Chapter 37 Angela “Happy birthday to you, happy birthday, happy birthday, happy birthday, Daniela…” masayang kanta namin sa ikaapat na kaarawan ni Daniela. “Blue the candle, My Dear!” wika ni Faye sa aking anak na apat na taong gulang na. Masayang hinipan ni Daniela ang kandila na nasa kaniyang cake na binili ng kaniyang Ninong Gerald na asawa ni Faye. “May regalo ako sa’yo, Daniela,’’ wika ni Gerald na binuhat si Faye at ibinigay ang malaking box. Hindi nga iyon mabuhat ni Daniela, kaya muli niyang inilapag si Daniela sa buhanginan. Dito kami ngayon nag-celebarte ng ikaapat na kaaraw ni Faye sa Lucky Island na binabantayan ni Gerald. Dinala niya kami rito kasama si Aunte Reta na magaling na sa kaniyang sakit. Iyon nga lang kailangan niya pa rin mag-maintain ng gamot para sa anxiety

