(Xena’s POV) Alam mo ‘yung feeling na may nagbago, pero hindi mo pa ma-point out kung ano? Hindi siya obvious, pero ramdam mo — sa paraan ng paghinga, sa mga sulyap na masyadong matagal, sa mga salita niyang laging bitin pero mabigat. Ganun si Kyle ngayon. Hindi ko alam kung ako lang ba ‘to o may something talaga. “Please, for once focus, Xena,” sabi niya habang inaayos ang mga notes ko sa harap ng desk. Pero hindi ko maiwasan mapansin na hindi na lang basta-basta yung “focus” niya. Parang may ibang ibig sabihin, ‘yung tipong gusto niyang sabihin na “Focus, kasi kung hindi, baka ako ‘yung mawala sa focus sa’yo.” Lintek. Bakit ganun pakinggan sa utak ko? “Okay, okay!” Umirap ako, kunwari nagdededma. “I’m focusing, ‘di mo ba nakikita?” He looked at me — those eyes that used to just be

