Prologue
I know my obligations as a princess and I will never forget about it but can they obligate me first? Tatanda na ba akong dalaga?
“Hoy, anong tatanda kang dalaga? Tongeks ka ba?” Nakalimutan ko nga pa lang may kasama akong mind reader.
“G*go! Hindi ‘no, napaisip lang kasi ako. Paano kung tumanda akong dalaga?”
Oo, mga prinsipe at prinsesa kami pero hindi naman na ibig sabihin noon na hindi na namin kailangang magsabi ng mga ganoong salita.
“Both of you, stop that chit-chatting of yours. Be ready. We will have a meeting later.” My Kuya entered the room.
“Can you please stop speaking English? My nose is bleeding because of you,” Kuya Lander said.
Akalain mo iyon? Ayaw makarinig ng salitang Ingles tapos siya bigla-biglang magsasalita nito.
“Bahala ka riyan, Selene! Hindi ko alam kung nakalimutan mo na mind reader ako o sinasadya mo talaga.” Padabog at galit na sabi niya sa akin.
I closed my mind again. I just want to tease him.
“By the way, Kuya. Can you tell me about the meeting? Wala naman ‘yon sa schedule ngayong week, ‘di ba?” tanong ko sa kaniya.
“Selene, that meeting is an urgent meeting,” he said.
“What?! What do you mean?”
Pareho kaming napatingin ng pinsan ko sa Kuya ko.
“Supremo is the one who made that meeting and Kings and Queens will also attend the meeting later.”
“Hyung, what do you mean by Supremo, Kings, and Queens?”
“Ibig sabihin madami, right?”
“Obviously, Selene,” he sarcastically said.
“But what kingdoms? Did they announced it?” tanong ko ulit rito.
“They didn’t. So, I don’t know either, Selene. All I can say is. . . I feel like there’s going to be a lot of trouble later," sabi niya.
Ang negative naman mag-isip ni Kuya.
“Kuya, I met a stranger earlier. She said something to me that made me think about it," I said.
“What is it?” he asked.
[FLASHBACK]
Nandito ako sa labas ng palasyo. Tumakas na naman ako. Gusto kong makita ang mga bulaklak na naraanan namin kahapon kaya nilibot ko ang Bayan ngunit nakailang ikot na ako sa lugar na ito ay hindi ko pa rin mahanap-hanap ang bulaklak na iyon.
Hanggang sa makarating ako sa magubat na parte ng Bayan, may nakita akong parke rito na maaaring gawing pahingahan kaya alam kong ligtas ako kung nasaan man ako ngayon.
Someone approached me. I couldn’t see her face because she was using a cloak.
“Yes? Do you need something?” I asked genuinely.
“Iha, maaari mo ba akong tulungan umupo?” tanong nito.
Tinulungan ko siyang umupo sa upuan na malapit sa kinatatayuan ko kanina, umupo na rin ako para magpahinga.
“Napakabusilak naman ng iyong puso, Hija. Isa ka ring magandang dilag, maaari ko bang malaman ang iyong pangalan?” Ngiting tanong niya.
“You can call me Lenlen and thank you for your compliment.” I smiled at her. I didn’t lie because Lenlen is part of my name Selene. And someone gave that nickname to me.
“Maaari ko bang hawakan ang iyong kamay, Iha?” tanong ulit ng matanda sa akin.
Kahit na naguguluhan ay binigay ko pa rin sa kaniya ang aking kamay.
“Iha, maging mapanuri ka at ‘wag basta-basta maniniwala," seryosong saad nito sa akin. Ni hindi man lang ito kumurap.
“May naging kaibigan ka bago pumasok ng akademiya, ‘di ba?” Nagulat ako sa tanong nito.
“Ano po ang iyong ibig sabihin? Wala po akong naging kaibigan na kahit na sino bago po ako pumasok sa akademiya," saad ko sa kaniya.
“Mamahalin niyo ang isa’t-isa ngunit sa pagmamahalan niyo ay may isang tao na maghahangad na mawala kayo.”