Matapos ng Romantic Music na yon ay bumalik naman sa disco ang pinatugtog. Nagpaalam narin siya sa mga kaibigan ni Kent at hinatid na siya nito sa table nila Boss B. Hindi narin nahagilap ng mga mata niya ang binata, nauna itong nawala kanina sa dance floor at ngayon ay tila nawala na sa paligid.
"Oh malapit na mag fireworks display", narinig niyang saad ni Boss B kaya, nang mapatingin siya sa orasan ay malapit na palang mag alas dose at isasabay doon ang fireworks display.
"Tiyo, alin ba doon sa nabili mo ang gagamitin?", humahangos naman na tanong ni Kent sa gawi ng tiyuhin
"Pambihira akala ko ba naihanda niyo na? yung isang box na naroon", kamot ulong saad ni Boss B na mukhang high blood na naman,
"Apat kase ang nandon baka magkamali kami ng kuha",
"Samahan na kita Kent,"
"Mabuti pa Celina samahan mo ang isang yan, tanda mo naman yung itsura ng nabili natin diba?", tumango naman siya dito at umalis na sila ng binata,
"Salamat Celina, buti nalang talaga at nariyan ka. Malapit narin kase mag alas dose", ngumiti lang siya dito ang totoo niyan ay gusto niya lang din mahanap ang binata. Habang papunta sila dun sa kinalalagyan ng fireworks ay hindi parin ito matagpuan ng paningin niya.
"Apat kase ang nandito, baka magkamali ako ng makuha, alin ba dito ang nabili niyo kanina?", tiningnan niya naman ung apat na box, napakunot noo siya ng makita na halos magkakamuka ang mga ito,
"Parang eto ata?", aniya dun sa nasa unahan,
"Sure ka? baka iba ang mapaputok natin ah", natatawang saad nito,
"Hehe, pareparehas naman sigurong paputok yan diba?",
"Uhmm, bakit nga ba kase apat itong nandito? sige itong sinabi mo na nga lang, 10mins nalang din kase", tumango nalang siya dito, sa tulong ng kasama nitong katrabaho ay pinagtulungan na ng dalawa ang pagbitbit dun sa isang box. May kalakihan din kase ito at tiyak niyang magandang fireworks display iyon.
Sa tabing dagat ito inilagay habang ang ilan ay nakaabang, tuloy parin ang pagtugtog ng live band at bago matapos ang limang minuto ay sinindihan na ito. Para itong mga bala na nagputukan sa langit, nasa tabi niya si Boss B at Manang Becky na nakaabang rin, halos mamangha siya ng magputukan ito sa langit ng iba't ibang kulay, nagsigawan naman at palakpakan ang lahat. Pero imbes na Happy Anniversary ang letra na lumabas ay puro puso ang shape at lumabas ang letra naI love you,, nanlaki tuloy ang mata niya habang ang buong paligid ay umugong ng hiyawan at kilig.
"Nak ng tokneneng, palpak talaga!", narinig niyang boses ni Boss B, patuloy lang sa pagsabog sa kalangitan yung mga hugis puso at letra na I love you, napakamot ulo nalang siya at hinanap si Kent sa paligid pero wala ito, humakbang siya para hanapin ito pero natigilan siya ng makita ang binata na matamang pinapanuod sa taas ang nagpuputukang fireworks, nakangiti ito habang nakapamulsa.
Napangiti nalang din siya habang pinapanood ang nagpuputukang fireworks sa kalangitan, tila sa pamamagitan nito ay nasasabi niya ang laman ng kanyang puso para sa binata. Ilang sandali pa ay napansin niya ang pagdating ni Boss B at Kent bitbit ang isa pang box ng fireworks, nagkamali nga sila ng nakuha ni Kent napapailing nalang tuloy siya ng magkatinginan sila nito. Agad din naman sinindihan iyon at muli nagputukan sa langit ang fireworks.
"Ang ganda", namamanghang saad niya, nagulat pa siya ng lumapit sa gawi niya ang binata, bigla tuloy kumabog ang dibdib niya, nang sulyapan niya ito ay may ngiti parin ito sa mga labi.
"Celina, I have a good news to you, I've already talk to you're parents",
"Talaga Sir??", di makapaniwalang saad niya,
"From now on, they're in good condition. May mga tao ng tumutulong sa kanila pero may kailangan pa silang ayusin bago makauwi", bigla namasa ang mga mata niya sa narinig, hindi na siya masyadong mag aalala sa kanyang mga magulang.
"Thank you Sir Harry!",
"I want you to get ready when they come home", muling saad nito, natigilan naman siya at napatango dito. May kung anong lungkot ang umahon sa dibdib niya, pag nakauwi na ang mga magulang niya malalayo narin siya sa dito. Ngayon palang ay parang gusto ng umiyak ng puso niya.
***
Kinabukasan ay tinanghali siya ng gising, nalaman niya nalang kay Manang Becky na lumuwas na ulit ng Manila si Sir Harry at Boss B. Isang tawag naman ang natanggap niya sa Ninong Henry niya, gusto nitong makausap siya. Nagulat nalang siya ng mag message ito na naroon daw ito sa mall malapit sa palengke na pinuntahan niya at hihintayin daw siya nito.
Napabuntong hininga nalang siya at sandaling nagpaalam sa ginang,
"Baka hindi kana naman makabalik pauwi niyan Celina?, ako nalang ang bibili ng pagkain sa mga pusa mo", nakangiti na umiling naman siya sa Ginang,
"Kaya ko na po Manang Becky, tsaka isa pa po hinihintay po ako doon ng Ninong Henry,, sumadya pa po kase siya dito sa batangas para lang makausap ako", bakas naman sa mukha ng Ginang ang pag-aalala,
"Sigurado kabang kaya mong mag-isa? paano kung pilitin karin non na sumama sa kanila?, sasamahan nalang kita",
"Pero manang?",
"Hindi ako papayag na may mangyaring masama sayo, ibinilin ka sakin ni Sir Harry at ayoko na mag-alala rin siya. Sasamahan na kita", wala na siyang nagawa ng magpumilit ang ginang, nagsabi naman ito na magmamata lang daw sa kanya habang nakikipag-usap siya,pumayag nalang din siya sa nais nito.
Ilang sandali pa ay nakarating na sila sa Mall na tinutukoy ng Ninong niya, naroon ito sa loob ng Coffee Shop at matamang naghihintay, sabay silang pumasok ng ginang at nagtungo ito sa kabilang bakanteng lamesa na malapit lang din sa kinauupuan ng Ninong niya. Napangiti naman ito ng makita ang pagdating niya kaya lumapit na siya dito.
"Salamat at pumayag kang tagpuin ako Celina", simula nito ng makaupo siya sa harapan nito, marahan na tumango lang siya dito
"Let's order food first, what do you want?"
"Ah, hindi na Ninong,, I'm still full,, kumain po ako bago umalis,, I won't last long either may kailangan pa po kase akong tapusin", napatitig naman ito sa kanya at marahan na tumango
"Celina, I know what Angelo did to you,, and I'm so sorry for that. I won't tolerate his attitude na pinakita sayo please forgive him,, sobra ka lang mahal ng anak ko at ayaw niyang mapahamak ka,, sa amin ka iniwan ng iyong mga magulang at ayokong mapahiya sa kanila na hinayaan ka namin,, ang pag-aaral mo anak,, malapit ka ng grumaduate", napayuko naman siya dito, hindi niya makakalimutan ang pananakit sa kanya ni Angelo kahit ano pang sabihin nito, ayaw na niyang magtiwala
"Please Ninong, I know what I'm doing,, let me decide to myself. I will not be harmed don't worry",
"Where do you live? sino ang kumupkop saiyo?"
"Hindi niyo po sila kilala pero mga mabubuting tao sila", aniya habang nakatitig sa mga mata nito na puno ng pagsusumamo. Alam niyang mabait ito ang hindi niya maintindihan kung saan nakuha ng anak nito ang pagiging sadista pagdating sa kanya.
"You know I can't be bothered with you Celina, what if ikuha kita ng apartment? and I promised na hindi ka gagalawin ni Angelo. Ako ang bahala sa kanya", napailing naman siya
"I'm okay Ninong, sila Mommy po? ano po ba ang totoong nangyari?", napahinga naman ito ng malalim,
"I don't know if you can understand but it's a little problem na kayang kaya lutasin ng Mom and Dad mo, I know them don't worry. Ang gusto kong masigurado ay ang kapakanan mo habang wala sila",
Nanatili parin ang desisyon niya na tanggihan ang inaalok nito hanggang sa huli nilang pag-uusap.
"Please consider my offer Celina, pag-isipan mong maigi" , muling wika nito, tumango lang siya dito
"Mauna na ako Ninong, mag iingat po kayo",
"Don't forget to call me when you need anything", ngumiti naman siya dito at tumango, bago lumabas ng pinto ay muli siyang sumulyap dito, malungkot na kinawayan lang siya nito kaya kumaway nalang din siya. Agad din sumunod sa kanya ang ginang ng makalabas siya.
"Okay kalang ba Celina?, pinilit kaba niyang sumama?", umiling naman siya,
"Maayos naman po kausap ang Ninong, pero nakikiusap siya na doon ako tumuloy sa poder niya",
"Pero sinasaktan ka ng anak niya? hindi malabo na saktan ka nun ulit at ayokong mangyari yun. Napalapit ka na ng husto sakin Celina, para na kitang anak kaya ayokong mapahamak ka", ngumiti naman siya at yumapos sa braso ni Manang Becky,
"Thank you Manang Becky, kahit wala ang mga magulang ko nariyan kayo ni Boss B at hindi ako pinapabayaan",
"Ikaw talaga, gusto mo pa ata magdrama ako dito sa daan. Ano gusto mong meryenda? masarap ang banana Q dun sa palengke",
"Sige po, tsaka Mangrae",
"O sige tara na. Bilhan din natin si Joselito at baka magtampo pag umuwi na wala siya", tumango lang siya dito ng nakangiti, may lungkot man sa dibdib niya ang ginawang pagtalikod sa kinilalang magulang ay hindi niya naman kayang biguin ang mga taong nag aruga sa kanya. Nakapagdesisyon na siyang manatili sa tabi ng mga ito habang hinihintay ang pagbalik ng Mommy at Daddy niya, habang sumisipsip ng inumin ay muli umahon ang lungkot sa dibdib niya,, dadating yung araw na ang mga ito naman ang iiwanan niya.
"Inabangan kana ng mga alaga mo oh? abay sanay na sanay na ang mga ito sayo", saad nung ginang ng makababa sila ng tricycle at napansin ang apat na pusa dun sa gilid ng kalsada. Bitbit ang isang supot ng cat food ay lumapit siya sa mga ito at naglagay ng pagkain sa lapag. Ito talaga ang inaabangan ng mga ito,
Napangiti lang siya habang hinahaplos ang ulunan ng mga alaga niyang pusa, malulungkot siya pag dumating ang araw na kailangan niya naring umalis sa puder ng mga ito. Ngayon palang ay parang pinupunit na ang dibdib niya, nauna ng pumasok sa loob si Manang Becky kaya nagpasya muna siyang maglakad lakad sa may dalampasigan. Sandali niyang hinubad ang suot na tsinelas at nakayapak na naglakad sa buhanginan habang hinahampas ng alon ang paa niya, ang sarap sa pakiramdam ng mainit init na tubig, pinapawi nito ang lungkot na nararamdaman niya.
Nanatili pa siya sa dalampasigan hanggang sa mapansin niya ang pagkulimlim ng langit at lumamig bigla ang ihip ng hangin. Parang kanina lang ang ganda ng sikat ng araw ngayon naman ay unti unti ng sumasama ang panahon, napabuntong hininga na lang siya.
"Celina mukhang uulan na pumasok kana dito sa loob!", narinig niya pang malakas na sigaw ni Manang Becky, pero hindi siya nagpatalima,, ngayon niya gustong maligo sa ulan kaya hihintayin niyang bumagsak ito.
"Manang maliligo hoh ako sa ulan!!!", aniya dito mula sa labas ng gate, mukhang narinig naman siya nito kaya muli siyang bumalik sa may dalampasigan, hanggang sa bumuhos nga ang malakas na ulan, medyo natakot siya habang pinagmamasdan ang malalaking alon kaya agad rin siyang bumalik sa tapat ng gate at doon nalang tumayo habang ninanamnam niya ang pagbuhos ng malakas na ulan.
"Ay diyosko kang bata ka!! baka magkasakit ka niyan sa ginagawa mo!!!", tarantang saad naman ni Manang Becky habang nasa gate at nakadungaw sa kanya,
"Manang Becky ang sarap maligo sa ulan!!!, tara dali!!!",
"Wag ka magtatagal diyan at malamig,, pambihirang bata talaga oh!", nginitian niya lang ito at tumingala pa siya sa kalangitan, napapikit tuloy siya ng biglang kumidlat ng malakas, akala niya nung una ay siya lang ang mag isang naliligo sa ulan pero nahagip ng mata niya sa bandang dulo ang ilang kabataan na masaya ring naliligo habang naghahabulan. Nakangiti na napalapit siya sa mga ito, ngayon niya lang ulit naranasan ang ganito dahil noong bata siya ay lagi siyang pinagbabawalan ng mommy niya laging dahilan nito ay masama daw sa kalusugan ang pagligo sa ulan, kahit lagi siyang pinaghihigpitan ng kanyang Ina ay mahal niya parin ito, kahit pa hindi sila nagkaunawaan bago ito umalis.
"Mommy!!!",
agad siyang napalingon dun sa batang babae na humahabol sa kanyang Ina, masaya na naglalaro ng habulan ang mag ina, bigla kumirot ang dibdib niya sobrang miss na niya ang kanyang Ina, nag init ang magkabilang sulok ng mga mata niya kasabay ng pagbagsakan ng maiinit niyang luha. Binabalot narin siya ng lamig kaya napasinghot nalang siya, mabuti pa siguro ay bumalik na siya naramdaman niya rin na bigla bumigat ang pakiramdam niya.
"Hindi ka pwedeng maligo sa ulan, you get sick!",
"But mommy I want!",
Isang alala nilang mag ina nung paslit palang siya, natigilan pa siya sa paghakbang ng pakiramdam niya ay lumulutang siya. Tama nga ang mommy niya,
"Celina",
Natigil siya sa paghakbang ng marinig ang boses na tumawag sa pangalan niya, pag angat niya ng tingin ay malabong mukha ng binata ang nasilayan niya, binalot na siya ng lamig na parang gusto niyang maduwal.
"Sir Harry!",
Bago pa siya makalapit dito ay bumagsak na siya at hindi na alam ang sumunod na nangyari. Agad naman nabitawan ng binata ang hawak na payong, maagap ang mga kamay niya na sinalo ang nawalan ng malay na dalaga.
"Celina!!",
Namumutla na ang labi nito, ng idampi niya ang palad sa pisngi nito ay sobrang init,, napamura siya at agad na binuhat ang dalaga papasok sa loob ng bahay.
"Oh diyos ko anong nangyare???",
Nagulat din ang ginang sa nakita habang bitbit niya ang walang malay na dalaga, mabilis siyang kumilos papasok sa loob ng sasakyan, wala na siyang ibang nasa isip kundi ang madala ito sa hospital.
"Joselito bilisan mo si Celina!!!",
"Anong nangyare?, nak ng tipaklong oo!!", maging ito ay nataranta din na sumakay sa loob at pinaandar ang sasakyan.