Sofia's Pov
Pumunta ako ng locker para magpalit buti na lang may spare clothes ako dito kung hindi baka umuwi na lang ako at hindi pumasok.
Inayos ko lang ang sarili ko at bumalik na ulit sa room, since nabasa din ang mga libro ko nanghingi din ako ng extra sa admin office. Pahirap talaga mga yun kainis.
Nakarating ako sa tapat ng room pero hindi ganun kaingay, patay may professor na ata kami. Kumatok ako para masigurado, please lang wag muna nila akong pagtripan ngayon wala na akong uniform na dala.
Pagbukas ko ng pinto ay nakita kong nasa harap na pala si Sir De Silva, I greet him bago umupo sa sulok, sinusundan nila ako ng tingin pero i don't care, mas mabuti na sigurong iwasan ko na lang sila para iwas gulo.
"Tsk, can't you just continue your lesson" rinig kong sabi ng isang lalaki.
Napalingon ako kung sino yun at ngayon ko lang ata siya nakita dito sa classroom? Nasa kabilang side siya ng kwartong ito, kumbaga dulo-dulo kaming dalawa.
Kakaiba ang aura niya para bang sinasabi ng katanuhan niya kahit hindi nagsasalita "I have the authority" he has the looks kaya lang nakakatakot siya.
Napansin niya sigurong nakatingin ako sa kanya, nakita kong inirapan niya ako at tumingin na ulit sa harap, aba't inaano ko ba siya? Para siyang yung lalaking kulay ash gray yung buhok suplado.
Nakinig lang ako sa lessons namin, I can say na may potential at may utak din pala ang mga kaklase ko , how? Simple habang nagtatanong si sir kanina wala man nagtataas ng kamay para sumagot pero naririnig kong binubulong nila ang sagot. At take note. Puro tama. Maingay man sila pero hindi sila latang walang laman.
Lunch break na kaya inayos ko na ang gamit ko para kumain, nagugutom na din kasi ako hindi ako nag breakfast.
Paalis na sana ako ng room ng hinarangan ako ni Kerby, ano kailangan nito? Pati din yung Aldrich kasama niya.
"Hi Sofia" bati ni Kerby at ayan nanaman ang malalapad niyang ngiti, hindi ba siya marunong sumimangot?
Naiilang man ay sumagot na lang din ako. Ang rude ko naman di ba pag hindi.
"H-hello" Sabi ko at lalagpasan na sana sila ng bigla akong hinatak ni Aldrich pabalik.
"B-bakit? Ano ba ang kailangan niyo?" Sheez why am i stuttering?
"Buy us a food, ito ang pera at listahan pakibilis, nagugutom na kami" Sabi ni Aldrich at nginisihan ako.
Pero teka ano? Inuutusan nila akong bumili ng pagkain nila? Galing ha. Muka ba talaga akong katulong nila?
"Bakit hindi na lang kayo? May paa naman kayo at kamay ha" reklamo ko at ibabalik ko na sana yung pera at listahan na sinasabi niya ng umepal to kulay ash gray ang buhok.
"If you don't follow us you'll regret it, I promise" Sabi niya at tinitigan ako habang masamang nakatingin sa'ken.
Ano bang problema nila pati ako dinadamay nila? Ugh! Kinuha ko na lang ang gamit ko at lumabas ng room. Nakakapagod makipag talo hindi din naman ako manalo nalo sa kanila.
Bago pa ko tuluyan makalabas ng building narinig ko pa sumigaw si Tyrant "Wag ka daw magpapatulong kung hindi lagot ka daw, ingat babe!"
Bwiset talaga sila!
Pag pasok ko pa lang sa cafeteria ay pinagtitinginan na ako, ano nanaman ba? Dumiretso na lang ako sa pila para maka order na ako at makakain na din. Bigla na lang may kumalabit sa'kin at si Marie pala.
"Hi Marie" ngumiti ako sa kanya ng tipid.
"Mag lunch ka na din? Come join us ipapakilala din kita sa mga kaibigan ko!" hyper niyang sabi isa din to parang nakatungga ng enervon e.
"Hmm, hindi na siguro muna Marie, pass muna ako. Next time na lang" Sabi ko at humarap kay ateng tindera para ibigay lahat ng order ko. Ang dami naman.
"W-wait Sophie, hindi ka naman gutom niyan?" Nagulat ako ng magsalita si Marie nandito pa pala siya akala ko bumalik na siya sa table nila.
Napailing lang ako "This is not mine, it's for them, my classmates" sabi ko at ngumiti ng tipid. Jusko lagot ako nito in 3...2...1
"What?!" Sigaw niya. Sabi sa inyo e.
Napatango na lang ako at sinabi sa kanyang napagutusan lang ako dahil may ginagawa sila at ginusto ko naman kasi baka magsumbong to kila tita , lagot talaga ako.
"Sophie, this is the last time na gagawin mo yan ha. Alam mo naman bawal ka nalilipasan ng gutom at isa pa hindi ka nila katulong" seryosong sabi niya. Ito lang nakakatakot kay Marie pag seryoso na siyang kausap.
Tumango na lang ako at ngumiti, balak pa sana niya akong tulungan pero pinigilan ko siya, baka madamay pa itong isang to sa mga kabaliwan ng mga yun.
Binitbit ko na ang mga pagkain nila and it's not a joke, bukod kasi sa mga pagkain nila may mga snacks pa na nakalagay dun sa listahan, pitong malalaking plastic bags ang dala ko at aakyat pa ko ng 4th floor, nasaan ang hustisya lord.
Naramdaman kong sumasakit na ang tiyan ko at nahihilo na din ako, konting tiis sofia, malapit ka na, pagtapak ko sa huling hakbang ay muntik pa akong mahulog buti na lang napakapit agad ako.
Habang naglalakad ako ay nanghihina na din ako, ano ba yan. Dapat kumain na muna ako bago sila bilhan ng pagkain e. Bakit ba inuna ko pa sila?
Binuksan ko yung pinto at para silang mga patay gutom, hindi man lang nila hinintay na makapasok ako ng tuluyan sa room bago nila kinuha mga pagkain nila. Bastos!
Umupo muna ako sa upuan ko at nagpahinga ng konti, I look at my watch at 2 minutes na lang bago matapos ang lunch, hays hindi ako nakakain.
Binuksan ko ang bag ko at tinignan kung nadala ko ba ang gamot ko, pero sa kasamaang palad wala siya dito sa bag. Napasandal na lang ako sa pader at napahilot sa ulo ko. Ang sakit kasi.
Natapos ang lunch break at pumasok na ang next professor namin, tumagal pa naman ako ng dalawa pang subject kaya lang hindi ko na talaga kaya, my visions became blurry.
"Ms.Vergara? Are you okay?" Rinig kong tanong ni ma'am sanchez.
"Yes ma'am, ahm may i excuse myself for a moment?" Tanong ko sa kanya na ikinatango naman niya.
Palabas na ko ng magsalita si ma'am
"Are you sure you're okay? If you want i can accompany you with one of your classmate" Nag aalalang tanong niya.
"Thank you but i can manage" Sabi ko at wala na akong sinayang na oras naglakad na ako papuntang clinic.
Lakad lang ako ng lakad kahit namimilipit na ko sa sakit ng tiyan, umuwi na lang kaya ako? Pero hindi ako makakapag drive ng maayos nito baka maaksidente pa ko.
Booogsh!
Napahawak ako sa noo ko ang sakit bumangga ata ako sa poste, ano ba yan sofia! Katangahan mo umiral nanaman!
"Watch we're you going missy" Sabi ng isang malamig na boses
Pinilit kong kilalanin kung sino ang nasa harap ko ngayon pero wala e, ang labo na talaga ng paningin ko.
"Aray! Ouch!" Sabi ko at napahiga na ako sa sahig sa dahil sobrang sakit. Hindi ko na kaya.
Bago pa man ako tangayin ng kadiliman ay naramdaman kong lumutang ako mula sa sahig.
"I'm sorry" kusang lumabas sa bibig ko bago ako pumikit.