Part 24

2003 Words
"Ang laki pala netong unit ni Sir Harry Manang", aniya habang iniikot ng tingin sa paligid, lumuwas sila ngayong Manila kasama si Manang Becky, sumama siya dito na maglinis sa unit ng binata. "Mahigit dalawang buwan ko rin itong hindi nalinisan, sha Celina magsisimula ako sa banyo", paalam nito at tumalikod na, naghanap nalang din siya ng pwedeng gawin. Sa dalawang buwan niyang paglalagi sa rest house ng binata ay may natutunan naman siyang mga gawaing bahay na itinuro ni Manang becky kaya naman tumulong narin siya sa Ginang para mabilis silang matapos. Sa kusina naman siya nagtungo at naglinis doon kahit pa tingin niya ay wala namang dumi. Nang makita niya ang kumpletong gamit nito ay tila nasabik siya pumuwesto doon, iniimagine niya ang sarili na dito nakapwesto at abala sa mga nilulutong pagkain para sa binata. Ano kayang pakiramdam na makasama ito sa iisang bahay na sila lang dalawa, "Celina okay kalang ba dyan?", "Ay tipaklong ka,, Oo Manang hehe", nagulat na saad niya sa biglang pagsulpot ng ginang, "Magpapalit ako ng mga kobre kama at kurtina, pag nagugutom kana may laman iyang ref", "Sige po Manang, susunod rin po ako dyan para tumulong", ngumiti lang ito at tumango, itinabi na niya muna ang pangangarap ng gising dahil nakakahiya dito. Matapos niya sa kusina ay sinundan niya ito sa kwarto habang abala na nagtatanggal ng mga sapin. Tumulong narin siya pati sa pagtanggal ng kurtina, kailangan niya matutunan ang mga gawaing bahay para hindi nakakahiya sa mapapangasawa niya balang araw. Para hindi nakakahiya kay Sir Harry, piping saad ng utak niya,, sumunod naman siya sa ginang ng magtungo ito sa laundryhan. "Sandali lang naman ito, hindi kapa ba pagod?", umiling naman siya dito, magaan lang naman mga ginawa niya "Manang Becky gusto niyo po ba ng ice cream?", "Gusto mo ba? kaso wala atang ice cream sa ref", "Bibili nalang po ako, may nakita akong 7eleven sa baba", "Osige, bumalik ka agad hah", tumango lang siya dito, palabas na siya ng hallway ng makasalubong niya si Kent. "Celina!", "Oy Kent!", napangiti na lumapit siya dito. "Buti nalang nakita kita muntik pakong mapunta sa ibang floor", "Huh? bakit? ano palang ginagawa mo dito?", aniya napakamot naman ng ulo ito saka abot ng malaking supot "Pinadala toh ni Tiyo, pagkain niyo raw ni Manang Becky", "Oh? naks nag abala pa talaga si Boss B", tiningnan niya naman ang loob nito at natuwa siya ng may makitang ice cream sa loob. "Sakto naman pala bababa rin sana ako para bumili ng ice cream eh", ngumiti naman sa kanya ang binata, "Sige Celina mauna nako, aayain sana kita lumabas kaso mukang busy ka. Sa sunod nalang", "Ayaw mo bang kumain ng ice cream muna?", "Naku hindi na para sayo daw yan e", "Marami naman toh at kami lang ni Manang Becky ang kakain neto", "Osige na nga. Masyado kang maganda para tanggihan", natawa naman siya dito "Binola mo pa ko, tara pasok tayo sa loob.", aya niya dito at pumasok sila sa loob, nakasalubong naman nila sa sala ang Ginang, "Oh ang bilis mo ata", anito "Manang si Kent, pinahatiran tayo ni Boss B ng ice cream at lunch", "Hi Manang", bati naman dito ng binata "Uy kent, salamat hah. Pati tuloy ikaw naabala", "Wala yon manang, day off ko naman po kase ngayon", "Mabuti pa saluhan mo na kami, pangbawi man lang sa pang aabala sayo", nag ngitian lang sila ng binata at dumiretso sila sa kusina. Nagpasya na silang kumain dahil malapit narin magtanghalian. "Diba Celina aalis kapa? pagkatapos natin magtanghalian pwede kana umalis para makuha mo ang dapat mong kunin sa bahay niyo", "Oo sana manang pero hindi kapa tapos sa laundry", aniya habang kumakain sila "Saan ang punta mo Celina?", tanong naman ng binata "May babalikan lang akong gamit sa bahay", "Pwede kitang samahan, wala naman akong gagawin ngayon", "Oh yun naman pala Celina, para hindi rin ako mag alala na mag isa kalang na aalis", "Eh? nakakahiya naman,-" "Wala yon Celina at wala rin naman akong gagawin ngayon", tumango nalang siya at ngumiti sa binata. Pagkatapos kumain ay nagligpit muna siya ng hugasin bago nagpaalam sa ginang. "Alis na kami Manang Becky, babalik din po ako agad", "Okay mag iingat kayo, Kent ingatan mo si Celina", "Opo Manang", nakangiti namang sagot ng binata at umalis narin sila. "Okay lang ba na nakamotor tayo Celina? masyado kaseng traffic kaya hindi kotse ang dinala ko", wika nito habang nasa elevator sila "Walang problema sakin Kent", "Sige, hintayin mo nalang ako sa labas kunin ko lang ang motor", tumango lang siya dito, sinunod niya naman ang sinabi nito at naghintay siya sa labas ng building. Ilang sandali pa ay tumigil din ito sa harap niya at sinuotan siya ng helmet. "Ayan, buti nalang pala lagi akong may dala na extrang helmet", "Wala bang magagalit na may ibang sasakay dito sa motor mo?", napatawa naman ito sa tinuran niya "Ano kaba? wala nga kong jowa eh", "Maniwala ko sayo?", saad rin niya at sumakay na sa likod nito, "Wala ako non. Pero meron nakong balak ligawan, okay kanaba? kumapit ka hah", "Oo okay na", napakapit nalang siya sa gilid ng jacket nito ng paandarin nito ang makina. Ibinigay niya sa binata ang address ng bahay nila at madali naman nila itong napuntahan, tama ito mas mabilis pag motor ang gamit nakakalusot sila sa sobrang traffic. Ilang sandali pa ay nakapasok na sila sa loob ng subdivision, malapit lapit narin sila sa bahay nila. "Dito na Kent", tumigil naman ito sa gilid ng kalsada, agad din siyang nagtanggal ng helmet. "Ito ba ang bahay niyo Celina?", "Oo pero, hindi na samin yan", "Hah? bakit??", malungkot na ngumiti siya dito, kasunod niya ito papunta don sa main gate nila. "Nahatak na ng bangko," sagot niya lang dito at tumigil dun sa guard house, "Tao po", "Ano yon??", nakasilip na saad nito dun sa maliit na gate. "Ako yung anak ng dating may ari ng bahay. May kukunin lang sana akong personal kong gamit sa loob", aniya dito "Naku Mam, mahigpit po ang utos sakin na hindi pwede magpapasok ng kahit sino", "Pero kuya nasa usapan namin na may personal pakong gamit na pwedeng balikan", giit niya dito "Pasensya na talaga Mam, hindi po talaga pupwede", "Kuya please naman?? pagbigyan niyo na yung kasama ko. Wala naman kaming ibang kukunin personal na gamit lang", saad naman dito ng binata "Hindi po talaga pupwede Sir, mahigpit ang bilin sakin ng bagong may ari at nasunod lang ako sa utos", "May bago ng may ari? may nakabili na nito kuya??", saka siya napatingin dun sa unahang gate, wala na ang karatola na nakalagay don. "Yes Mam, pasensya na po talaga", parang nanlambot ang tuhod niya ng marinig ang sinabi nito, iginala niya ang tingin sa kabuuan ng malaking bahay nila, ang bahay na kung saan siya lumaki ay tuluyan ng nawala sa kanila. Kahit ito lang sana ang itinira sa ari-arian nila, "Celina?", "Tayo na Kent, okay lang", bigla niya naalala ang Ninong Henry niya baka pwede siyang humingi ng tulong dito para makuha niya ang ilan niyang gamit. Naiwan niya kase sa kwarto ang passport niya at ibang personal na gamit. Maliwanag naman ang usapan nila ni Mrs. Sanchez na meron pa siyang kailangang balikan. "Ano ng plano mo?", Sandali siyang nag isip at napahinga ng malalim, bigla naman tumunog ang cellphone niya. Calling Ninong Henry... "Wait lang Kent", sandaling paalam niya sa binata bago sinagot ang tawag nito, "Hello po Ninong??", "Celina, how are you? I have a goodnews to you, nakausap ko na ang mga magulang mo", may galak na bungad nito, "Yes Ninong, I also talked to them, malapit na po silang umuwi", aniya, sandali namang natigilan ito sa kabilang linya, "Did you tell them what Angelo did to you?" may pag aalala sa tinig na saad nito, "No, wala po akong sinasabi", sagot niya, narinig niya pa ang paghinga nito ng malalim, alam nito na ikakagalit iyon ng kanyang Ama oras na malaman ang ginawa sa kanya ni Angelo. "Celina can we meet again? I want Angelo to personally apologize for what he did to you. Ayokong magkaroon ng alitan ang pamilya natin", "Pero Ninong??", "Don't worry, kasama mo ako. Hindi siya makakagawa ng iba sayo. At alam kong nagsisisi na siya ngayon", siya naman ang natigilan sa sinabi nito, hindi niya alam kung papayag ba siya o hindi sa plano nito na makipag usap at pagharapin sila ng binata. Naroon parin ang takot at kaba sa dibdib niya, pero ang gusto daw nitong mangyari ay maging maayos ang nasa pagitan nila bago umuwi ang kanyang mga magulang. Huling mensahe nito ay sa sariling opisina nito sila pwedeng mag usap. Nag aalinlangan parin ang isip niya sa posibleng mangyari pero ito narin siguro ang pagkakataon niya para masabi dito na hindi siya sumasang ayon sa nais mangyari ng mga ito na maikasal sila. Para sa ikatatahimik narin ng kalooban niya at tuluyan ng maputol ang koneksyon nila ng binata. "Celina okay ka lang ba?", untag sa kanya ni Kent, napatango lang siya dito. "Pasensya kana Kent, wala rin akong napala. Bumalik nalang siguro tayo", "Osige mabuti pa", Bumalik rin sila agad sa building unit na tinutuluyan ng binata. Nang dumating siya ay tapos na sa gawain ang Ginang. Sinabi niya dito ang nangyari maging ang tungkol sa gustong mangyari ng Ninong Henry niya. "Pero Celina? bakit hindi mo nalang hintayin ang mga magulang mo bago makipag usap sa kanila?", alalang saad nito "Gusto raw niya na maging maayos na ang lahat bago bumalik ang mga magulang ko. Alam kong nag aalala din siya sa posibilidad na magalit ang Daddy, matalik silang magkaibigan at ayaw niyang magkaron ng lamat ang samahan nila", "Magpaalam ka kay Sir Harry, para alam niya ang plano mo", "Masyado na kong abala kay Sir Harry Manang, ayoko siyang idamay sa personal kong problema", "Sigurado kana ba dyan?", tumango naman siya, nakapagdesisyon na siya para matapos na ang mga alalahanin niya. May tiwala naman siya na hindi siya papabayaan ni Ninong Henry niya, hindi nito kokonsintihin ang anak. *** Papasok na siya sa loob ng kanyang kwarto ng makasalubong niya ang kanyang Ama, masama na naman ang tingin nito sa kanya. Nang malaman nito ang ginawa niyang pananakit kay Celina ay sobra itong nagalit sa kanya. "You're drunk again? fix you're self Angelo. Hindi kita pinalaki para maging ganyan ka", ngumisi lang siya dito "What do you want me to do??", "Apologize to Celina, malapit ng umuwi ang mga magulang niya. I don't want to embarrass them in the foolishness you've done", Payak siyang napatawa, lalo siyang nanggigil ng maalala ang taong sumira sa mga plano niya. Sinagot lang naman ng mayamang businessman na yon ang lahat ng atraso ng mag asawa, unti unti ng naaayos ang kaso nito sa Macao at ilang araw nalang ang bibilangin ay makakauwi na ang mga ito. Lahat ng plano niya para mapasakamay ang dalaga ay nasira. "I have no regrets in what I did to Celina Dad, she deserves it", aniya pa, nandilim naman ang paningin nito sa sinabi niya at agad niyang natikman ang kamao nito. Napangudngod siya sa pader habang hawak hawak ang masakit na panga, nalasahan rin niya ang dugo sa labi niya, "Mag uusap kayo ni Celina bukas sa opisina ko, at hihingi ka ng tawad sa kanya!!!, mapatawad ka man niya o hindi wala na kong magagawa. Sinira mo ang pangarap ko sa inyong dalawa", napangisi lang siya dito hanggang sa tumalikod ito, tingin niya ba ay pupunta ang isang yon? sa takot lang nito na makaharap ulit siya. "Hindi ako ang sumira sa pangarap mo, dahil pangarap ko rin yon!", anas niya bago pumasok sa loob ng silid, binagsak niya ang katawan sa kama at pinikit ang mga mata. "Hindi pa ako sumusuko Celina,, hinding hindi", mariing saad ng isip niya. Agad siyang bumangon at kinausap ang kaibigan, kailangan niyang maghanda para sa muling pagkikita nila ng dalaga. Sa pagkakataong ito wala na itong kawala pa sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD