bc

The Tutor's Temptation

book_age18+
115
FOLLOW
1.5K
READ
forbidden
HE
teacherxstudent
friends to lovers
heir/heiress
drama
sweet
campus
assistant
like
intro-logo
Blurb

“Nagsimula lang dapat sa simpleng tutorials… pero bakit parang ako na mismo ang natuturuan kung paano siya mahalin?”Si Xena, ang nag-iisang tagapagmana ng kanilang hotel empire, ay kailangang mag-excel sa lahat ng paraan—lalo na’t mataas ang expectations ng kanyang ama. Kaya’t pumayag siyang magkaroon ng private tutor: si Kyle, ang seryosong Math Professor and most sought after, highly recommended tutor by the University student's affairs;- may matalim na dila, malasakit na ayaw aminin, at presensya na parang delikado pero imposibleng iwasan.Mula sa simpleng lecture at banter, naging laro ng tukso ang bawat gabi nila—isang adik na proyekto ng “walang strings attached” tutorials na puno ng bulong, halik, at lihim na hindi dapat mabunyag. Pero habang lumalalim ang mga eksperimento nila, natutuklasan nilang hindi na ito basta laro. Unti-unti, hindi lang isip kundi pati puso ang tinuturuan nilang dalawa… hanggang sa wala nang makapigil.Ngunit sa likod ng bawat halakhak at halik, may mga matang nakamasid. May best friend na magtataksil, may ama na hindi kailanman papayag, at may mga taong handang gibain ang lahat ng itinayo nila. At sa huli, kailangan nilang pumili: ang empire na hawak nila—o ang pinakamagandang proyektong itinaya nila ang lahat: ang pag-ibig na ipinaglaban nila laban sa buong mundo.Isang swoon-worthy, thrilling, at scandalous na love story na magsisimula sa simpleng aralin, at mauuwi sa pinakamapanganib na tanong:Hanggang saan mo kayang ipaglaban ang pagmamahal na natutunan mong hindi mo na kayang bitawan?

chap-preview
Free preview
Tutor-Student Clash
Kung may award lang sa pagiging pinaka-overrated na tao sa buong Maynila, malamang ako na ’yon. Xena Voltaire. Heiress. Only daughter. Future CEO ng Voltaire Hotels International. At oo, sa labas parang fairytale. Mansion. Yachts. Black cards. Paparazzi sa bawat gala. Mga taong yumuyuko lang kapag dumadaan ako sa hotel lobby. Pero sa loob? Isa lang akong walking expectation. "Xena, you have to be the best." "Xena, remember, the empire is yours." "Xena, don’t embarrass us." Para akong project na kailangan nilang i-perfect. Walang pwedeng mali. Walang pwedeng bagsak. Kulang na lang gawin nila akong programmed robotic creature. At oo, kahit sa grades ko, hindi ako pwedeng pumalya. Kaya nga narito ako ngayon, nakaupo sa grand study room namin na parang library ng Hogwarts, waiting for my so-called savior-s***h-tutor. Savior daw? More like jail guard. Sabi ni Dad, genius raw siya. Professor ,holds Phd in Mathematics. Top -most sought after tutor in Math. “Hindi siya pwedeng sayangin, Xena. Kung hindi ka pa niyaatuturuan, hindi ko na alam kung may makakagawa pang iba para sayo.” Kaya napataas lang ang kilay ko. Like, hello? Ako pa ba ang project? And then pumasok siya. Tall. Clean-cut. Parang every strand ng buhok niya nakapila. Naka-white polo, sleeves rolled neatly, no fancy watch, no Gucci shoes, just plain black sneakers. Pero hindi ko alam kung bakit nag-freeze ang buong kwarto nung pumasok siya. Kyle De Vera. The genius tutor my father handpicked for me. At ang unang binitawan niyang salita? "Ms. Voltaire, time is precious. Sana hindi tayo magsayang." Wait. Did he just— Napakunot ako. "Excuse me? I was literally waiting here for twenty minutes. You’re late." Nag-slide siya ng isang chair, umupo sa harap ko na parang wala lang. "You were scrolling through your phone. That’s not waiting. That’s wasting." Ouch. Aray. Grabe siya. Sino ba siya para i-call out ako ng ganun? "Wow," ngumiti ako ng pilit, chin up, kunwari hindi ako na-offend. "So this is how you talk to your clients? Walang hiya. Kung hindi lang dahil kay Dad—" He cut me off, calm pero matalim ang tono. "Kung hindi dahil kay Dad mo, hindi rin kita tuturuan." Boom. Mic drop. At that exact moment, parang nag-click ang universe. Hindi ko alam kung gusto ko siyang sampalin o halikan para tumahimik. May spark na hindi ko maipaliwanag. Hindi ’yong kilig na kilig agad, pero parang may nagsabog ng gasolina sa pagitan namin. Flammable. Dangerous. Pinag-aralan ko ang mukha niya habang nagbubukas siya ng notes. Matangos ang ilong, sharp jawline, at may parang permanent resting serious face. Ang tipong hindi marunong magpatawa. Hindi rin siguro marunong mag-relax. Perfect opposite ko. "Open your book," sabi niya, walang tingin sa akin. "Which one?" nilandi ko ang boses ko, leaning closer. "Any book. Kahit dictionary. Just prove to me na kaya mong magbasa nang tuloy-tuloy ng tatlong minuto." Did this man just… Napanganga ako. Ako? Hindi makakabasa? Ako, na palaging front-page cover girl sa lahat ng glossy magazines? Ang hirap mag-decide kung mas nainsulto ako o na-turn on. So I smiled sweetly, leaned forward hanggang halos magdikit ang mukha namin. "Three minutes? Kaya kong buong gabi, Kyle." Napatigil siya. Lumingon. Diretso sa mga mata ko. And for the first time, nakita kong nadisrupt siya—even just for a second. His pen stopped. His jaw tightened. At doon ko alam—game on.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

30 Days to Freedom: Abandoned Luna is Secret Shadow King

read
307.5K
bc

Too Late for Regret

read
271.6K
bc

Just One Kiss, before divorcing me

read
1.6M
bc

Alpha's Regret: the Luna is Secret Heiress!

read
1.2M
bc

The Warrior's Broken Mate

read
135.8K
bc

The Lost Pack

read
374.6K
bc

Revenge, served in a black dress

read
144.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook