Gabi na ng makarating sila sa Beach Resort, sumalubong agad sa kanila ang malakas na tugtog galing sa Live Band. Marami narin ang mga naroon at puno ng iba't ibang klase ng ilaw ang paligid. Magkahawak parin ang kamay nila ng binata habang papunta sa Venue, "Ngayon ko iaannounce ang resignation ko sa company", biglang wika nito, natigilan naman siya at napatingin dito, "Kailangan mo ba talagang gawin yan? matagal mong hinawakan ang posisyon na yun", naramdaman niya naman ang pagpisil nito sa palad niya saka ito ngumiti, "Mas mahalaga sakin ang makasama ka ngayon Celina, matagal ko ng napagdesisyunan ito", "P-Pero,", natigilan siya ng itapat nito ang isang daliri sa labi niya, "I love you okay??", bigla nag init ang mukha niya at di mapigilan ang mapangiti dito, "And I've love you mor

