Chapter 39 Angela Kumuha ako ng sinturon at walang alinlangan na pinalo si Daniela dahil sa sobrang gigil ko sa kaniya. “Ganiyan pa lang ang edad mo, ganiyan ka na mangot sa akin, ha? Hindi kita isinilang sa mundong ito para bastusin mo ako, Daniela!” Inaawat ako ni Aunte Reta subalit ayaw kong konsentehinn ang ugali ng aking anak. Ayaw kong lumaki siya na masamang tao. “Mommy, tama na! Ang sakit na ng paa ko!’’ iyak ni Daniela na pakiusap sa akin. Akala ko hindi siya matatablan ng sakit. Tumigil din ako sa pagpalo sa kaniya at lumuhod sa harap niya upang mapantayan siya. “Uulitin mo pa ba ang pagsagot-sagot mo sa akin?” madiin kong tanong sa kaniya. Subalit sa halip na magsalita siya pinipigilan niya ang mga luha sa kaniyang mga mata na huwag pumatak. Nagmamatigas siya na akala mo

