Patakbo siyang nagtungo sa binata at mahigpit na yumakap dito, nakahinga siya ng maluwag sa kabila ng sobrang bigat na nararamdaman.
"Thanks god I caught you up, bakit ka umalis agad?? diba sinabi kong hintayin mo ko??", saad sa kanya ng binata habang nakahawak sa magkabilaan niyang balikat, muli siyang napaluha dito
"Ang mga magulang ko Sir Harry,,", hindi niya magawang idiretso ang sasabihin dahil hindi matanggap ng kalooban niya,,
"Listen to me Celina,, Don't cry for god's sake! ligtas ang mga magulang mo",
"Celina!!",
Sabay silang napalingon sa paglapit ni Angelo kasama ang mga magulang nito, matalim ang tingin na pinupukol nito sakanila ng binata at halatang nagpipigil ito ng galit
"We have no time Celina, aalis na tayo", -Ninong Henry
"Come on Celina, Let's go",
Akmang lalapit sa kanya si Angelo ng iharang ng binata ang isang braso nito.
"Don't interfere with us Mr. Steve, tama ng pangingialam mo", may diin na sabi ng binata, nag iigting narin ang panga nito
"Don't pull yourself again Mr. Villamore, hindi sasama si Celina sainyo", sagot din dito ng binata,
"Mr. Steve? kami ang guardian ni Celina, samin siya iniwan ng mga magulang niya. So please",
"Guardian? after what you're son did? hahayaan niyo ulit na malapit si Celina sa anak niyo??", akmang susugurin ito ni Angelo ng agad pigilan ng Ama nito,
"Calm down! don't make a scandal", halos pabulong na saad ng Ninong Henry niya,
"Celina, you don't have to go with them, malapit ng-",
"Celina! sumama kana samin,, hinihintay tayo ng mga magulang mo", ang ginang ulit, nagtatalo ngayon ang isip niya sa gagawing desisyon sa pagitan ng mga ito, pero ramdam niya ang higpit na hawak sa kanya ni Harry at ang matalim na tingin naman sa kanya ni Angelo,
"Celina???, Celina Anak!!!",
Sabay sabay silang napatingin sa dalawang tao na paparating, napamaang siya at agad nagbagsakan ang luha niya,, patakbo ang kanyang Ina palapit sa kanya kaya sinalubong niya rin ito ng mahigpit na yakap.
"Mommy!!!",
"My god!! Celina anak,,", mahigpit din siyang yakap yakap ng Ina,, bakas ang pagkabigla sa mukha ng tatlo ng makita ang pagdating ng mag-asawa. Sunod na sinalubong niya ng yakap ang kanyang Ama,
"Celina,, thank's god you're safe", walang salitang namutawi sa bibig niya, napanatag na ang kalooban niya ngayong nandito sa tabi niya ang mga magulang, sobra sobra ang pasasalamat niya at hindi binigo ang dasal niya.
"Julius, we thought", di mapigilang saad ng Ninong niya, isang makahulugang tingin naman ang binigay dito ng kanyang Ama. May ilan ng nakatingin sa kanila at sunod sunod narin ang pag paging sa ticket nila,
"Let's go home, marami pa tayong kailangang asikasuhin", sabi lang sakanila ng kanyang Ama, tumango naman siya dito at muling yumakap dito, nang sulyapan niya ang binata ay nakangiti rin ito sa kanya. Abot abot ang pasasalamat niya dito
"Mr. Steve, Thanks a Lot. Thank you for taking good care of our Celina", narinig niya namang saad ng Mommy niya sa binata,
"Tita", nagmistulang maamong tupa naman ngayon ang mukha ni Angelo sa harap ng mga magulang niya.
Matalim ang tingin na binalingan ng Mommy niya si Angelo, tingin niya ay may alam na ito sa mga nangyari. Ngayong nandito na ang kanyang mga magulang sana ay tigilan na siya nito,
"We are not done yet Angelo,,", nakita niya ang muling pag igting ng panga nito at masama ang tingin na bumaling ito sa binata,
"Mabuti pang umuwi na tayo para makapag usap", -Ninong Henry niya
"Yeah. We really have a lot to talk about Henry",
"Harry Steve!!!",
Napasinghap siya ng makita ang biglang paglabas ni Angelo ng isang baril na agad itinutok sa binata, mabilis siyang napabitaw sa kanyang Ina, hindi nito pwedeng saktan si Harry, bago pa nito iputok ang baril sa binata ay madali siyang kumilos para harangan ito,,
"Wagg!!!!",
Dalawang magkasunod na putok ang umalingawngaw sa paligid. Naramdaman niya nalang na may matalim na bagay na tumama at bumaon sa tiyan niya, sobrang sakit at para siyang maduduwal. Agad naman siyang nasalo ng isang bisig, nanlalabo ang paningin niya pero alam niyang nasa bisig siya ng binata, hindi niya hahayaan na mapahamak ito,,
Napanatag ang kalooban niya ng makita na ligtas na nakarating ang mag-asawa at ngayon ay magkakasama na ang mga ito. Hindi man masabi ng dalaga pero ramdam niya ang labis na katuwaan nito ng sulyapan siya nito ng isang ngiti.
"Harry Steve!!!",
Pag-angat ng tingin niya ay nakatutok na sa kanya ang baril ni Angelo, mabilis nitong naiputok ang hawak na baril nanlaki nalang ang mata niya ng bigla humarang ang dalaga sa harapan niya, natamaan ito at maagap niyang nasalo pero ang kasunod na putok ay tumama din sa kanya,
"Celinaaa!!!!",
"Stop it Angelo!!!!",
Bigla nagkagulo sa paligid nila, nagtakbuhan at sigawan ang mga tao, nag-agawan ang mag ama sa baril at agad nitong sinuntok ang binata. Nagdatingan rin ang mga security guard sa kanila.
Hindi niya nainda ang tama ng bala sa kanyang balikat habang pangko niya ang dalaga, halos mapamaang siya ng makita ang duguang tiyan nito, pakiramdam niya ay kakapusin siya ng hininga habang nakikita ang sitwasyon ng dalaga. Nanginginig ang kamay niya na hinawakan ang mukha nito,,
"Celina,,",
"S-Sir,,,"
"s**t!! Noo,, bakit mo yun ginawa!!!", naiinis niyang saad,
"Celina Anak!!!! oh hindi!!! tulong!!!!", umiiyak na sigaw naman ng Ginang sa tabi nila,, hindi naman maalis ang tingin sa kanya ng dalaga,, sakabila ng tama nito ay nagawa pa nitong ngumiti sa kanya,,itinaas pa nito ang isang kamay at hinaplos sa pisngi niya, hinawakan niya rin ang mainit init na kamay nito, bakit ba ang tagal ng tulong sa kanila?? gusto ng magwala ng kalooban niya,,
"Hold on,, parating na ang ambulansya", nanghihina na saad niya, naghahalo ang takot at sakit na nararamdaman niya pero lumalamang ang takot na mapano ang dalaga,,
"M-Mahal kita,, S-Sir Harry", huling saad nito bago ipinikit ang mga mata,, pakiramdam niya ay may sumuntok sa dibdib niya,,
"s**t!!!, don't close you're eyes Celina!!!", tarantang saad niya pero tuluyan ng hindi dumilat ito kahit anong sigaw niya, bigla naman dumating ang mga medic at may dalang stretcher, hindi niya iniwan ito hanggang sa makapasok sila sa loob ng ambulansya at makarating ng hospital. Susunod pa sana siya sa loob ng operating room pero bigla siyang pinigilan ng isang Nurse,
"Sir hanggang dito lang po tayo,,", nanghihina na sinundan niya lang ito ng tingin,,
"Harry??, oh my god Harry!!!",
Nang mapalingon siya ay mukha ng nag-aalalang si Clara ang bumungad sa kanya kasama nito si Diego,
"Clara!", sinalubong siya ng mahigpit na yakap nito ngunit agad din napansin nito ang duguan niyang braso
"M-May sugat ka!,, " napailing lang siya, hindi niya alintana ito ang mas inaalala niya ang sinapit ng dalaga,,
"Let's treat your wound first,, kailangan matanggal ang bala sa braso mo kung ayaw mong maubusan ng dugo",
Wala siyang nagawa kundi ang sumunod muna dito, walang ibang laman ang isip niya kundi ang dalaga hindi niya alintana ang sakit ng braso niya kailangan niyang bumalik agad sa labas ng operating room para masiguro na ligtas ito.
"Are we done?",
"Tsk, are you in hurry?, nagsisimula palang ako", sagot naman sa kanya ni Diego, napailing nalang siya dito, hindi na talaga siya mapakali.
"Hurry up, kailangan kong balikan si Celina",
"Relax, it took up an hour bago matapos ang operation niya." muli lang siyang napailing dito
"What happened? why you're always in trouble",
"Shut up Diego," sabay irap niyang saad dito, sabay naman silang napatingin sa pagdating ni Clara at tumayo sa harapan nila,, napaiwas lang siya ng tingin dito,,
"Are you two fighting? Kakalabas lang ni Doctor Lee, Celina need a blood donor", agad napaangat ang tingin niya dito, muling umahon ang kaba sa dibdib niya, kailangan niyang kumilos
"Maraming dugo ang nawala sa kanya at-" akmang tatayo siya ng agad siyang pigilan ni Diego, napadaing pa siya ng diinan nito ang sugat niya,
"What's for that? it's hurt!!",
"Just calm down, para kang asong di maihi",
"Ano???",
"Positive AB ang blood type niya, naghahanap na sila ngayon ng blood donor", muling saad nito, napapikit naman siya, type B siya at hindi sila match,
"As if you're the same blood of her", nakangisi pang wika nito, ngayon pa talaga ito nagagawang mang-aasar sa kanya at naiirita na siya
"Why don't you just finished quickly, kasalanan ko kung bakit nabaril si Celina at hindi ko kayang tumunganga lang dito",
"I said relax, masyado talagang mainitin ang ulo pag tumatanda na",
"What? are you referring to yourself?", natawa naman ito sa kanya
"Stop it Diego!," saway dito ni Clara
"Fine, Don't worry, I'll take care of it",
Napangiti naman si Clara na tumingin dito maging sa kanya, sinundan niya lang ito ng tingin ng tumayo ito, tapos naba ito sa panggagamot sa kanya?
"Ako ng magtutuloy nito", biglang saad ni Clara
"Huh?", nagtatakang napatingin siya dito ng maupo ito sa harapan niya at ituloy ang iniwan ni Diego, hinabol niya naman ito ng tingin
"Hey? where are you going??", lumingon naman ito sa kanya
"I'm positive AB, kailangan ni Celina ng dugo ko right??", natigilan naman siya dito at napakurap napangisi lang ito sa kanya at muling tumalikod, saka lang siya nakahinga ng maayos pero hindi parin siya mapapanatag hanggat hindi nasisiguro ang kaligtasan nito
"Everything will be fine, may masakit pa ba sayo?", napailing naman siya
"Thank you Clara", isang matamis na ngiti naman ang binigay nito sa kanya, pinagmasdan niya lang ito habang abala ito sa ginagawa, natanggal na pala kanina ang bala sa braso niya at ito na ang nagpapatuloy sa pagtahi ng sugat niya.
"How did you learn that?", tanong niya matapos nitong tahiin ang sugat niya at nilalagyan na nito ng betadine,
"Diego taught me, Isn't it amazing? ikaw ang una kong pasyente", napangiti nalang siya dito, bakas ang kakaibang kasiyahan sa mga mata nito at natutuwa siyang makita ito na masaya sa piling ni Diego. Unti unti narin bumabalik ang magandang kalusugan nito.
"Yeah, you can be a doctor too", napadaing siya ng bigla siyang hampasin nito
"Aw, I'm sorry.", napangiti lang siya dito,
"Tell me,, do you like her?", may sabik na tanong nito na nagpawala sa ngiti niya, naalala niya ang huling sinabi ng dalaga bago nawalan ng malay,,
"M-Mahal kita,, S-Sir Harry!",
May kung anong humaplos sa puso niya, naghahalong tuwa, takot at pangamba,, hindi siya agad nakareak sa tanong ni Clara sa halip ay malungkot na ngumiti lang siya dito.
"Don't tease me Clara, Celina is so young for me,, she's just like my little sister and my grandma. She's always in trouble, lagi akong pinag-aalala at binibigyan ng sakit sa ulo but at the end -" natigilan siya ng makita ang kakaibang ngiti na sumilay sa labi ni Clara,,
"You deserve to be happy Harry, I remember one time ng kinuwento mo siya sakin, you're always talk about her. I know you, you're not just looking in woman easily. But only Celina gets you're attention",
Hindi lang siya nakaimik dito pero nakuha niya ang punto nito, bukod kay Clara at sa kanyang namayapang lola ay wala ng ibang babae ang naging mahalaga sa kanya. Not until Celina came from no where, na natagpuan pa nila Kuya Bigs sa compartment ng sasakyan nila hindi niya alam kung nilalaro ba siya ng tadhana o ano? Noong una ay nakikita niya lang kay Celina ang pag-aalagang ginagawa sa kanya noon ni Clara pero habang tumatagal napagtanto niya ang pagkakaiba ng dalawa at mas hinahanap na ng presensya niya ang dalaga.
Lalo pa siyang namangha ng mapag-alaman na ito ang isa sa mga client na nangungulit bumili sa portrait niya na naka display sa Arts Gallery, lingid sa kaalaman niya na may pagtingin ito sa kanya pero iniisip niyang masyado pa itong bata para sa nararamdaman para sa kanya. Ayaw niya pang buksan ang puso niya na humihilom palang pero kusa itong nagbukas ng panibagong sugat sa tuwing pinipigilan niya ang sarili na dumistansya sa dalaga. Kahit anong gawin niyang umiwas kusang may humahatak sa sarili niya papunta dito at hindi matiis ng kalooban niya na pabayaan ito.
"I know you're confused,, maiwan muna kita at pupuntahan ko lang si Diego", paalam nito sa kanya matapos gamutin ang sugat niya. Napahinga naman siya ng malalim, the way he acts to Celina at kung pano niya protektahan ito na maging ligtas sa tabi niya, nagugustuhan na nga ba niya ito??,
"She's safe now, inilipat na siya sa private room" agad siyang napatayo ng marinig ang sinabi ni Diego, aalis na sana siya ng muli siyang pigilan nito,
"What it is?",
"Clara got you're things, change you're clothes first bago ka pumunta sa silid ng pasyente tsk", saad nito saka bumalik sa kinauupuan nito, may mga bahid pa ng dugo ang polo niya at wala siyang nagawa kundi sundin ang sinabi nito kahit pa nangangati na ang paa niya na puntahan ang silid ng dalaga.
"Don't worry I feel you",
"Tsk!,",
Ngumisi lang ito sa kanya at humalukipkip sa isang tabi, pagdating ni Clara ay agad iniabot nito sa kanya ang pamalit na damit. Kinuha niya iyon at sandaling pumasok sa C.R,
"He loves that girl but he denies it",
"Shhh! he's confused!"
Narinig niya pang usapan ng dalawa, napailing nalang siya at pinagpatuloy na ang pagpalit ng polo, hindi niya dinedeny yun natatakot lang siya. Natatakot siyang maiwan ulit ng pagmamahal na yun.