Nandito na kami sa kwarto pagkatapos ng pag-uusap, umuwi na rin ang mga hari at reyna dahil may kailangan pa silang gawin na kanilang gampanin. "Sigurado na ba kayo? Tabi-tabi talaga tayo matutulog . . . dito?" tanong ni Kzeisha habang tinuro ang maliit na kama na animo'y nandidiri. Napatawa naman ako kaya napatingin siya sa akin. "Anong tinatawa-tawa mo?" masungit niyang tanong sa akin. Hindi na ako nagsalita pa at may pinindot sa gilid ng kwarto. Ang kwartong ito ay magical o high tech kung tawagin sa mundo ng mga tao. Pagkapindot ko ay lumaki ang kama, gano'n din ang kwarto at banyo na kanina lang ay hindi kami magkasiya. Pinagmasdan ko sila isa-isa. They all have shocked expressions except the two icey people, my Kuya's and cousin. "Tara na!" sigaw ko sa kanila at tumalon sa i

