Tahimik at mabigat ang hangin habang naglalakad sila papunta sa Guidance Office, kasama ang propesor na mariing nakabantay. Hawak pa rin ni Althea ang pisngi niya na may bakas ng kalmot, samantalang pilit namang pinipigilan ni Carlo ang nagwawalang babae na kanina’y sumugod sa kaibigan nila. Si Jasmine nama’y nakadikit lang sa gilid ni Althea, halatang nag-aalala parin sa sugat na natamo ni Althea.
Bulungan pa rin ang mga estudyanteng naiwan sa hallway, ang ilan ay nakasunod pa ng tingin na para bang nanonood ng pelikula.
Ngunit habang papalapit sila sa kanto ng pasilyo, biglang natigilan ang lahat nang lumitaw ang isang pamilyar na figura na hindi nila inaasahan. Parang sabay-sabay na huminto ang ingay ng paligid, at tanging mabilis na t***k ng bawat puso ang maririnig.
Ang matikas na anyo ng Gobernador ang agad na bumungad, nakasuot ito ng pormal na barong, kasabay ng dalawang bodyguard.
Isa-isang napalingon ang mga estudyante, at halos sabay-sabay ding napayuko nang makilala kung sino ang dumating. Ang presensya niya ay mabigat, nakakapigil ng hininga—parang mismong oras ay napako sa pagdating niya.
Nanlaki ang mga mata ni Althea at napakunot ang noo. “Ang hayop…?!” bulong niya sa sarili, hindi makapaniwala.
Maging ang propesor ay tila nabigla at agad nagbigay-galang. “Ginoo… Governor Silas, magandang hapon po.”
Pinagmasdan ni Silas ang grupo, lalo na si Althea na hawak-hawak pa ang pisngi niyang may bakas ng sugat. Kita sa mga mata nito ang pagtataka at bahagyang pag-aalala.
“Ano’ng nangyayari rito?” malamig ngunit awtoridad niyang Silas habang papalapit. “At bakit may sugatan?”
Siya na kanina’y hawak pa ang pisnging may bakas ng kalmot, biglang tumigil sa paglalakad. Naningkit ang kanyang mga mata habang nakatitig nang diretso kay Silas—matatalim, puno ng galit, at halatang pigil ang sarili na huwag sumabog sa harap ng lahat.
Parang wala nang ibang tao sa paligid; tanging siya at si Silas lang ang nagkakatinginan. Ramdam ni Silas ang bigat ng titig ni Althea, kaya’t saglit din itong tumigil at tinitigan siya pabalik, malamig at mapanuri.
“Ano’ng ginagawa niya rito…?" bulong ng isip ni Althea, ngunit hindi siya umiwas. Sa halip, lalo pang tumalim ang mga mata niya—isang titig na nagpapahiwatig ng poot na matagal nang nakabaon sa puso niya para sa lalaking ito.
Halos hindi makasagot ang propesor sa kaba. “Ah… Gov, may… insidente lang po na nangyari. Dadalhin na po sana namin sila sa Guidance Office.”
At ngayon, sa gitna ng hallway, ramdam ni Althea ang mas mabigat na titig niya kay Silas tila ba isang tingin na kayang bumutas sa lahat ng lihim na pilit niyang itinatago.
Naningkit ang mga mata niya habang nakatitig pabalik kay Silas—matatalim, puno ng galit, at tila ba isang labang walang salita ang nagaganap sa pagitan nila. Kita sa titig ni Althea na hindi siya uurong, kahit na ang kaharap niya ay isang makapangyarihang Gobernador.
Ngunit mas lalong kumulo ang bulungan nang mapansin ng lahat ang matalim na titigan nina Althea at Silas. Parang huminto ang oras, at kahit ang propesor na kasama nila ay halatang nailang sa biglaang tensyon.
“Kita n’yo? Halatang-halata naman, ‘di ba?” mahina pero may panunuyang bulong ng isa, sapat para mapalingon ang iba.
Napalingon ang lahat sa direksiyon nila, at mas lalo lamang lumakas ang mga bulungan. May ilan pang napapangiti, may iba nama’y halatang naguguluhan.
Sa gitna ng lahat, nanatiling nakatayo si Althea, hawak pa rin ang pisngi niyang may sugat. Hindi niya tinatanggal ang tingin kay Silas—matatalim, puno ng galit. Samantalang si Silas naman, nananatiling malamig ang ekspresyon, tila sinusuri ang bawat emosyon niya.
Napansin ng propesor ang tensyon kaya’t agad siyang pumagitna, pilit na ipinagpapatuloy ang paglalakad. “Dadalhin na po namin sila sa Guidance Office, Gov,” aniya, nanginginig ang tinig.
Tahimik ang loob ng Guidance Office, tanging tik-tak ng orasan at bigat ng presensya ng Dean ang maririnig. Nakatayo silang lahat sa harap ng mesa nito—si Althea, Carlo, Jasmine, at ang tatlong babaeng sangkot sa gulo.
Mariing nakakunot ang noo ng Dean habang hawak ang ilang papel sa mesa. Halatang pigil ang inis at pagod nito. “Hindi kayo nag-iingat! Kung kailan last month niyo na lang dito sa unibersidad, saka pa kayo gumagawa ng gulo!” madiin nitong wika, sabay hampas ng ballpen sa mesa.
Parang sabay-sabay na lumubog ang lahat sa kinatatayuan nila. Walang makapagsalita, tanging nakayuko lamang sila habang tinatanggap ang sermon. Ramdam ang kaba, lalo na’t alam nilang malaki ang bigat ng nangyari—hindi lang dahil sa away, kundi dahil may sugatan pang nadamay.
Si Althea nama’y hawak pa rin ang pisngi niyang may bakas ng kalmot, ngunit hindi siya nagsalita. Naroon pa rin ang init ng galit niya, ngunit mas nangingibabaw ang hiya at bigat ng sitwasyon. Sa gilid niya, si Jasmine ay nakasilip lang paminsan-minsan, habang si Carlo nama’y mariing nakatitig sa sahig, halatang pigil ang sarili na huwag magsalita.
“Isa pa,” dagdag ng Dean, tinig na puno ng babala, “kung hindi niyo ito aayusin, baka hindi lang kayo basta mapatawag dito. May mas mabigat na kaparusahan na naghihintay sa inyo.”
Muling naghari ang katahimikan. Ang bawat isa ay nakayuko, nagbibilang ng sariling kaba, at umaasang matapos na ang pagdinig ng kanilang pagkakamali.
Bago pa man magsalita ulit ang Dean
“Governor Silas…” halos sabay-sabay na bulong ng ilang estudyanteng nasa loob.
Napahinto ang Dean, nanlaki ang mga mata, at agad tumayo. Ang matapang na boses na kanina’y naglalabas ng sermon ay tila biglang lumambot. “G-Governor…” halos pabulong nitong bati, may bahid parin ng kaba.
Dire-diretso namang pumasok si Governor Silas, malamig ang ekspresyon habang naglalakad. Ngunit agad napako ang kanyang mga mata kay Althea. Kita niya ang bakas ng sugat sa pisngi nito, at bahagyang kumunot ang noo nang mapansin na hindi pa rin iyon nagagamot. Parang lalong tumindi ang lamig ng kanyang presensya sa loob ng opisina.
“Diba dapat… kailangan munang gamutin ang sugat niya bago niyo sila pagalitan?” malamig ngunit mabigat ang tinig ni Silas, bawat salita’y mabagal na binitiwan na parang utos na hindi pwedeng salungatin, sabay lingon sa Dean.
Parang natahimik ang buong opisina. Maging ang Dean na kilala sa pagiging istrikta ay napalunok at biglang napa-upo muli, halatang nataranta. “A-ah… o-opo, Governor. Tama po kayo…”
Bahagyang napangisi si Althea, isang ngising puno ng pang-uuyam at inis.
At doon, napako ang lahat ng mata kay Althea—nakatingin lamang siya kay Silas, matalim ang mga mata, puno ng galit, ngunit nanatiling tikom ang labi. Para bang sa titig pa lang niya’y isinisigaw na ang lahat ng hindi niya kayang bigkasin, isang tahimik na laban na sila lamang ang nakakaunawa.