Hapon na pero hindi parin bumabalik si Manang Becky, tulog parin ang binata sa silid nito at kahit napainom na niya ng gamot ay hindi parin bumababa ang lagnat nito. Hindi narin ito nag-abalang kumain at gusto lang daw ay matulog kaya nag-aalala na siya, hanggang sa dumilim na kaya hinandaan na niya ulit ito ng makakain at gamot, nagulat pa siya ng pagpasok niya sa loob ng silid nito at bigla natumba ang binata,
"Sir Harry!!!", nabitawan niya ang dala dala at agad na dinaluhan ang binata,, sobrang init nito ng mahawakan niya,,
"O-Okay lang ako, Celina.. Bigla lang nandilim ang paningin ko",
"Inaapoy na kayo sa lagnat Sir, dadalhin ko napo kayong hospital!!", tarantang saad niya dito matapos maalalayan sa kama, umiling naman ito
"Hindi, okay ughh, ughh, ughh", bigla naman itong inatake ng ubo, hindi na niya alam ang gagawin kaya nagdesisyon na siyang pilitin ito na dalhin sa hospital. Tumayo siya at kumuha ng Jacket sa Cabinet nito, agad niya iyong isinuot sa binata,
"Celina ano bang-",
"Wag ng matigas ang ulo niyo Sir, hindi ko na makakaya na makita kayong nahihirapan. Ayokong mamatay kayo", muntik pang matawa ito sa sinaad niya, pero inako niya lang ang isang braso nito patayo at inalalayan ito makalabas ng silid.
"Okay para hindi kana mag-alala", sukong saad nito hanggang sa makababa sila ng hagdan, agad niya naman kinuha ang susi ng sasakyan.
"You know how to drive?", tanong pa nito ng makalabas sila, ngumiti naman siya dito
"Oo naman Sir, basta ituro niyo lang kung saan yung way", binuksan niya muna ang gate saka sumakay sa unahan ng sasakyan nito. Nakamata lang sa kanya ang binata habang nagmamaneho siya palabas ng kalsada, natetense tuloy siya sa bawat pag tingin nito hanggang sa nakarating sila sa isang Hospital.
"You drive well, but next time I won't let you drive", nagtatakang napatingin naman siya dito matapos niyang makapag park,
"Eh bakit naman Sir?",
"Let's go inside", saad lang nito at bumaba na ng sasakyan, nagtataka na sinundan niya lang ito. Agad naman silang inasikaso sa loob ng Hospital,may doctor agad na tumingin sa binata ,,
"You need to rest for a few days Mr. Steve, lalo na't kagagaling mo lang sa operation. Wag mong biglain ang katawan mo", nakangiting saad nung Doctor habang nasa isang private room sila.
"I will Doc. Thanks",
Ilang sandali pa ay nagpaalam narin ang Doctor nito, nilapitan niya naman ang binata at sinipat ulit ang noo nito. Nakahinga siya ng maluwag ng bumaba narin ang lagnat nito, mas epektib talaga ang paracetamol ng Hospital
"Bumababa narin ang lagnat niyo Sir",
"I told you, I'll be okay",
"Pero kailangan niyo parin magpahinga sabi ng Doctor", napangiti lang ito sa kanya at natutuwa siya na masilayan ang ngiti nito
"I called Kuya Bigs para madaanan ka niya dito, you also need to rest Celina. You have taken care of me all day",
"Okay lang naman Sir, kahit nga habambuhay ko pa kayong alagaan eh",
"Huh??,"
"Ah. kako okay lang Sir wala pong problema", sabay tawa niyang saad, muntik pa tuloy siyang madulas dito.
Ilang sandali pa ay hinayaan na niyang magpahinga ang binata, naupo lang siya sa sofa habang pinagmamasdan ito. Sobrang sipag nito kaya napabayaan na ang kalusugan, dagdag pa na kagagaling lang nito sa operasyon, ayaw niya namang magtanong dito ng tungkol sa kanyang mga magulang, nahihiya siya. Maya maya pa ay dumating narin si Boss B, bitbit ang pagkain at ilang prutas, nabalitaan agad nito na dinala niya sa Hospital ang binata.
"Hays, tigas kase ng ulo ni Boss, kailangan niya pa ng pahinga pero sumabak na agad sa pagtatrabaho. Buti nalang nandito ka Celina",
"Wala namang problema sakin Boss B, ako ng bahala dito",
"Sigurado kaba dyan?, last time ako lang ang kasama noon ni Sir sa Hospital buti nalang ngayon meron na",
"Huh? wala bang kaanak dito si Sir?",
"Wala, lahat ng kamag-anak ni Sir nasa iba't ibang sulok ng bansa",
"Hindi pala ako nag-iisa", pabulong na saad niya
"Ano kamo?"
"Wala, kako paki sabi kay Manang Becky babantayan ko muna dito si Sir Harry",
"Osige sige, tawagan mo lang ako pag may kailangan ka", akmang aalis na ito ng pigilan niya
"Teka lang Boss B, yung bill dito sa Hospital wag mong kakalimutan",
"Laki naman ng problema mo. Hindi mo ba alam si Sir Harry ang may ari nitong buong Hospital na toh", nanlaki naman ang mga mata niya sa tinuran nito,
"Huweh??"
"Onga kaya wala ka ng dapat pang alalahanin, siya mauna nako at ihahatid ko pa ang sasakyan",
"Pero tekaaa",
"Ano na naman ba yun bata ka?"
"Nagtataka lang ako kase bakit ayaw na niyang ipagamit sakin yung sasakyan? maingat naman pagmamaneho ko kanina",
"Ikaw ang nagdrive??" tumango naman siya dito,
"Ay naku, kahit si Mam Clara ayaw niyang pinagmamaneho",
"Bakit naman??"
"Mahabang kwento pero kase nga,, bukas nalang bata baka magising si Boss",
Bumalik na siya sa loob ng silid matapos makaalis ni Boss B, alas nuebe narin ng gabi at nagpapahinga na ang binata. Sandali siyang lumapit sa gawi nito at inayos ang kumot nito, muli niya sanang hahawakan ang noo nito para icheck kung wala naba itong lagnat ng matigilan siya, baka magising lang ito at nakakahiya ang gagawin niya. Masyado naba siyang obvioua?, hindi pa naman siguro noh?, bumalik nalang siya sa sofa at naupo.
Pag gumaling na si Sir Harry saka siya magpapaalam na luluwas siyang Manila, kailangan niya rin kumilos para makakuha ng impormasyon sa mga magulang. Hanggang sa hinila na siya ng antok, inayos niya nalang ang sarili para makahiga ng ayos sa sofa.
Kinabukasan napabalikwas siya ng bangon ng pagmulat niya ay wala na sa higaan ang binata,
"Hala Sir Harry??",
Nagulat pa siya ng bigla bumukas ang pinto ng Cr at lumabas don ang binata,
"Oh Celina, It's still early, matulog ka pa ulit", saad nito saka bumalik ng upo sa kama. Pagtingin niya sa orasan ay pasado alas singko palang ng umaga, bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang nakangiting nurse sa binata.
"Kamusta ang pakiramdam niyo Sir??, check lang po tayo ng temperature and bp", anito, pinanuod niya lang ang ginagawa nito habang kinukuhanan ng blood pressure ang binata,
"Wala na kayong lagnat Sir, pero as per advise ni Doc kailangan niyo pa ng pahinga",
"Thank you Nurse", sagot naman dito ng binata,
"Normal naman po ang blood pressure niyo,,", anito habang inaayos na yung mga dala, hanggang sa nagpaalam narin ito sa kanila.
"We can go home later, Celina okay na ang pakiramdam ko",
"Huh? sigurado kayo Sir?"
"Yeah,", saad nito at isinandal ang likod sa kama, mataman itong nagbabasa ng hawak nitong libro, inaantok pa siya kaya nagpasya siyang bumalik sa pagkakahiga at ipinikit ang mga mata.
Napatingin naman siya sa dalaga ng muli itong bumalik sa pagkakahiga dun sa sofa at muling natulog. Palihim na natuwa siya sa kabutihang pinapakita nito sa kanya simula pa noong una, wala parin siyang balita na natatanggap sa mga magulang nito ngunit hindi niya pinapatigil ang kanyang tauhan na mahanap kung nasaan na ang mag-asawa. Marahil ay nagtatago ang mga ito ngayon dahil sa pang gigipit ng mga stockholders na maibalik ang shares na ininvest sa kumpanya nito. Ito ang ilan sa mga detalye na naireport sa kanya, ilang mga properties narin ng pamilya nito ang nahatak ng bangko kabilang ang bahay ng mag-asawa. Alam niyang nalulungkot ngayon ang dalaga pero nagagawa nitong ngumiti sa harap niya at patuloy na nagpapakatatag.
Muli siyang napasulyap sa dito, hindi makakaya ng kalooban niya na pabayaan ito at magsawalang bahala kagaya ng naramdaman niya noon kay Clara at masaya siya na maayos na ang sitwasyon nito ngayon. Marami pa siyang inaasikaso sa negosyo na kailangan niyang pagtuunan ng pansin, hindi niya malaman sa sarili kung bakit mas pinipili niya ang umuwi dito sa batangas gayong may malapit siyang unit na pwedeng uwian.
Isa lang ang nasa isip niya tuwing uuwi siya ng batangas, si Celina. Hindi ito pwedeng manatili sa Manila dahil tiyak niyang manganganib lamang ito sa lalaking nag-ngangalang Angelo. Napag-alaman niyang malaki ang pagkagusto nito sa dalaga at nais ng dalawang pamilya na ipakasal ang mga ito dahilan kung bakit nagawa nitong lumayo. Hangga't hindi pa bumabalik ang magulang ng dalaga ay kailangan niyang siguraduhin ang kaligtasan ng dalaga sa poder niya.
Napabangon ulit siya ng makaramdam ng pangangalay, pagtingin niya sa orasan ay pasado alas siete na. Wala na ulit ang binata sa kama nito, napakamot ulo siya bat ba gala ng gala ang isang yun? wala nabang sakit yon? bigla naman bumukas ang pinto at pumasok ang binata na nakabihis na.
"Magaling naba kayo Sir?",
"Yeah, makakauwi na tayo Celina. Ready kana?" saad pa nito, mukang bagong ligo pa ito at basa basa pa ang buhok
"Sigurado po bang okay na kayo?", aniya naman saka sinipat ang leeg nito, mukhang nagulat pa tuloy ito sa ginawa niya,
"O-Okay nako Celina, ikaw okay kapa ba?", parang natatawa pang saad nito, sinipat niya naman ang leeg niya, normal lang naman ang init niya
"Okay lang din naman ako Sir, tsaka wala naman akong sakit eh",
"Good then, Let's go. May kailangan pa kong tingnan", saad nito saka lumabas ng silid, napasunod nalang siya dito bitbit ang sling bag niya. Sigurado ba ito na aalis na talaga??
"Pero hindi pa kayo pwede magtrabaho diba Sir? baka mabinat pa kayo nyan?", ngumiti lang ito sa kanya hanggang sa makarating sila sa parking area.
"Get inside, saglit lang naman tayo sa Resort. I just want to make sure na walang problema ang mga staff", sumunod naman siya sa sinabi nito at sumakay na sa loob,
"Pwede naman ako magdrive para sainyo Sir para hindi kayo mabigla",
"I told you, I won't let you drive again", at pinaandar na nito ang makina, hindi niya parin alam kung bakit, pero nanahimik nalang siya habang binabaybay nila ang daan.
"Maybe you are wondering", simula nito kaya napatingin siya dito, hinintay niya lang ang sunod na sasabihin nito,
"Isang trauma parin hanggang ngayon ang nangyari sa younger sister ko, maaga siyang natutong magdrive, maaga rin siyang kinuha samin", Napamaang naman siya ng marinig ang sinabi nito,
"I'm sorry to hear that Sir,,", saad niya nalang, ngayon alam na niya ang dahilan nito. Isang malungkot na ngiti lang ang binigay nito sa kanya hanggang sa makarating sila sa isang Resort. Pagbaba ng sasakyan at natuwa siya ng makita di kalayuan ang maasul na dagat, white sand din ang tinatapakan nila ngayon.
Sandaling pinuntahan ng binata ang coordinator ng Party habang abala naman siya sa pagtingin sa paligid kung san gaganapin ang Venue ng Party, sana pwede silang pumunta ni Manang Becky pero para nga pala ito sa mga employee, sa tabing beach ito gaganapin at may mga nakahanda ng mga upuan at lamesa.
"Oy Celina!!!",
Napalingon naman siya ng marinig ang pagtawag sa pangalan niya, napangiti siya ng makita si Kent habang papalapit sa kanya.
"Kent!!, ikaw pala!! anong ginagawa mo dito?" natawa naman ito
"Ako nga dapat magtatanong niyan eh, anong ginagawa mo dito?? haha", nahampas niya naman sa braso ito
"Napadaan lang, ikaw nga??",
"Kasama ako sa nag-oorganize ng Party", napa ah naman siya, oo nga pala isa ito sa empleyado ng kumpanya ng binata,, natawa nalang tuloy ulit siya
"Onga pala haha!,"
"Gaganapin to sa susunod na araw, makakapunta kaba? punta kana",
"Eh? hindi naman ako belong eh!, pero sige! mukhang masaya eh",
"Haha ang kulit mo parin Celina pero aasahan ko yan na pupunta ka ah, kasama mo naman yung maingay kong tiyo diba?"
"Ah si Boss B, oo naman. Sana isama niya ko",
"Pero sino nga pala ang kasama mo dito?",
"Ano si Sir", sabay turo niya don sa binata na nakamata ngayon sa kanya habang kausap nito ang organizer,
"Ah si Sir Harry,, kasama niyo rin ba si Tiyo?"
"Hindi eh, sumaglit lang kami dito",
"Uhm ganon ba, sige Celina marami pakong gagawin eh. Basta asahan kita ako ng bahala", ngumiti nalang siya dito at kumaway ng makaalis ito. Napalapit naman siya sa binata ng makaalis ang kausap nito.
"Let's go home", saad lang nito kaya tumango siya, muli pa siyang kumaway kay Kent ng makita niya ito di kalayuan na ngumiti rin sa kanya, napalingon na tingin lang sa kanya ang binata kaya natigilan siya baka isipin pa nito nakikipagharutan siya.
"Do you want something to eat?", tanong nito ng makasakay sila sa loob ng sasakyan, natulala naman siya dito, bakit parang gusto niyang kiligin ngayon? nagitla pa siya ng biglang nagring ang cellphone niya,
"Ah, ah wait lang Sir,, Hello Boss B, hah? oo pauwi na,, oo magaling na,, Hah? hindi ah,, Ok malapit naa", napangiti pa siya matapos makausap ito sa kabilang linya saka siya bumaling sa binata.
"Sir may inihanda raw na mainit na sabaw si Manang Becky para sainyo, sa bahay nalang po tayo kumain", tumango lang ang binata at binaybay na nila ang daan pauwi, hindi niya naman maiwasang hindi mapangiti habang nakatingin sa daan.Kinikilig na siya kanina eh kaso ito namang Boss B, pero ayos lang atleast nakasama niya ito kahit sandali.