(Kyle’s POV) Hindi ko alam kung paano ako nakabalik sa mesa. Pag-upo ko, parang lahat ng tunog sa paligid—ulan, orasan, mga pahina ng libro—naging mas tahimik. Pero ‘yung t***k ng puso ko? Lalong lumakas. Tumingin ulit ako kay Xena. At doon ko na-realize kung gaano siya kalapit ngayon. Hindi ko napansin na lumapit siya sa tapat ko habang may inaayos sa laptop. “Hindi ka ba talaga magsasalita?” tanong niya, sabay tingin nang diretso sa mga mata ko. “About what?” Kunwari clueless ako. Pero alam kong alam niya. “About the fact na nahuli kitang nakatitig?” ‘Yung tono niya, playful pero may halong hamon. Parang sinasadyang tuksuhin ‘yung linya ng pasensiya ko. “Hindi naman bawal tumingin,” sagot ko. “Tutor ako, dapat attentive.” “Attentive?” ngumisi siya. “Bakit parang hindi sa notes

