!
Ibabalik ko na sana sa shoerack ko yung high heels at balak palitan ng doll shoes lang ng makita kong may note siya.
Dear my little cousin,
Wear that shoes or else hindi kita papansinin sa buong school year
Your beautiful cousin.
I automatically pouted hindi ko siya pwede suwayin dahil tototohanin niya talaga yan sinabi niya, naalala ko dati hindi ko siya binigyan ng lollipop tatlong linggo niya akong hindi pinansin. Inis di ba. Grabe naman talaga.
Nagbihis na lang ako at nagayos, I'm just staring at myself infront of my vanity mirror. Okay lang naman siguro kung mag ayos ako ng konti di ba? Wala naman sigurong masama.
Tinanggal ko ang malaking salamin ko at nilagay ang black contact lenses ko, I put a lipgloss and a powder. Tinanggal ko sa pagkakatali ang mahaba kong buhok na umaabot hanggang bewang ko, I have a color black curly hair. Sa dulo lang naman siya naka big curls and it's natural.
Perfect! Ganito lagi ang ayos ko dati nung nasa states pa ako, naisip ko lang na ibalik ang dating style ko nagbabakasakali na wala ng mambubully ulit sa'kin but i was wrong. Nakalimutan ko na kahit ano pala gawin mo o ayos mo may masasabi pa din sayo ang mga tao. So i decided it's better this way. The real me.
Tumayo na ako at kinuha ang gamit ko para pumasok, kinuha ko ang susi ng sasakyan ko, I already have a license para mag drive, pinadala ko din kasi ang mga sasakyan ko dito sa pilipinas para may magamit ako.
"O iha? Aalis kana? Hindi ka ba muna kakain?" Nakasalubong ko si tita saktong paakyat siya.
Tita is really a nice person that's why i love her so much, she's like a mother to me, napaka caring at mapagmahal din kasi siya. Sobra.
I smile at her and hug her, natawa naman siya sa ginawa ko and she hug me back. "Hindi na po tita sa school na lang po ako kakain" Sabi ko habang nakayakap sa'kin.
"O sige basta wag magpapalipas ha, alam mong masama sayo yun" Sabi niya at kumalas na ako sa pagkakayakap.
"Opo tita, thank you and i love you" Sabi ko at tumalikod na sa kanya para lumabas ng bahay.
Natawa naman siya and she responds "I love you too" Palabas na sana ako ng bigla niya ulit akong tinawag.
"Yes po tita?" Tanong ko with a wide smile.
"You're really beautiful that all, ingat sa pagmamaneho ha" Sabi niya at tuluyan ng umakyat.
Napangiti na lang ako at tuluyan ng lumabas ng bahay. Sumakay na ko sa BMW i8 roadster ko at nagdrive papunta sa school.
Pagkarating ko aaminin ko ang laki talaga ng school na ito dahil ang laki din ng parking lot nila. Hindi naman ako nahirapan mag park pero habang dumadaan ang kotse ko sa harap ng mga estudyante dito ay halata ang pagkamangha. Why? Mas magaganda pa nga ang mga kotse nila e.
Bumaba ako at naglakad papuntang room pero nakakainis lang dahil hindi matigil ang mga bibig nilang nagsasalita.
Woah! She's beautiful!
Another b***h?
True sissy
Parang may kamuka siya?
Oo nga parang yung transferee dun sa last section.
Sino? Yung nerd?
Imposible ang layo
Blah blah blah! Grabe parang napaka imposible naman na gumanda ako kahit papano. Ang sakit ha.
Nakarating na ako sa building namin at nakitang sarado ang pinto plus ang ingay pa nila rinig ko na papasok pa lang ako ng building. Grabe talaga ang mga ito.
Binuksan ko yung pinto at hindi ko naman inaasahan na kulang pa pala yung ligong ginawa ko kanina dahil sa tumapon sa'kin ngayong isang timbang tubig galing sa ibabaw ng pinto. Lintek talaga.
Napapikit na lang ako sa inis at huminga ng malalim dahil sa narinig kong tawanan nila, naiiyak ako dahil sa ginagawa nila pero no, kaya ko to. Tubig lang to.
Saktong pagmulat ko ng mata ay naramdaman kong may nagpatong ng towel sa balikat ko, nilingon ko kung sino ito pero hindi ko siya kilala, one of my classmates i guess? (Malamang Sofia)
"Ako na humihingi ng sorry sa ginawa nila sayo miss." Sabi ng anghel sa tabi ko.
Ngumiti lang ako ng tipid as a sign of okay lang.
Naglapitan naman sila at nanghihingi ng sorry, eh? Pagkatapos nilang gawin magso sorry sila? Baliw ba to mga to?
"Sorry miss, hindi namin sinasadya, hindi naman talaga para sayo yan e. Para yan dun sa nerd naming kaklaseng babae." Paliwanag nung kulay orange yung buhok. Siya yung isa sa mga kasama nila Kerby kahapon.
"Oo, Tama yung sinabi ni Aldrich nasaan na nga ba yun nerd na yun?" Ah, Aldrich pala pangalan nitong nasa harap kong humingi ng sorry kanina. Tsk.
Kaya naman pala. Hindi nila ko nakilala. Tsk! Ang hirap naman ng ganito. Tumalikod na ko dahil nilalamig na din ako sa basa kong damit.
Pero bago man ako tuluyan lumabas ay lumingon ako sa kanila at ngumiti ng tipid.
"It's me Sofia, yung classmate niyong nerd"
Nakita kong nagulat sila ng bahagya pero hindi ko na yun pinansin at lumabas na ng room.