Biglang nag-iba ang ihip ng hangin. Nang tumingin ako sa kaniya ay ganoon na lamang ang gulat ko nang makitang nasa ibang anyo na siya. "How..." I murmured. "Simply because I'm not really a part of Wormoon royalty, d*mbass," she said. "How?" sabay na tanong namin ni Kzeisha. "I'll tell you the truth, malapit naman na kayo mamatay e," aniya at nakangisi. "Kami dapat ang ikakasal ni Ymir—" Hindi na niya naituloy ang sasabihin nang magsalita ako. "G*ga ka ba? Kami nga ang mate tapos pipilitin mo na ikasal sa iyo? Ikaw talaga ang pinakat*ngang nakilala ko," saad ko. Tumawa naman siya nang pagkalakas-lakas. Ngayon ay nag-iba na talaga ang kaniyang katauhan at ang kaniyang boses. Ibang-iba sa Leticia na nakilala ko. Purong itim ang suot. Naglabas siya ng itim na mahika na nagpagulat sa

