"Magpalit na muna kayo ng damit Sir, baka kayo naman ang magkasakit", sabay abot ni Kuya Bigs sa kanya ng damit, nasa private room na ang dalaga at kasalukuyang natutulog. Hindi parin bumababa ang lagnat nito kahit pa nabigyan na ng gamot.
"Salamat Kuya Bigs, magpahinga na rin po kayo",
"Pabalik narin si Becky Sir, siya naraw ang bahalang magbantay kay Celina", napatingin naman siya sa labas ng bintana, madilim na pero hindi parin humuhupa ang lakas ng ulan.
"I'll take care of it, delikado sa daan kung babalik pa ulit si Manang Becky dito",
"Sir?",
"Dito na ko magpapalipas ng gabi kuya Bigs, daanan mo nalang ako dito bukas ng maaga", aniya sabay tapik sa balikat nito,
"O-Osige Sir, kumain narin po kayo habang mainit pa ang sabaw", tumango lang siya dito, nang magpaalam ito ay bumalik na siya sa loob ng silid. Lumapit siya sandali sa gawi ng dalaga para tingnan ito, payapa na itong natutulog pero namumula parin ang ilong at pisngi nito, nang ilapat niya ang palad sa leeg nito ay mainit parin ito. Ano bang naisipan nito at naligo pa sa ulan?
Ilang gabi naring ginugulo nito ang isipan niya, hindi rin napapalagay ang kalooban niya na hindi ito makita kaya kahit malayo ang byahe ay gustong umuwi ng mga paa niya papunta dito sabik siyang makita ito. Sa umpisa alam niyang nag aalala lang siya para dito, gusto niya lang matulungan ito pero habang tumatagal hindi na siya sigurado sa nararamdaman at ang ganitong pakiramdam ay pamilyar sa kanya.
Naipikit niya nalang ang mga mata at muli inayos ang kumot nito bago bumalik ng upo sa sofa. Wala siyang ginawa kundi ang bantayan at pagmasdan lang ito. Malapit ng maayos ang problema na kinakaharap ng mga magulang nito sa Macao at dahil yun sa tulong niya, kailangan niyang maiuwi ang mga ito ng ligtas para kay Celina. Pero alam niyang hindi pa natatapos ang problemang iyon, pag uwi ng mga ito dito sa pilipinas ay marami ulit kahaharapin na investors ang mga ito. Natigilan siya sa pag iisip ng mapansin niya ang panginginig nito, agad niya pinatay ang nakasindi na aircon at nilapitan ang natutulog parin na dalaga, nanginginig parin ito sa lamig. Bigla siyang nataranta, hindi sapat ang kapal ng kumot na nakabalot dito dahil nagchichill ito, agad siyang lumabas ng silid at nagtungo sa Nurse Station, napamura siya ng walang madatnan ni isang tao doon, pagtingin niya sa orasan ay pasado alas dose na.
Muli siyang bumalik sa silid ng dalaga, tuloy parin ang panginginig nito sa labig.
"Damnit!!", halos mamaluktot na ito sa lamig na nararamdaman, wala parin siyang makitang tao sa labas na pwede hingan ng tulong, wala na siyang ibang maisip na solusyon kundi ang tabihan ito at yakapin para maibsan ang lamig na nararamdaman nito. Inayos niya ang sarili at maingat na tumabi dito, inihilig niya sa ulo nito ang kaliwa niyang braso at maingat na niyakap ito. Nanginginig parin ito kahit yakap yakap na niya, kaya mas hinigpitan niya pa ang pagkakayakap dito. Sa sobrang pag aalala niya dito ay hindi na niya napigilan ang sarili na hagkan ang mainit na noo nito,, ilang sandali pa ay medyo kumalma na ang panginginig nito pero hindi niya parin inalis ang pagkakayakap dito.
"You are safe now", mahinang saad niya bumigat narin ang talukap ng mga mata niya kaya hinayaan na niyang makapagpahinga rin ang sarili. Napamulat nalang siya ng maramdaman na tila may gumagalaw sa kanila. Napangiti naman ang Nurse ng magtama ang tingin nila,
"kukuhanan ko lang ng temperature ang pasyente Sir", maingat naman siyang gumalaw ng hindi nagigising ang dalaga at marahan na bumangon.
"She shivered in cold, is that normal??",
"Yes Sir, don't worry medyo mababa narin ngayon ang lagnat ni Mam,, pwede napo ulit kayo mahiga", nakangiting saad ulit nito, di lang siya umimik at hinintay lang ito na makaalis, nang mapatingin siya sa orasan ay pasado alas tres na ng madaling araw. Nakaidlip rin pala siya ng ilang oras habang kayakap ito maigi na lang at hindi parin ito nagigising kundi hindi niya alam kung ano ang sasabihin dito.
Napahinga siya ng hangin at muling inayos ang kumot ng dalaga, bumalik siya ng upo sa sofa at isinandig doon ang ulo.
Nang magising siya ay amoy orange ang paligid, may malambot na unan rin syang yakap yakap na nasa kanyang gilid. Marahan siyang napabangon dinala nga pala siya kagabi sa Hospital dahil sobrang taas ng lagnat niya, naalala niyang ito ang dahilan ng Mommy niya noon kaya ayaw siya payagang maligo sa ulan. Mabilis siyang tamaan ng sakit, pero sa pagkakatanda niya ang binata ang nagdala dito sa kanya, nasan na kaya ito ngayon?
Bigla naman bumukas ang kanyang pinto at nakangiting pumasok doon si Manang Becky habang may bitbit na ilang supot.
"Mabuti naman at gising kana Celina, kamusta ang pakiramdam mo?", tanong nito at agad sinipat ang leeg niya,
"Medyo okay na po ko Manang", namamaos ang tinig niyang saad,
"Hays, ikaw talagang bata ka. Pinag-alala mo kami ng husto, mabuti pa kumain kana nagluto ako ng aroskaldo", tumango naman siya dito, namiss niya ang kanyang Mommy at nakikita niya ito sa ginang,
"Maraming Salamat Manang Becky,", nag iinit ang matang saad niya, tuluyan naring nagbagsakan ang mga luha niya kasabay ng pagbigat ng kanyang dibdib
"Sabihin mo Celina may dinaramdam kaba?", umiling naman siya at mabilis na nagpunas ng luha
"Namimiss ko lang po ang Mommy ko , pero malapit narin naman silang umuwi. Tapos kayo naman ang mamimiss ko pag-umalis na ko", tuwing tatamaan siya ng sakit ay nagiging iyakin talaga siya, ngumiti naman ito at inayos ang buhok niya,
"Ano kaba namang bata ka, sempre magkikita pa rin tayo. Matitiis mo ga kami na hindi makita??", muli siyang umiling dito sabay lingo
"Mas lalong hindi ka namin matitiis, lalo si Joselito. Magmamaktol yun dahil para kana rin nong anak", bahagya siyang natawa ng maalala ang madalas na reaksyon ni Boss B, tama ito hindi naman porket aalis na siya sa poder ng mga ito ay kakalimutan na niya ang pinagsamahan nila, maaari parin niyang makasama ang mga ito kung nanaisin niya,
"Siya wag kana umiyak, pag hindi ka gumaling matatagalan pa tayo dito. Labis mo ring pinag alala si Sir Harry, hindi nakatulog kakabantay sayo",
"S-Si Sir Harry?", ito ang nagbantay sa kanya?? matamis na ngumiti naman ito sabay tango, tumayo ito at kinuha ang tray na may lamang aroskaldo at dinala sa tabi.
"Magdamag siyang nagbantay sayo, hindi na nga niya ako pinabalik kagabi dahil malakas ang ulan at siya naraw ang bahala", napangiti naman siya sa nalaman, lagi niya nalang naaabala ito
"Nasan na po si Sir Harry manang?",
"Lumuwas na ulit ng Manila pero babalik din daw sila agad ni Joselito", napatango nalang siya dito,
"Siya kumain kana para tuluyan ka ng gumaling",
Sinunod niya naman ang sinabi ng ginang at kinain na ang hinanda nitong aroskaldo, matapos kumain ay dumating ulit ang nurse na nagchecheck sa kanya.
"Pwede na po ba akong umuwi Nurse?", ngumiti naman ito sa kanya matapos siya kuhaan ng blood pressure. Sandaling tiningnan nito ang record na hawak at muling tumingin sa kanya,
"Pag hindi na bumalik ang lagnat niyo Mam pwede na kayo madischarge, wait niyo nalang po si Doc para sa ilang reseta, may sore throat parin po kasi kayo",
"Thank you", saad niya dito at nagpaalam narin itong lumabas, nang tumingin siya sa bintana ay ganon parin ang panahon mukhang nagtuloy tuloy na ang ulan. Sandaling umuwi si Manang Becky dahil may dadaanan daw ito sa palengke gusto na niya sanang lumabas para makatulong dito pero nakakaramdam parin siya ng pamimigat ng katawan. Hindi talaga magandang ideya ang maligo sa ulan tapos sasabayan pa ng maraming alalahanin.
Muli siyang humiga at niyakap ang unan na nasa gilid niya, bakit kaya hanggang ngayon ay hindi parin komokontak sa kanya ang mga magulang niya,, ipinikit niya nalang ang mga mata may tiwala siya sa sinabi ng binata. Uuwi rin ng ligtas ang mga ito,, napadilat naman siya ng makarinig ng pagbukas ng kanyang silid, hindi muna siya kumilos sa pag aakalang ang Nurse lang ulit ito hanggang sa lumapit ito sa gawi niya pero naamoy niya ang pabango nito,, bigla siyang kinabahan ng makilala ang may ari ng pabango kaya napadilat siya, nakatunghay sa kanya ngayon ang mukha ng binata.
"How's you're feeling?", napabangon naman siya at tumunghay dito, akala niya ay gabi pa ito makakauwi, nagitla pa siya ng sipatin nito ang noo niya.
"Its's good, you don't have a fever. How was your sleep?",
"O-Okay naman Sir, pwede naraw ako lumabas sabi ng Nurse", nakangiti niyang saad dito, sandali namang kinuha nito ang cellphone sa gilid ng coat nito.
"You're Mom wants to talk to you", sabay abot ng phone nito sa kanya, napamaang naman siya ng makita na nakadialled sa screen nito ang isang numero, napatitig lang siya sa mukha nito na hindi parin makapaniwala.
"Hello Celina,," halos mapatalon ang puso niya ng marinig ang tinig ng ina mula sa kabilang linya, ngumiti naman ang binata sa kanya bago sandaling tumalikod,
"Mommy!!",
Sobrang saya niya matapos makausap kanyang Ina, medyo gumaan ang pakiramdam niya matapos ng sandali nilang pag-uusap at kamustahan. Maayos naman daw ang lagay ng mga ito sa tulong ng binata kaya wala raw siyang dapat na alalahanin, may mga kailangan lang isettle ang mga ito bago tuluyang makauwi. Alam narin ng mga ito na naroon siya sa poder ng binata at maghihintay siya hanggang sa makauwi ang mga ito. Labis siyang nagpapasalamat na hindi siya binigo nito, hindi niya tuloy alam kung pano pa ito pasasalamatan sa kabila ng mga naitulong nito.
"Oh ano Celina magaling kana ba talaga?? maaga akong aatakihin sa puso sayo eh", napangiti siya sa biglang pagdating ni Boss B bakas din ang pag aalala nito sa kanya
"Okay na ko Boss B, uuwi naba tayo?",
"Oo uuwi na tayo naghihintay narin sa bahay si Becky, pinagluto ka niya ng bulalo"
"Waw, tiyak mamimiss ko mga luto ni Manang Becky",
"Bakit aalis kana ba Celina?", biglang seryosong saad nito sa kanya,
"Hindi pa naman Boss B. Nakausap ko na kanina ang Mommy ko at malapit na silang umuwi",
"Kaya pala kakaiba ang sigla mo muka ka ng walang sakit,, malapit lapit kana palang magpaalam samin",
"Boss B naman makapagdrama, babalik parin naman ako senyo minsan",
"Oo bisitahin mo rin paminsan si Becky dahil tiyak malulungkot yon. Alam mo naman schedule namin ni Sir Harry baka bukas makawala bigla nalang kaming lilipad",
"Huh? bakit aalis ba si Sir Harry?"
"Sabi ko nga sayo bigla biglaan pero alam ko sa mga susunod na buwan may business trip kami sa States",
"Huh? babalik din naman siya agad diba?",
"Naku yun ang diko sigurado kung kailan pero tingin ko matatagalan",
Natahimik naman siya sa sinabi nito, sabay silang napatingin sa pagpasok nung Nurse at nagsabi na tatanggalin na ang swero niya. Nakatingin lang siya sa ginagawa nito.
"Natahimik ka ata Celina? mamimiss mo si Sir noh? madami pa namang magagandang kana don sa States",
"Eh? niloloko mo na naman ako Boss B",
"Ano kaba wala sa mukhang toh ang may lahing manloloko",
Tumayo nalang siya at inayos ang ilang gamit sa lamesa.
"Boss B, sabihan mo ko pag luluwas ulit kayong Manila ah?",
"Oh bakit? kagagaling mo lang gusto mo na agad mag gala,?"
"May nakalimutan kase akong kunin dun sa bahay. Tsaka gusto ko lang den bisitahin yung kaibigan kong si Ara",
"Ah yung kaibigan mong mataba. Sige sasabihan kita",
"Hindi kaya yon mataba,", natatawang saad niya dito , nang muling bumukas ang pinto ay pumasok doon ang binata.
"You're okay? sure kang uuwi kana?", ngumiti at tumango naman siya dito,
"Oo Sir, Maraming Salamat",
"Amina yan Celina, iuuna ko na lagay sa sasakyan". sabay kuha nito sa hawak niya at lumabas, tumango naman at ngumiti sa kanya ang binata.
"Well then, let's go home", siya naman ang ngumiti dito, nauna itong humakbang palabas kaya sumunod narin siya, habang naglalakad ito ay mataman niya lang pinagmamasdan ang likuran nito, parang kailan lang ang lahat hindi niya namalayan na matagal tagal narin siyang tumutuloy sa tirahan nito. Kung ano man ang naiwan niya sa Manila gaya ng kanyang pag aaral ay wala siyang pinag sisihan dahil sa konteng panahon nakilala niya ito kahit pa alam niyang darating yung araw na aalis din ulit ito sa buhay niya.
Nagulat pa siya ng bigla itong pumihit paharap sa kanya, kumilos ang kamay nito para kunin ang pulsuhan niya at sabay na silang naglalakad palabas ng hallway. Para tuloy siyang bata na bitbit nito yung mga nakakasalubong nilang staff ng hospital ay nakamata sa kanila bakas sa mukha ng ilan dito ang pagkamangha habang yung iba ay parang kinikilig, bigla uminit ang magkabilaang pisngi niya kasabay ng kabog sa dibdib niya. Nang mag angat siya ng tingin dito ay diretso lang ang tingin nito hanggang sa makarating sila sa parking area.
Kakaiba naman ang sumilay na ngiti sa mukha ni Boss B ng makita sila, agad nitong binuksan ang pinto ng sasakyan at una siyang pinasakay ng binata. Kapwa sila walang imikan ng makapasok sa loob, dinadaga parin ang dibdib niya at nag iinit parin ang magkabilaan niyang pisngi. Ramdam niya pa ang malambot na kamay nito sa kanyang pulsuhan.
"Are you okay? you're face is red. Do you still have a fever?", akmang idadampi nito ang palad sa noo niya ng agad siyang umiwas at hinawakan ang pisngi
"O-Okay lang ako Sir,, m-medyo mainit lang",
"Kinikilig lang yan Sir!", biglang singit na saad naman ni Boss B habang nagmamaneho, nanlaki naman ang mata niya dito at lalo siyang natense sa sinabi nito,
"Ahh,, hi-hindi ah! p-parang m-mainit lang yung mukha ko", nauutal niyang saad na hindi makatingin dito, sobrang bilis ng kabog ng dibdib niya at pakiramdam niya tuloy ay sasabog siya. Pigil ang tawa naman sa kanya ni Boss B, kung di lang masama mambatok ng matanda ay baka nabatukan na niya ito ngayon pero ng sandaling sulyapan niya ang binata ay may kakaibang ngiti na sumilay sa labi nito pero bigla din nagseryoso. Baka namalikmata lang siya kaya nanahimik nalang siya sa isang tabi, mamaya lang talaga itong si Boss B pagkababa nila.