(Xena’s POV) Ang tahimik ng study room ngayon. Mas tahimik kaysa sa dati. Walang tunog kundi ‘yung tunog ng ballpen niyang dumudulas sa papel — mahinahon, maingat, parang bawat sulat niya ay kailangan ng disiplina. At si Kyle, nando’n lang. Nakaupo sa kabilang side ng table. Seryoso. Masyadong seryoso. Hindi siya tumitingin kay Xena. Hindi rin siya nagsasalita maliban sa mga linya ng lesson nila sa Algebra. “Focus, Xena,” sabi niya kanina, sa tonong walang halong lambing, walang kahit anong trace ng lalaking halos halikan siya ilang araw lang ang nakakaraan. Pero paano siya makaka-focus kung ang mismong taong ‘yon ang nasa harap niya ngayon — at sobrang tahimik, sobrang kontrolado, sobrang malamig? Parang every time na titignan niya si Kairo, may pader na agad na nakaharang. ‘Ganito

