Ngayon yung araw ng Party na gaganapin sa Resort at umaga palang ay abala na si Boss B habang may kausap sa telepono maging si Manang Becky, maaga namang lumuwas ang binata pa Manila hindi parin sinunod nito ang bilin ng Doctor na magpahinga ng ilang araw.
"Ay nako naman oh,, mandadamay pa talaga ng kapalpakan ang mga yon",
"Boss B, pwede ba kong sumama sa Resort?",
"Hah?, gusto mo rin ba makigulo sa mga yon?",
"Ininvite ako ni Kent masaya daw don, may live band at fire works display", napakamot ulo naman ito,
"Ang batang yun sarap kotongan eh, pero maigi pa samahan mo nalang ako Celina may pipick upin lang tayo sa bayan",
"Okay Sige, pero pupunta ba mamaya sa Party si Sir Harry?"
"Oo naman, hindi pwedeng wala dun si Sir",
"Waw!!"
"Oy Becky, pupunta muna kaming bayan ni Celina hah. Mauna kana sa Resort",
"Baka malingat ka at mawala na naman si Celina", natawa na lang siya sa sinaad ng ginang,
"Tatalian ko na toh para hindi mawala, tara na Celina",
"Bye Manang!",
Ilang sandali pa ay binabaybay na nila ang daan papuntang palengke,,
"Ano bang kukunin natin don Boss B?"
"Yung mga fireworks, palpak kase yung organizer eh. Alangang babalik pa kong Manila dahil lang don ichacharge ko nalang ito sa kanya",
"WOW, talaga palang may fireworks display",
"Yearly naman to ginagawa, palpak lang talaga ang baklang yun", natawa nalang siya habang nagrereklamo ito sa daan hanggang sa nakarating sila sa shop na tinutukoy nito. Nakapamili naman sila agad ng mga fireworks, namili narin sila nung iba pang mga kailangan bago bumalik sa Resort.
Na'excite naman siya na napatingin sa paligid habang abala ang ilang mga staff sa paghahanda na maliit na stage, mga decorations at kung ano ano pa.
"Oy Celina! ang aga mo ah", napangiti naman siya ng makita ang binatang si Kent,
"Ikaw pala Kent, kasama ko si Boss B",
"Si Tiyo nako sesermonan lang ako non na palpak kami", natawa lang siya dito,
"Kanina niya pa nga sinasabi yan pero nadala naman na namin yung mga kulang dito",
"Naku, salamat Celina pati pala ikaw naabala din. Basta mamaya wag ka mawawala ah? Summer Outfits ang Theme", nakangiti pang saad nito, tumango nalang siya dito ng muling magpaalam ito.
"Celina! Halika muna dito para magmeryenda", tawag naman sa kanya ni Manang Becky kaya lumapit na siya dun sa may kubo. Isang buko juice ang iniabot nito sa kanya at isang Caprese salad pita,masaya na nilantakan niya iyon.
"Nakita mo naba yung pinadala na damit sayo ni Sir Harry?",
"Po?",
"Nandoon sa beach house, ito ang susi",
"Eh? may beach house din po dito si Sir Harry?", takang tanong niya, ngumiti naman ang ginang saka tumango sa kanya,
"Baka raw kasi maboring ka kaya pinagstay na niya tayo dito"
Napangiti naman siya saka sumipsip sa juice niya, excited na tuloy siyang makita ang beach house nito. Matapos nilang kumain ay sinamahan naman siya ng ginang papunta sa sinasabi nitong tutuluyan nila, tatlong magkakatabing beach house ang nakita niya di kalayuan na may pinturang dilaw. Sakto lang ang laki nito at napapaligiran ng mga bougainvillea.
"Wow ang cute naman", aniya ng makapasok sa loob ng beach house , bumungad sa kanya ang maliit na sofa na may center table, sa bandang gilid naman ang may kalakihang kama at nasa dulo ang isang pinto na tingin niya ay C.R.
"Heto tingnan mo ang damit na para sayo", nangingiting saad naman nito at iniabot sa kanya ang isang paper bag, agad niya naman binuksan iyon. Isang floral dress ito na kulay pink at hanggang tuhod.
"Ang ganda",
"Magaling mamili si Sir Harry ng babagay saiyo",
Napangiti nalang siya sa sinabi nito, excited narin siyang maisuot ang damit pero kailangan niya munang tulungan si Manang Becky sa ilang gawain sa Resort. Nang dumilim ang paligid ay unti unti niyang nakita ang ganda ng mga ilaw na nagsisilbing palamuti, nagdadatingan narin ang maraming staff sa Venue.
"Celina bakit hindi kapa magbihis? tingnan mo ang matandang yon oh nakaporma na", sabay turo ng Ginang kay Boss B na naka hawaiian polo shirt na at kulay puti na maong shorts. Napangiti naman siya dito habang papalapit ito sa kana.
"Ano bata ayos ba ang porma ko?", at sinuot pa nito ang shade na hawak, napatawa naman sila ng ginang
"Ayos na ayos Boss B, ayaw mo talagang magpahuli sa kanila ah",
"Syemopre naman, ikaw ba wala kapang plano magbihis? gagayahin mo pa itong si Becky na tatayo lang dito sa isang tabi",
"Masyado na kong matanda para sa ganyang kasiyahan Joselito, panonoorin ko nalang kayo dito. Siya Celina magbihis kana, isuot mo na ang binigay sayo ni Sir Harry",
"Sige po Manang",
"Binilhan ka ulit ng damit ni Sir? aba himala na talaga yan ah. Siya bihis na, alam ko parating narin yon si Sir", tumango naman siya sa mga ito at nagtungo na sa tinutuluyan nila. Alas siete palang naman at pasado alas otso pa tiyak na magsisimula yon.
Mabuti nalang at kumpleto ang gamit dito kaya hindi siya nag-alala sa mga gagamitin. Matapos niyang maligo ay pinatuyo niya lang sa electric fan ang buhok niya. Pagbukas niya ng drawer ay meron naring suklay ipit at mga lotion. Maging pabango na Victoria Secret ay meron din, nagmukha tuloy itong Hotel sa paningin niya. Nakapagbihis na siya at nagpapatuyo nalang ng buhok ng makarinig siya ng ilang katok.
"Celina, magsisimula na ang program sumunod kana lang ah", tinig ito ni Boss B.
"Oo Boss B!",
Tingin niya ay umalis na ito kaya pinagpatuloy na niya ang pag aayos. Buti nalang dala niya ang bag pack niya at nandito ang ilang gamit niya sa mukha. Gabi naman kaya hindi na siya masyado naglagay ng make up. Nag lagay lang siya ng cream sa mukha at powder, brinush niya lang din ang kilay niya at liptint para hindi siya magmukhang putla. Nilugay niya lang ang mahaba niyang buhok at naglagay ng hairpin sa kabilaan, inayos niya ring maigi ang bangs niya at saka umikot sandali sa salamin. Hindi lang dress ang binili sa kanya ng binata kundi isang pares din ng sandals na babagay sa kanyang damit.
Paglabas niya ng pinto ay sakto din na may lumabas dun sa kabilang beach house. Paglingon niya dito ay napamaang siya ng makita ang binata, naka hawaiian polo shirt din ito na kulay pula at itim na pantalon.
"Sir Harry??", nakangiti niyang saad dito at sabik na lumapit sa binata, napangiti rin ito sa kanya habang tinitingnan ang kabuuan niya,
"Thank you po dito",
"It's nothing, Clara choose that and she's right. It looks good to you",
"Paki sabi din po pala kay Mam Clara, Thank you", aniya bigla naman tumunog ang hawak na cellphone nito at sandali na tumalikod sa kanya.
"Hey?? Yeah I'm here,,just right,, I'm glad to hear that,, she liked it and thank's again.. Ofcourse pupunta ako. Okay we have to go.. bye for now Clara",
Nakangiti na humarap naman ito sa kanya,
"Let's go?", tumango na lang din siya dito at sabay na sila ng binata na nagtungo sa Venue ng Party. Napanganga naman siya pagdating doon, ang sesexy kase ng suot ng mga babae na naroon, yung iba ay tila nakabra nalang at naglagay lang ng tapis sa bewang. Karamihan naman sa mga lalaki ay naka hawaiian polo shirt kaya naman pala naka shade sa bandang sulok si Boss B dahil sagana ang mga mata nito sa nakikita.
Sinalubong naman ang binata ng ilang kakilala nito kaya naging abala agad ito sa pakikipag usap, siya naman ay nagtungo sa pwesto kung saan naroon si Boss B at Manang Becky.
"Lapad ng ngiti natin Boss ah??",
"Oy ikaw pala Celina, oh heto mag juice ka muna ganda ng view dito eh", sabay ngisi nito,
"Onga Boss tuwang tuwa ka eh",
"Kanina pa nakaabang ang mata niyan sa mga magsesexyhan", saad naman ni Manang Becky kaya natawa lang siya. Hanggang sa nagsimula na ang Party, naroon lamang sila sa isang lamesa at matamang nanunuod habang nagsisimula ang program.
Nagsimula narin na tumugtog ang live band kaya buhay na buhay ang tensyon sa paligid, muli namang hinanap ng mga mata niya ang binata, sa dami ng tao sa paligid ay nahirapan siyang hanapin kung nasaan ito. Pero hindi tumigil ang leeg niya kakalinga hanggang sa natagpuan niya ito sa kabilang sulok, palihim pa siyang kinilig,, sa table nito ay may kasama itong isang lalaki at dalawang babae. Habang patuloy ang program ng mga ito ay nakontento siya sa pagtanaw sa binata. Kahit hindi masyado maliwanag ang pwesto nito ay napagmamasdan niya ito ng maigi. Hanggang tinawag ito ng Emcee, tumayo ito at nagtungo sa stage, nakipalakpak siya ng magsimula itong magsalita.
Nagbigay ito ng pasasalamat sa kaniyang mga empleyado kaya lalong nagpalakpakan ang mga tao sa paligid, hindi niya maalis ang tingin sa mukha nito habang nagsasalita ito sa unahan. Hindi niya alam kung namalikmata ba siya o ano, nang ngumiti kase ang binata ay dumako ang tingin nito sa kanya bago ito bumaba ng stage.
Napakurap nalang siya at muling nakipalakpak, sinundan niya ulit ito ng tingin habang pabalik ito sa table nito, napakurap pa siya ng salubungin ito ng halik sa pisngi ng isang sexy na babae, hindi lang iyon yumapos pa ito sa binata at nagpa picture. May panghihinayang ang mga ngiti niya sa labi habang nakamasid dito, sino ba namang hindi hahanga sa taglay na katangian nito? kaya sobrang swerte ng mga taong malapit dito. Nagulat nalang siya ng biglang may humawak sa balikat niya, pag angat ng tingin niya ay ang nakangiting si Kent
"Oy Celina okay ka lang ba dito?",
"Kent ikaw pala, Oo naman",
"Halika ipapakilala kita sa mga kaibigan ko, Tiyo ako muna bahala kay Celina para hindi siya mabored", saad nito sumulyap naman siya kay Boss B na nagbaba ng suot nitong salamin,
"Baka kung kani kanino mo lang ipakilala yang si Celina? malalagot ka talaga sakin",
"Tiyo naman parang walang tiwala eh haha", kamot ulong saad nito kaya natawa lang siya
"Ikaw naman Joselito, hayaan mong mag enjoy ang mga bata. Sige na Kent, ibalik mo lang din agad dito si Celina", ani naman ni Manang Becky kaya napatayo na siya,
"O sige na, enjoy!", natawa nalang sila pareho kay Boss B, nagpaalam naman siya sandali sa mga ito at umalis na sila ng binata.
"Palibhasa walang anak yang babae si Tiyo kaya hindi nako magtataka na masyadong over protective", natatawang saad ng binata
"Talaga ba? nakakatuwa nga eh. Pakiramdam ko may pangalawa akong tatay", aniya, namimiss niya na naman tuloy ang kanyang Ama,
"Dito tayo Celina ayon ang mga kaibigan ko", saad nito ng makalapit sila sa kabilang table kung san nandon ang tatlong babae at dalawang lalaki.
"Hi guys, I want you to meet Celina,, Celina this is Cassy, Cris, Nathan, Cedrick and Jake",
"Hello Celina",
"Hi!",
"Hello, sainyo", bati naman niya,
"Join ka dito sa table namin Celina", saad naman nung Jake at pinaghila siya ng upuan, ng tumingin siya kay Kent ay tumango lang ito at ngumiti humila din ito ng upuan katabi ng kanya kaya naupo narin siya.
"Thank you",
"Ikaw ba yong bagong pinopormahan ng unggoy na toh?" sabi naman nung Nathan,
"Ah?? naku hindi",
"Oy loko ka! magkaibigan palang kami nito ni Celina", sagot naman agad ng binata kaya nakangiti na napatango lang siya sa mga ito,
"Magkaibigan palang??", saad naman nung Cedrick, napakamot ulo lang tuloy ang katabi niyang binata habang siya ay natatawa lang,
"Oy tara sayaw tayo guys! ang ganda ng music oh!", sabi naman ni Cris sabay tingin dun sa dance floor kung saan meron ng iilan na mga nagsasayawan,
"Let's go guys! Let's enjoy this night! common Celina join us!", aya naman sa kanya nung Cassy, napatingin siya sa mga ito ng magkasunod na tumayo ang dalawang babae, nakangiti na nilapitan naman siya ni Cassy at kinuha ang pulsuhan niya,
"Oy sandali lang, nakikipag kilala pa nga kami kay Celina eh",
"Why don't you join us dun sa dance floor, common!", aya ulit ni Cassy sa mga ito, tumayo rin naman si Kent at sumunod sa kanila, wala siyang nagawa kundi magpaanod sa mga ito hanggang sa makarating sila dun sa gitna kung saan marami ang nagsasayaw.
Halos lahat na yata ay naroon sa gitna at nagsasayaw habang may bitbit na inumin, nagulat pa siya ng kunin ni Kent ang isang kamay niya, napapaindak narin ito dahil sa disco dance, natawa nalang siya paikutin siya nito , naaliw narin siya sa ginagawa parehas silang nakikisabay sa katuwaan ng mga kasama, tingin niya hindi na sayaw ang ginagawa nila dahil puro talon talon lang ang ginagawa nila.
"That was fun!!", natatawang saad ni Cris, hinahapo narin ito sa kakasayaw at kakatalon, Pabalik na sana sila sa kanilang lamesa ng biglang nagbago ang background music, naging Romantic naman ito. Napansin nalang niya na yung ibang nasa paligid nila ay may kanya kanya ng kapareha at marahan ng nagsasayaw. Babalik na sana siya sa table nila ng mahagip ng tingin niya ang binata, nakatuon ang tingin nito sa kanya kaya napangiti siya, akmang lalapit siya sa dito ng biglang lumapit sa gawi nito yung babaeng naka topless na pula.
"Celina, sayaw tayo", narinig niyang saad ni Kent, nakita niya nalang na papunta ang dalawa sa dance floor.
Just a gentle whisper
Told me that you're gone
Naramdaman niya yung paghawak ni Kent sa isang kamay niya, nginitian niya nalang ito at sumunod dito
Leaving only memories
Where did we go wrong?
I couldn't find the words then
But let me say them now
I'm still in love with yoy
Nasa gitna narin sila ng dance floor at marahan na inilagay nito ang dalawang kamay niya sa balikat nito habang ang kamay naman nito ay nakaalalay sa bewang niya. Nginitian niya lang ang binata na mataman ring nakangiti sa kanya pero ang mga mata niya ay may hinahanap
Tell me that you love me
Tell me that you care
Tell me that you need me
And I'll be there
Marahan silang nagsasayaw nito kasabay ng ilang mga kapareha, hindi nakaligtas sa paningin niya ang binata na nasa kaliwang parte lang nila habang kasayaw rin yung sexy na babae.
I'll be there waiting...
Nakahilig ang ulo ng babae sa malapad na dibdib nito habang marahan silang nagsasayaw. Ano kayang pakiramdam na ito ang kasayaw?
I will always love you
I will always stay true
There's no one who love
You like I do
Come to me now
"Masaya akong makasama ka dito Celina, sana maging magkaibigan pa tayo", narinig niya namang saad ng binata, napaangat naman ang tingin niya dito saka ngumiti
I will never leave you
I will stay here with you
Through the good and bad
I will stand true
I'm in love with you
"Oo naman Kent, Thank you din pala",
sagot niya at nagkangitian lang muli sila nito,
Now we're here together
Yesterday has passed
Life is just beginning, close to you at last
And I promise to you
I will always be there
I give my all to you
Nang bumalik ang tingin niya sa gawi ng binata ay natigilan pa siya ng magtama ang tingin nila nito. Pakiramdam niya tuloy ay nanigas ang binti niya,
Living life without you is more than I can bear
Hold me close forever
I'll be there
I'll be there for you
I will always love you
I will always stay true
There's no one who loves
You like I do, this I promise
Hindi niya tuloy alam kung ngingiti ba siya dito o hindi, seryoso ang tingin nito sa kanya at hindi niya mabasa ang iniisip nito. Bandang huli ay ngumiti nalang siya dito kahit pa may panghihinayang sa puso niya, pero agad itong nag iwas ng tingin,
I'm in love, so in love
Yes, I'm in love, I'm so in love with you..