Third Person's Pov
Lahat ng madadaanan nila ay natutulala dahil sa gulat, pero wala siyang pakialam, ang alam niya lang ay madala na niya ang babae sa clinic agad.
This girl is heavy, Aish! She's small but she's heavy!
He didn't even bother to knock, mabilis niya lang binuksan ang pinto at nilapag ang babaeng walang malay sa bakanteng kama.
Lumapit naman agad ang doctor para matignan agad ang dalaga. She even take a glance at him na parang naninibago.
"What happened to her?" Tanong ng doctor.
"I don't know i saw her fainted" Sabi niya sa doctor at umupo sa sulok habang tinitignan ang dalaga.
Naalala niyang namilipit ang dalaga kanina sa sakit habang nakahawak sa tiyan niya.
"Can you check her stomach, I think that's the reason why she fainted" Sabi niya at tumango naman ang doctor.
"I think i need to run some test about her, can you look after her for a moment" Sabi ng doctor at tumango na lang siya.
I don't have a choice
Sa isip ng binata, nag stay lang siya sa pwesto niya ng mapansin niyang may ibang patient pala sa kabilang bed at lalaki ito ang problema hindi nakasarado ang kurtina ng side ng dalaga kaya tuwang tuwa niyang napagmamasdan ang dalaga.
Napakunot ang noo niya kaya tumayo siya at humarang sa dalaga, napalingon ang lalaking pasyente dito at napalunok ng makilala kung sino ang nasa harap niya.
"Dangsin michigwang-i!" (You maniac) Asik niya dito at tuluyan ng sinarado ang kurtina.
Napalingon siya sa dalaga at kinumutan ito hanggang dibdib bago ulit bumalik sa upuan niya kanina.
It took 1 hour and 30 minutes bago lumabas ang laboratory results ng dalaga. Ang clinic kasi nila parang hospital na, kumpleto sa mga gamit at kailangan para sa mga laboratories. May mga dalawang doctor at nurses din dito, sa laki ba naman ng eskwelahan malamang malaki din ang clinic.
May lumapit na lalaking nurse sa dalaga at may hawak itong injection na may likido sa loob, transparent lang ang kulay nito, parang tubig.
"What was that for?" Malamig na tanong niya sa lalaki.
"It's a medicine sir" maikling tugon lang din ng lalaki at tinuloy na lang ang ginagawa niya.
Chineck lang niya ang dalaga pati ang vitals bago umalis. After 15 minutes ay dumating na din agad ang doctor.
"Iho okay na yung mga results niya, anyways kaano ano ka niya?" Tanong ng doctor sa binata.
"Nothing, she's my classmate" maikling tugon nito na para bang bagay lang ang pinag uusapan nila.
"Okay, since wala naman ibang nandito except ikaw sayo ko na lang sasabihin. Buti na lang nadala mo agad siya dito sa clinic at naturukan na namin siya ng gamot" Sabi ng doctor at huminto sandali.
"What do you mean?" Tanong niya. Kanina parang wala lang sa kanya pero ngayon mahahalata mong curious na talaga siya dahil sa tono niya, lalo na ang pagkunot ng noo niya.
"She have gastritis automatically sasakit talaga ang tiyan niya her upper abdominal specially. Bawal sa kanya ang nagpapalipas ng gutom and such. But no need to worry antibiotics is running through her body now any minute she will wake up. Pwede na din siyang umuwi pero kailangan niyang mag pahinga. Excuse me" Sabi ng doctor at umalis na.
Nang ma absorb na niya ang sinabi ng doctor ay naalala niya ang eksena sa classroom nila kanina, hindi nga niya napansin na kumain ito.
"Tss, stupid girl" nasabi na lang niya at lumabas siya sandali.
Nagpaalam siya sa doctor na bibili lang siya ng pagkain at babalik din agad. Pumayag naman ang doctor kaya tuluyan na siyang lumabas.
****
Samantalang si Marie naman ay papunta ngayon ng sa room ng last section para sunduin ang pinsan niya, hindi niya kasi maiwasang mabahala sa cafeteria pa lang ng nakita niya ito, pag pasok pa lang ng pinsan niya ay napansin na niyang maputla ito at hindi maipinta ang muka.
Una nga ay muntik na niyang hindi makilala ito dahil sa ayos, walang salamin at nakalugay ang buhok.
Nilapitan niya ito at halata na mukang hindi talaga maganda ang pakiramdam nito.
Nakarating naman agad siya sa room ng last section at nagpapasalamat siya dahil nandito pa ang buong klase na naghahanda na din sa pag uwi. Tapos na kasi ang klase nila.
"Excuse me, magtatanong lang sana ako kung nasaan si Sofia?" Tanong niya na nakapag pahinto sa lahat.
Lumapit si Tyrant dito at ngumiti ng malapad "Hi miss, my name is Tyrant are you free tonight?"
Inismiran ito ni Marie dahil sa inis, ganitong nag aalala na siya humarang pa sa harap niya itong lalaking ito.
"No! And if you please excuse me I'm asking for my cousin, where is she?" Tanong niya at pinipilit pa din silipin ang loob.
"She's not here" Sabat ni Kerby habang nagbubukas ng lollipop.
"Kanina pa siyang 2PM wala, nagpaalam siya kanina mukang hindi maganda itsura niya e, hindi kaya umuwi na?" Sabi naman ni rafael.
(Siya yung binanggit kanina ni Sofia na anghel yung nagbigay sa kanya ng towel)
Napakunot naman ang noo ni marie dahil sa sinabi ni rafael. Kinuha niya ang cellphone sa bag niya at tinawagan ang kuya niya.
Pagkatapos ng tatlong ring ay sinagot naman agad ito.
(Hello Marie?)
"Hello kuya? Is Sofia already home?"
(She's not here, kauuwi ko lang din. Is there something wrong?)
"Wala naman kuya makikisabay kasi ako sa kanya hehehe, thank you and bye" Sabi nito at binaba na agad ang tawag.
My ghaaaad! Where are you Sophie?
Binuksan niya ang GPS niya at trinace kung nasaan si Sofia, hindi naman siya nabigo at nalaman nasa clinic ito.
"Did you already find her?" Tanong ni Kerby.
"Yes she's at the clinic, sige una na ko" Sabi niya at aalis na sana siya ng hawakan siya ni rafael.
"Sasama ako" Sabi niya at hindi lang siya ang napasama dahil sumama din si Tyrant, Kerby, Marion, Aldrich hinatak naman ni Kerby si Jedric na sitting pretty lang sa gilid at pumunta na sa clinic.
****
Pagbalik ng binata sa clinic ay tulog pa din si Sofia, inayos niya ang pagkain sa side table nito. Iniisip niya kung gigisingin niya ba ito o hahayaan na lang.
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ng dalaga na tumatakip sa muka nito titig na titig siya dito.
Her beautiful eyes, her pointed nose her red lips--s**t get a grip of yourself Carmelo!
Nagulat siya ng biglang bumukas ang pinto ng clinic at nagpasukan ang mga kaklase nila at isang babaeng nag aalalang naka tingin kay sofia na mahimbing na natutulog.
"President? Anong ginagawa mo dito?"