Maaga siyang pumasok ng opisina kinabukasan, hindi parin maibsan ang kaligayahan na nararamdaman niya ngayong nagbalik na ang binata. Hindi lang iyon pumirma narin ito sa kanya ng lifetime contract. Ayaw na nga sana niyang humiwalay pa dito pero may mga obligasyon pang naghihintay sa kanya gaya ng pagpasok ngayon sa opisina dahil araw araw may deliveries sila. "Ganda ng ngiti natin taba ah?? mamula mula rin ang labi at pisngi, aminin mo nabinyagan yan noh?", kantyaw nito pagkapasok niya ng opisina, "Aga mong mang-asar, inspired ako ngayon pumasok. So how's the delivery? kumpleto na ba ang mga driver's natin?", "Yes, except kay Boss Robert katatapos lang ng operation niya nung nakaraang araw kaya naka leave parin siya as of today", "Goods, makakapagrelax ako ngayon", aniya saka sumandal

