Kyle's POV Nasa study room ulit kami ni Xena. She’s in her oversized white shirt, nakataas ang buhok sa loose bun, at may ilang hibla ng buhok na tumatama sa leeg niya. Ang lamig ng aircon, pero parang ako ‘yung naiinitan. “Ang weird mo ngayong gabi,” sabi niya habang may sinusulat sa notebook. “Tahimik ka masyado.” “Focus ka na lang sa problem,” sagot ko, pilit pinapakalma ‘yung tono ko. “Eh paano ako makakapagfocus kung ang tutor ko parang may iniisip na malalim?” Sinulyapan niya ako, half-smirk, half-curious. And damn, that look again — ‘yung tipong kayang sirain lahat ng composure ko. “Wala akong iniisip,” sabi ko. “Liar,” sagot niya agad. Tapos ngumiti. “Alam mo bang halata ka pag nagsisinungaling? Gumagalaw ‘yung jaw mo.” Napahawak ako sa panga ko nang hindi sinasadya.

