Chapter 38 Angela “Mapatawad mo sana ako Angela, sa lahat ng mga pagkakamali kong nagawa sa pamilya mo,’’ umiiyak na paghingi ng patawad ni Aunte Reta. “Matagal na kitang pinatawad, Aunte. Patawarin mo rin sana si Mommy sa lahat ng mga nagawa niyang pagkakamali sa’yo. Naiintindihan kita dahil naranasan ko rin ang magmahal at iba ang kaniyang mahal. Subalit hindi ko naman pinagsisisihan na minahal ko siya kahit na komplekado ang sitwasyon namin noon,’’ nakangiti kong sabi kay Aunte Reta. “Siya ba ang ama ni Daniela? Kaya ba walang ama si Daniela, dahil may ibang mahal ang ama niya?’’ malungkot na tanong ni Aunte sa akin. Tipid akong tumango sa kaniya at ngumiti. “Ayos lang iyon, Aunte. Dati naman pangarap ko lang na magkaroon ng sarili kong anak kahit walang asawa. ‘Yon nga lang, lumal

