Malakas na putok ng baril ang nagpamulat sa kanya kasabay ng pag ahon ng kaba sa dibdib niya,napahinga siya ng malalim ng bumungad sa paningin niya ang puting paligid, ligtas na siya? pilit niyang inalala ang nangyari pero medyo lango pa ang isip at katawan niya. Agad hinanap ng paningin niya ang mga magulang pero wala siyang ibang kasama sa silid, nahagip lang ng tingin niya ang nakabukas na ponkan sa lamesa ito ngayon ang naaamoy niya. Bigla naman bumukas ang pintuan niya, nagalak siya ng magkasunod na pumasok ang kanyang mga magulang. "Celina anak", maluha luha na lumapit sa kanya ang Mommy niya, agad kinuha nito ang isang kamay niya at hinagkan,, "M-Mom,," napaluha narin siya, sobrang saya niya na nandito na ang mga ito ngayon sa tabi niya, lumapit din ang Daddy niya at hinaplos ang

