(Kyle’s POV ) May nag-mention sa group chat ng department: > “Grabe, ‘yung student mo yata ‘yung may highest jump sa midterms! 93, dude!” Una, hindi ko pinansin. Pero nang makita ko ‘yung attached photo ng bulletin board ng university, automatic kong hinanap ‘yung pangalan na alam kong hindi ko dapat hanapin. At ayun siya — Voltaire, Xena — Algebra, 93. Parang tumigil lahat ng ingay sa paligid ko. May kung anong mainit na bagay na gumapang sa dibdib ko, ‘yung tipong nakakapaso pero sabay nakakatunaw. I should be proud. I should only be proud. Pero bakit parang gusto kong tumakbo papunta sa kanya, hawakan siya sa balikat, at sabihing, “See? I told you. You could do it. You’re incredible.” Instead, napahawak lang ako sa mesa, pinipigilan ang ngiti na ayaw mapigilan. Nakakata

