Gabi na ng makauwi sila sa Rest House, masaya naman ang ginang na sinalubong siya at agad itong naghanda na kanilang hapunan. Hindi na niya naitago sa mga ito ang kinakaharap na problema mula sa pag-tatago niya kay Angelo, pag-kahatak ng kanilang bahay at sa hindi pa niya makausap na magulang. Ayaw niyang isipin na nawawala ang mga ito, alam niyang hindi hahayaan ng kanyang Ama na mapahamak sila.
Pasado alas onse na ng makarinig siya ng ugong ng sasakyan mula sa labas, agad siyang kumilos palabas ng silid dahil baka dumating na ang binata. Dali dali niyang binuksan ang pintuan at ilaw sa labas pero lumagpas lang sa harapan ng gate nila ang sasakyan. Hindi na siguro nakabyahe pauwi ito, hindi pa naman siya inaantok kaya napagpasyahan niyang lumabas sandali at maglakad lakad sa garahe. Ayaw niyang tumayo lang dito at maghintay, kailangan niya ring gumawa ng paraan para sa kanyang mga magulang. Napatingin siya sa labas ng marinig ang pag meow ng pusa, natanaw niya ang dalawang pusa na hindi niya napakain kanina, pumasok ulit siya sa loob at kinuha ang natitira niya pang cat food. Sandali siyang lumabas at nilapitan ang dalawang pusa na nakaabang,
"San ba kayo galing at ngayon lang kayo nagpunta dito? buti nalang may natira pa", aniya sa mga ito habang binibigyan ng cat food, tila gutom na gutom naman ang dalawa at abala sa kinakain, walang pamilya na mauwian ang mga ito kagaya niya pero nagpapasalamat siya na nakilala ang mga tao na kumukupkop ngayon sa kanya.
"Sige kain lang,, simula ngayon pamilya na tayo hah?. Pag bumalik na sila Mommy isasama ko kayo pauwi,," natutuwang saad niya dun sa isang puting pusa habang hinihimas ang ulunan nito, napa meow lang ito sa kanya,, napatayo pa siya ng isang pamilyar na sasakyan ang nakita niyang paparating at tumigil sa harapan ng gate nila. Abot abot tuloy ang kaba niya ng makita ang pagbaba ng binata mula sa loob ng sasakyan. Akala niya ay hindi na ito makakauwi ngayon,
"Sir Harry!!",
"Celina, It's late bakit nasa labas kapa?" tanong nito at nadako ang tingin dun sa dalawang pusa na abalang kumakain,
"Ah, hindi pa po kase ako inaantok,, sandali bubuksan ko yung gate Sir", nagmadali siyang pumasok sa loob at nilakihan ang awang ng gate, sinundan niya ng tingin ang sasakyan nito hanggang sa makapag park sa tabi ng sasakyan na gamit ni Boss B. Isinara niya narin ulit at lumapit sa gawi ng kakababa na binata.
"Ipaghahanda ko kayo ng makakain Sir",
"Thanks, but I'm still full, magpahinga kana Celina", tumango lang siya dito at sumunod sa binata papasok sa loob. Siya na ang nagsara ng pinto at nilocked ulit ito, dumiretso naman agad pataas ng hagdan ang binata.
Nang magising siya kinabukasan ay hindi na niya naabutan si Boss B at Sir Harry, sabi ng ginang ay maagang umalis ang mga ito, napuyat kasi siya kagabi kaya tinanghali siya ng gising. Sandali siyang nakatulala sa harapan ng kape niya hindi maalis ang pag-aalala niya sa mga magulang. Nagitla pa siya ng hawakan ni Manang Becky ang balikat niya
"Alam kong nag-aalala ka Celina pero magtiwala ka kay Sir Harry, tutulungan ka niya saiyong mga magulang", nakangiting saad nito at naupo sa tabi niya, may lungkot na ngumiti naman siya dito
"Nahihiya lang ako kay Sir Harry Manang, simula ng dumating ako dito puro abala na ang nadulot ko tapos ngayon wala man lang akong magawa para sa mga magulang ko",
"Wag mong alalahanin ang bagay na yon, likas na sa pagkatao ni Sir Harry ang tumulong kaya lalong pinagpapala ang batang iyon eh,, nasisiguro kong hindi ka niya bibiguin", napatango naman siya dito alam niya namang hindi siya bibiguin ng binata pero hindi niya alam kung paano man lang makakabawi dito.
Nagpuntang palengke si Manang Becky at siya lang ang mag isang naiwan sa bahay, tinapos niya nalang ang mga naiwan nitong gawain dahil nag alala ito na isama siyang palengke dahil baka mawala na naman daw siya. Iniwan rin sa kanya ang paglilinis sa silid ng binata kaya naman dun agad siya nagtungo, hindi niya maiwasang matuwa sa tuwing papasok siya sa loob ng silid nito, wala naman masyadong kalat hindi niya tuloy alam kung ano ang uunahing linisin. Napansin niya ulit ang mga paintings na nakadisplay sa pader, kung hindi siya nagkakamali ay mga obra parin ito ng dalaga. Sobrang siyang humanga sa taglay na talento nito, samantalang siya ni hindi man lang marunong sa pag guhit,, sinimulan niya nalang ang pagwawalis sa kabuuan ng silid. Nang mapansin niya ang ilang labahan sa banyo nito ay kinuha niya nalang iyon, maigi nalang naaaplay niya ngayon ang nakikita niyang tintrabaho ng katulong nila. Mula sa pagluluto, pagwawalis at paglalaba.
Bigla niya tuloy naisipan na maghanap ng trabaho, pero ano naman kaya ang pwede niyang pasukan?
Matapos niyang maisprayhan ang silid nito ay pumanhik na siya sa baba para naman labhan ang damit ng binata, sa ilang linggo na pananatili niya dito ay natuto rin siyang maglaba , maglinis at magluto ng itlog. Pwede na siya mag aplay-asawa kay Sir Harry, napangiti pa siya sa kalokohang naisip,, sobrang ligaya niya siguro kung tatanggapin siya nitong may bahay niya. Ang tanging gagwin niya lang ay pagsilbihan ito,, pero bigla siya natigilan ng makaamoy ng nasusunog na sinaing,, nagtatakbo siyang pumunta ng kusina at agad pinatay ang gas stoove. Pagbukas niya ng kaldero ay muntik ng masunog ang sinaing na pinabantayan sa kanya ni Manang Becky,
"Hays, sinaing nalang yan Celina,,", kamot ulo niyang saad at muling bumalik sa labahan. Bago dumating si Manang Becky ay natapos na siya sa ginagawa, inabangan niya nalang ito sa labas ng gate at ilang sandali din naman ay tumigil ang isang tricycle lulan nito. Agad niya naman ito tinulungan sa maraming bitbitin nito,
"Magluluto ako ng nilagang baka para pag uwi ni Sir Harry ay makahigop siya ng mainit na sabaw", saad nito habang papasok sila sa loob ng kusina, napangiti naman siya, masaya siya na umuuwi dito ang binata pero hindi kaya ito napapagod sa araw araw nitong byahe mula batangas at manila?,
Ilang araw din na naging abala ang binata, hating gabi na kung umuuwi ito kasama si Boss B at maaga naman kung umaalis kinabukasan. Hindi niya narin ito naaabutan, gusto niya sanang magpaalam dito na magpuntang Manila para makipag usap sa Tito Henry niya, nabanggit kase ni Ara na matagal na siyang gusto nitong makita at makausap tungkol sa kanyang mga magulang. Kinabukasan ay hindi niya ulit naabutan na umalis si Boss B at Sir Harry, ayaw niya namang umalis na walang pahintulot nito.
"Celina okay ka lang bang mag-isa dito?, tutulong lang ako sa pag-aasikaso doon sa Resort" saad ng ginang habang nasa labas ng pinto, tumango lang siya , nabanggit nga pala nito na doon gaganapin ang Anniversary Party sa Kumpanya ng binata kaya abala ang ibang staff sa pag-aasikaso maging ang ginang. Nung isang araw ay galing narin siya doon at mukhang wala siyang maitutulong kaya hindi na siya bumalik pa, maghahanap nalang siya ng pwedeng gawin kung sakali.
"Mag-iingat po kayo",
Ngumiti at tumango lang ang ginang at sinamahan niya palabas ng gate, may nakaabang na ditong tricycle sa labas kaya sumakay na ito doon. Nang makaalis ang mga ito ay isinara na niya at nilocked ang pinto. Pabalik na siya sa loob ng makatanggap siya ng tawag kay Boss B.
"Hello Boss",
"Hello Celina, gising naba si Sir Harry?"
"Hah?? ano kamo?"
"Si Sir Harry kako kung napansin mo?"
"Hi-Hindi, alam ko maaga siyang umalis eh",
"Nak ng,, hindi yun aalis kase masama ang pakiramdam",
"Hah??, e diba ikaw ang kasama nun pag-umaalis Boss B??", nagtatakang wika niya dito,
"Oo nga,, pero hindi ko siya kasama kanina,, nagpaiwan at masama daw ang pakiramdam,, nasan ba si Becky?", natigilan naman siya at agad umakyat ng hagdan papunta sa silid ng binata,, wala namang binanggit si Manang na nandito ang binata edi sana napaghandaan nila ito ng almusal?
"Hello Celina??? nandyan kapa ba??",
Lumapit naman siya sa silid nito at pinakinggan kung may tao sa loob, wala naman siyang narinig na ingay at tahimik, baka umalis parin ito kahit masama ang pakiramdam,,
"Clear, wala namang-"
Natigilan siya ng makarinig ng pag-ubo,,
"Anong sabi mo? wala dyan si Sir??"
Muli siyang lumapit sa may pintuan nito at idinikit ang tenga sa pinto, nanlaki pa ang mata niya ng marinig ang muling pag-ubo ng binata, nandito nga ito sa loob ng silid nito at mukhang may sakit ito, agad niya namang binuksan ang pinto nito at pumasok sa loob. Napabangon naman ang binata ng makita siya, mukhang kakagising lang nito at halatang may sakit ito.
"Sir Harry??, nandito po pala kayo?"
"Celina,, akala ko umalis na kayo ni Becky", napalapit naman siya dito,,
"Hindi po ako sumama",
"I'll just rest for a while", nagtaka naman ito ng maupo siya sa kama nito at siyatin niya ang noo nito at leeg,,
"Mainit kayo Sir,, teka kukuha lang po ako ng gamot", aniya saka tumayo, buti nalang pala at hindi siya sumama kay Manang Becky kundi mag isa lang dito ang binata, may sakit pa man din ito.
Napapailing nalang siya habang kinukuha ang tableta ng paracetamol at isang basong tubig, naalala niyang hotdog at pritong manok lang ang inihanda ng Ginang, hindi naman ito makakain ng taong may sakit.
"Inumin niyo muna ito Sir", bumangon naman ito ng makalapit siya, iniabot niya dito ang isang basong tubig at paracetamol.
"Thank you,", saad lang nito at humiga na ulit, mukhang masama talaga ang pakiramdam nito kaya minabuti na niyang iwanan ito para makapag pahinga. Naisipan niya namang tawagan si Boss B habang nasa kusina siya,,
"Oh anong nangyari?? matapos mo kong babaan ng tawag kaninang bata ka",
"Sorry na Boss B, nagulat kase ko na nandito nga si Sir Harry tsaka may sakit siya",
"Sabi ko naman sayo eh,, edi tuwa kana naman niyan",
"Hindi ah,, pano ako matutuwa eh may sakit siya,, ano pano ba magluto ng lugaw?"
"Anak ng??? Lugaw lang hindi mo alam??"
"Hindi,, sige na Boss paano ba?? wala dito si Manang Becky,, hindi ko alam kung anong ipapakain ko sa may sakit",
"Naku namang bata ka, hindi kapa pwede mag-asawa,, lugaw lang hindi pa alam,, bumili kana lang ng Lomi dun sa kanto",
"Ayoko nga,, hindi ko pwedeng iwan si Sir Harry lalo na't may sakit siya",
"Ang tanong maalam kaba? baka pasabugin mo lang yang bahay", muntik pa siyang matawa sa tinuran nito
"Sempre hindi, grabe kana Boss B ah,, ang sakit mo na magsalita",
"Biro lang sempre, eto makinig ka,, magsalang ka ng bigas mga kalahating baso tapos madami dami yung tubig"",
"Hah ano sandali??"
"Itetext ko na nga lang, nagmamaneho kaya ko",
"Ok ok, linawin mo yung instructions hah",
Ilang sandali naman nakatanggap siya ng mensahe galing dito,
May tutorial sa Youtube. Manuod ka
Natawa pa siya dito, oo nga pala bat hindi niya agad naisip yon, at gaya nga ng sinabi nito naghanap siya ng tutorial sa Youtube sa pagluto ng lugaw. Medyo madali lang pala kaya hinanda na niya ang mga gagamitin, kailangan ng makakain nito dahil simula umaga ay wala pa itong kinakain. Binantayan niyang maigi ang nilulutong lugaw at baka masunog pa kagaya nung sinaing niya, hihintayin niya lang itong lumapot saka niya ilalagay yung itlog at asin. Saktong alat lang ang inilagay niya at handa na ang lugaw niya, sobrang natutuwa siya, ito ang pangalawang putahe na natutunan niya. Inilagay na niya ito sa mangkok para madala sa binata.
"You know how to cook?" takang saad nito ng mailagay niya ang tray sa lamesa nito,
"Pinanuod ko sa Youtube Sir, madali lang palang gumawa ng lugaw. Kumain napo kayo", ngumiti naman ito saka tumango,
"Thank you for this,",
"Pwede bang dito muna ako Sir??, babantayan ko lang kayo",
"Don't worry, okay lang naman ako. Baka maboring kalang dito", umiling naman siya
"Hindi, wala naman akong gagawin sa baba Sir,, behave lang ako dito", tumango nalang ito bilang pag-sang ayon. Naupo lang siya malapit sa Veranda at nakangiti na pinagmamasdan ito habang kumakain ng inihanda niyang lugaw, gusto niya pa tuloy matuto pa ng ibang putahe para dito,, matapos kumain nito ay iniligpit niya rin agad ang pinagkainan nito, bumalik naman sa pagkakahiga ang binata at natulog na ulit.