(POV: Xena) Ang lakas ng ulan. Parang binubugbog ng langit ‘yung bubong sa taas namin. At habang bumabagsak ang kulog, may isa pa ring bagay na mas malakas kong naririnig— ang t***k ng puso ko. At ng kanya. Tahimik sa library, maliban sa ugong ng hangin at alon ng ulan sa bintana. Ang dilim, kasi brownout pa rin. May iisang emergency light lang na nanginginig pa ang sindi, parang pati siya kinakabahan. “Xena, wag kang tatayo,” sabi ni Kyle nang makita niyang susubukan kong tumingin sa labas. Pero matigas din ulo ko. “Gusto ko lang makita kung lumulubog na ‘yung parking area. Baka naman pwede pang umuwi.” “Hindi pwede,” sabi niya, habang sinusundan ako ng tingin. “Baha na. Delikado. Manatili ka dito.” “Dito?” tinuro ko ‘yung mesa. “Sa gitna ng haunted library na parang anytime m

