Alas tres ng madaling araw ay gising na siya, maaga kasing aalis si Sir Harry at Boss B dahil may flight ito papuntang Cebu, siya na ang nagbukas ng gate para makalabas ang sasakyan. Dalawang araw daw ito doon mananatili kaya hindi siya nakatulog kakaisip dito,
"Celina, locked the gate after namin makaalis", napatango lang siya at malungkot na tumingin dito, ganito naba kalalim ang nararamdaman niya dito kaya may bigat sa kanyang dibdib na aalis ito?
"Matulog ka ulit, you look tired",
"Ah, O-Oo Sir",
"If something's happen, call me agad. Wag kang aalis na mag isa,,"
"O-Okay Sir", tatalikod na sana ito ng bigla ulit humarap sa kanya,
"One more thing",
"Sir??",
"Ikaw munang bahala sa alaga natin",
"Eh??", ngumiti lang ito ng bumakas sa mukha niya ang pagkabigla,
"I'll go ahead, locked the gate", sumunod naman siya dito,
"Mag iingat kayo Sir", lumingon naman ulit ito sa kanya,
"Just wait for me", tumango naman siya dito saka ngumiti, nagulat pa siya ng guluhin nito ang buhok niya bago tumalikod at sumakay na sa loob ng sasakyan. Kumaway nalang siya ng makaalis ang mga ito saka niya isinara ang gate. Nag eecho paulit ulit sa isip niya ang huling sinabi nito
Just wait for me..
May ngiti sa labi na bumalik siya sa pagkakahiga, dalawang araw lang naman yon at uuwi rin ito agad. Kinabukasan ay nakatanggap siya ng message sa kanyang mga magulang, naka schedule naraw bukas ang flight ng mga ito pauwi ng pilipinas, kaya natigilan siya habang kumakain.
"Oh anong problema Celina?",
"Manang Becky, pauwi napo bukas ang mga magulang ko", saad nito, ito naman ang natigilan at napatitig lang sa kanya,,
"G-Ganon ba? aalis kaba agad?? p-pauwi narin bukas si Sir Harry",
Muli siyang natigilan, dumating na ang araw na ikakalungkot ng puso niya. Aalis na siya sa poder ng mga ito, maghapon niyang nilibang ang sarili para maiwasan ang lungkot na nararamdaman. Magkahalong lungkot at saya, sa wakas makakasama na niya ulit ang kanyang mga magulang pero malalayo naman siya sa mga taong naging malapit sa kanya. Kay Boss B, Manang Becky at sa binata.
"Bakit mukang malungkot ka taba?? pauwi na sila tita oh makakasama mo na ulit sila", saad ng tinig ni Ara sa kabilang linya
"Masaya naman ako Taba,, pero kase hindi nako makakapagstay pa dito",
"Aw iiwan mo na si Sir Harry,, pano na? hindi ka naman pwedeng sumama sa kanya habambuhay pwera nalang kung magiging asawa mo siya",
"Tsk, ang mag apply maging Assistant niya e ayaw niya maging asawa pa kaya??", napahagikhik naman ito ng tawa,
"Ang gwapo naman kase ni Sir Harry, nalaglag nga yung panga ko pagkakita sa kanya eh. Pero naging tagapagligtas mo naman siya taba yiiee kilig yarn", napangiti naman siya dito ng maalala ang ginawa ng binata, malaking parte niya ang maligaya,
"Baliw ka talaga, ayoko pang umalis dito pero sila Mom and Dad, alam kong kailangan nila ako",
"Ays taba, isipin mo muna ang mga magulang mo. Hayaan mong ang tadhana ang gumawa ng paraan senyo ng Prince Charming mo", napailing naman siya dito, lalo lang tuloy siyang nahihirapan mag isip. Naalala niya ang Lucky Coins na binigay nito,
"I hope you find him too, and let that lucky coins guide you papunta sa taong yun",
Napailing naman siya, paano siya iguguide ng coins na toh papunta sa taong sinasabi nito? Eh dito niya gusto mapunta sa una palang. Kaya nga siya nandito ngayon dahil pinili niyang makasama ito.
Tunog ng kanyang telepono ang nagpagising sa kanya, pupungas pungas niyang tiningnan ang screen kung sino ang tumatawag, bigla kumabog ang dibdib niya ng mabasa ang pangalan.
Ninong Henry Calling....
Nawala ang antok niya at dali dali na pinatay ang telepono, ilang linggo na niyang iniiwasan ang mga tawag at mensahe nito. Marahil alam na nito na pauwi na ang mga magulang niya at tiyak niyang makikiusap na naman ang mga ito na mapatawad niya ang binata. Muli umahon ang galit sa kanyang puso, hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya nasisiguro niyang hindi rin iyon palalagpasin ng kanyang Ama oras na malaman ang ginawa ng taong pinagkatiwalaan nila.
Tumunog ulit ang cellphone niya at ito muli ang tumatawag, ilang beses niyang pinapatayan ito pero nagtaka siya dahil alas tres palang ng madaling araw bakit naiisipan nitong tumawag ng ganito kaaga?? hanggang sa isang mensahe ang dumating galing dito na nagpatigil sa mundo niya.
Bumagsak ang eroplanong sinasakyan ng mga magulang niya.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig, muling nagring ang telepono niya at agad niya iyong sinagot. Nagbibiro lang ba ito?? hindi yun totoo, hindi yun pwedeng mangyari. Namumuo na ang mga luha sa mga mata niya
"Hello Celina?? naririnig mo ba ko??? did you received my message??", taranta ang tinig nito mula sa kabilang linya, walang tinig na lumabas sa bibig niya at tanging paghikbi lang,
"Celina, Listen to me.. susundan namin sa Macao ang mga magulang mo,, sasama kaba??,, Hello Celina!!",
"P-Papanong?? hindi !! baka nagkakamali lang kayo Ninong!!",
"It's in the news Celina! kagabi pa nabalita ang pagbagsak ng eroplano nila!",
Natigagal naman siya. hindi siya nanunuod ng balita at wala siyang alam. Huling usapan nila ng kanyang Ina ay nakasakay na ang mga ito ng eroplano,
"Celina anong nangyari??", pupungas pungas na tanong sa kanya ni Manang Becky, umiiyak na napayakap naman siya dito,
"Manang Becky!!!",
"Anong nangyari? bakit ka umiiyak??", tarantang saad nito, sinabi niya dito ang nangyari sa pagitan ng pag iyak, pero sinuguro niya muna sa balita kung totoo ang sinasabi ng kanyang Ninong. Lalong gumuho ang mundo niya ng mapatunayan na totoo ang balita, 9pm bumagsak ang eroplanong pabalik ng bansa, alas otso ang huling usapan nila ng kanyang Ina. Napahagulhol ulit siya ng iyak, bakit kailangang mangyari ito?? bakit kung kailan gusto na niyang makasama ang kanyang mga magulang??
"Celina makinig ka, magkita tayo sa airport. Nagbobooked na ng ticket ang Ninang mo nasayo ba ang passport mo??", ang ninong henry niya ulit,
"Pero Ninong?", bigla niya inalala si Angelo, hindi pa siya handang makita ulit ito
"Kung inaalala mo si Angelo wala siya, matagal na siyang hindi umuuwi sa bahay. Tayo lang ng ninang mo ang babyahe", hindi agad siya nakaimik, hindi niya alam kung dapat ba siyang magtiwala ulit dito.
Just wait for me
Ilang beses niyang sinubukang tawagan ang binata pero hindi ito sumasagot, marahil ay abala pa ito. Malaki narin ang abala na nadulot niya dito, Sa huli ay nagpasya siyang sumama sa Ninong Henry niya. Kailangan niyang subukan ulit na magtiwala sa mga ito, bahala na ulit kung anong mangyari
"Celina, hindi mo ba hihintayin ang pagdating ni Sir Harry??", naluluhang saad ni Manang Becky, napaluha narin siya bitbit ang bagahe niya,
"Wala nakong oras Manang, kailangan kong puntahan ang mga magulang ko",
"M-Mag iingat ka. Tawagan mo ako agad hah??" marahan naman siyang tumango dito at muling yumakap dito. Babyahe na siya ngayon papuntang airport kung saan doon ang usapan nila.
Habang nasa bus ay muling ibinalita ang pagbagsak ng eroplano, wala pang binibigay na listahan ng mga taong nakasakay kaya taimtim ang panalangin niya na sana hindi don kabilang ang kanyang mga magulang. Sa pagmamadali niyang makarating ng airport ay naiwan niya pa sa taxi ang cellphone niya, inabangan niya nalang sa terminal 3 ang Ninong Henry niya.
"Sir hindi bat ngayon ang flight ng mga magulang ni Celina?", saad ni Kuya Bigs habang nakikinig sila ng balita sa isang eroplano na bumagsak. Magsasabay ang flight nila ngayon pauwi,
"Tumawag naba si Celina Kuya Bigs?",
"Wala pa Sir,", sinulyapan niya ulit ang kanyang cellphone, ilang tawag ang natanggap niya dito ng umaga na hindi niya nasagot, ng balikan niya naman ito tawag ay hindi na niya makontak.
Pabalik na sila ngayong Manila at hindi na siya makatiis na hindi makausap ito.Kay Manang Becky nalang siya tatawag.
"Hello Sir!",
"Yes Manang? nandyan ba si Celina?", narinig niya naman ang pag singhot nito,
"Manang?",
"Hello Sir, umalis na kase si Celina. Bumagsak raw ang eroplano na sinasakyan ng mga magulang niya",
"Ano??? n-nasaan si Celina ngayon Manang???", gulat na bulalas niya,,
"Sasama raw po siya sa Ninong Henry niya papuntang Macao",
"What???? s**t!, hello Manang tatawag ako ulit", tarantang saad niya at muli dinialled ang number ng dalaga pero hindi na nagriring ang cellphone nito.
Agad niya naman tinawagan ang tauhan niya na nag asikaso sa flight ng mag-asawa
"Yes hello Dave, how's the flight of Mr and Mrs. Galvez?? what time ang landing nila??,, got it.. Thanks!! Kuya Bigs magmadali tayo, kailangan nating abutan si Celina",
"O-Oo Sir",
Mahigit isang oras na siyang naghihintay sa pagdating ng Ninong Henry niya, ilang sandali pa ay isang itim na sasakyan ang tumigil sa harapan niya. Magkasunod na bumaba doon ang mag-asawa, maluha luha na sinalubong naman siya ng yakap ng Ninang Cely niya,
"I'm so sorry Celina",
"Let's go Hon, malapit na ang flight natin. Celina dala mo ba ang passport mo?", marahan na tumango naman siya dito,, habang papasok sila sa loob ay akay akay ng ginang ang isang braso niya. Hindi parin siya makapaniwala na ganito ang mangyayari, paano na siya ngayon kung tuluyan na mawawala ang mga ito sa kanya?? Agad niya pinunasahan ang luhang naglandas sa pisngi niya, hindi niya makakaya kung maging ang mga ito ay mawawala sa kanya.
"Nasan naba ang batang yon?". maya maya'y wika ng Ninong Harry niya habang nasa waiting area sila. Kanina pa ito abala sa cellphone nito at tingin ng tingin sa suot nitong relo. Hinihintay nalang nila ang pag paging sa ticket number nila.
"Tatagan mo ang loob mo Celina, nandito lang kami ng Ninong Henry mo. Hindi ka namin papabayaan", wika pa ng Ginang habang hinahaplos ang braso niya,, taimtim parin siyang nagdarasal na sana ay mali lang ang balita, na buhay niyang makikita ang mga ito.
"I'm sorry, I'm late", napamaang siya ng makita ang matangkad na lalaki na nakatayo sa harapan nila. Bigla nanginig ang kamay niya habang nakatitig dito,
"A-Angelo???",,
Hindi niya makita ang mga mata nito dahil sa suot nitong shade pero alam niyang nasa kanya ang tingin nito.
"Hindi kana niya magagalaw Celina, nangako siya samin na titigilan kana niya", saad naman ng Ninang niya, pakiramdam niya ay nanigas ang mga tuhod niya. Hindi niya magawang kumilos at nanatili lang ang masamang tingin niya dito, ngayon nagtatalo ang isip niya kung sasama paba siya sa mga ito o hindi.
Just wait for me
Pano kung bumalik nalang siya? hintayin niya nalang si Sir Harry at dun nalang ulit siya hihingi ng tulong. Hanggang sa tinawag na ang ticker number nila, naunang kumilos pahakbang ang binata sa kanila.
"Let's go Celina aalis na tayo", aya sa kanya ng Ginang pero ayaw kumilos ng mga paa niya, nanatili lang siyang nakaupo.
"Trust me, hindi ko hahayaan na masaktan ka ulit ng anak ko", puno ng sumamo na saad ulit ng Ginang, napalunok naman siya at napatingin sa Ninong Henry niya na naghihintay sa kanila. Hanggang sa inalalayan siya nito na makatayo, napahinga nalang siya ng malalim at mahigpit na kumapit sa braso nito, ramdam din nito ang tensyon na nararamdaman niya. Marahan ang lakad nila papunta sa departure area, mabigat ang mga paa niya sa desisyong pagsama sa mga ito lalo na't kasama rin ang taong kinasusuklaman niya.
"If something's happen, called me agad. Wag kang aalis na mag isa",
Bigla siyang natigilan sa paghakbang, ayaw na kumilos ng mga paa niya at nanlalamig narin ang kamay niya, napatingin naman sa kanya ang Ginang.
"Celina??", namamasa ang mga mata na tumingin siya dito,
"H-Hindi nako sasama Ninang", halos pabulong niyang saad,,
"Pero Celina, ang mga magulang mo", kusa namang nagbagsakan ang luha niya,,
"Are we not leaving yet?", biglang wika ng binata na nasa unahan nila, napasinghap siya ng humakbang ito palapit sakanila, agad naman itong hinarangan ng Ginang,
"Angelo???",
"Tsk! wag kang mag inarte ngayon Celina dahil naghihintay sayo ang mga magulang mo", malamig ang tinig na saad nito na tila kilabot ang hatid sa kanya, napaatras pa siya ng akmang lalapit ulit ito sa kanya,
"Celina Let's go", mahinahong wika naman ng Ginang, umalma lang siya ng tinalikuran na sila ng binata, sobrang bigat ng kalooban niya naipikit niya nalang ang mga mata, muli siyang inaya ng Ginang lumakad kaya humakbang na ulit siya.
Sir Harry,,,
"Celina!!!!",
Agad siyang napalingon sa pamilyar na boses na tumawag sa pangalan niya, halos mapatalon ang puso niya ng makita di kalayuan ang hinihingal na binata, napabitaw siya sa ginang, pakiramdam niya ay nakakuha siya ng saklolo sa pagdating nito, kusang kumilos ang mga paa niya patakbo dito.
"Sir Harry!!!!",