Part 1

2064 Words
"Right from the start, I knew I had to make you mine", Kanina pa siya sa loob ng Arts Gallery at matamang tinitingnan ang iba't ibang klase ng paintings at portraits na mga naka display. Naagaw pansin niya ang portrait ng isang lalaki, namamangha na napahakbang siya palapit dito at tinitigan ang nakadrawing. Ang magandang mga mata nito na nakakaakit tingnan, pakiramdam niya tuloy ay nakatitig ito ngayon sa kanya, ang matangos na ilong nito makakapal na kilay at ang labi nito na tila masarap hagkan. Nag init tuloy ang pisngi niya sa kalokohan na naisip, isa lamang itong larawan pero ang lakas ng dating sa kanya. Parang gusto niya iuwi ang larawan nito. Agad siyang nagtungo dun sa counter area at kinausap ang staff na naka bantay. "Hi Miss,, Can I ask a question?", matamis na ngiti niya dun sa babae, napaangat naman ang tingin nito sa kanya at ngumiti "Hello Mam, Yes po??", "Ahm, I would like to buy the portrait", "Yeah sure Mam, ano po ba ang nagustuhan niyo??", Lalo siya napangiti sa sinabi nito, agad naman siyang sinamahan nito sa portrait na tinutukoy niya. "Here, I want to take it", "Oh? yan po ba?? naku Mam sorry hindi po kasama yan sa for sale", "Ah hah?? p-pero bakit??", "For display lang po ang purpose ng portrait Mam, hindi po for sale. Pasensya napo", hinging paumanhin nito, nakaramdam naman siya ng panghihinayang dito saka muling tumingin sa portrait,, gusto niya talaga ito para sa room niya. Gusto niyang matitigan at mapagmasdan ito,, "Can I talk to your manager? baka pumayag siyang ibenta sakin??" "Uhm wala pa ngayon si Mam Grace Mam, pero pwede ko kayo irefer sa kanya", "Talaga??, thank you thank you, kailan ko siya pwede makausap??", "Bigyan ko nalang kayo ng contact number niya Mam, kase kakausapin niya parin ang Artist na nagmamay ari ng portrait", "Ganon ba, no problem,, maghihintay ako", nakangiti niyang saad dito, "Wait lang Mam kunin ko lang po ang calling card ni Mam Grace", "Thanks", aniya, napangiti pa siya ng muling sinulyapan ang portrait ng binata. Gusto niya talaga itong makuha nabibighani siya sa magandang mukha nito at hindi siya mapapakali kung hindi iyon mapapasakanya. "Here po Mam", "Thanks,,sana pumayag ang Artist niyo. I really like that portrait", Isang ngiti lang ang isinagot sa kanya nito bago niya tuluyang nilisan ang Gallery, agad niya namang dinialled ang number nito ngunit nakaka ilang ring na ay hindi parin nasagot. Naisipan niya nalang ito i email pag uwi niya. Bigla naman tumunog ang phone niya,, Taba Calling.. Ang kinakapatid best friend niya na lagi niyang kaagapay sa buhay kalokohan at lahat lahat na. "Yes taba??", "Oi taba san kana?? papasok kaba anong oras na???", wika nito mula sa kabilang linya, napatingin naman siya sa orasan niya, nanlaki pa ang mata niya ng makitang alas dos na. "Oh my god!! nandito pako sa Mall!!!", tarantang saad niya, "Bahala ka nandyan na si Mam, san kaba nag pupunta dimo man lang ako sinama", "Mamaya na okay?? pabalik nakooo!!!", aniya at kumaripas ng takbo. Hindi niya namalayan ang oras kakatitig sa mukha ng magandang nilalang na yun, at tuwing naaalala niya ito ay kinikilig siya sa hindi niya maipaliwanag na dahilan. 30mins siyang late sa subject niya, hinihingal pa siya ng makarating sa kanilang room. "You're late Ms. Galvez", masungit na bungad sa kanya ng Professor nila, "I'm sorry Mam, natraffic po kase ko", "Go Inside", Nakahinga siya ng maluwag at agad ring pumasok sa loob at naupo sa tabi ng kanyang best friend. Okay lang sa kanya mapagalitan, good vibes ata ang dala sa kanya ng portrait na yun tuwing naaalala niya. "San kaba galing taba? bat ngayon ka lang??", bulong na saad nito sa kanya "Dun sa Arts Gallery, meron akong gustong bilhin na portrait kaso hindi raw for sale", "Pano mo mabibili eh hindi nga for sale??", "Duh?? edi pipilitin yung manager at artist na ipagbili nila sakin yun", aniya sabay ngisi at kuha ng notebook niya, buti naman at lecture sila ngayon kahit marami rami na ang page na hahabulin niya "Anong portrait ba yun? bat interesado ka masyado?", "Portrait ng mapapangasawa ko", sagot niya saka napangiti, pakiramdam niya ay kinilig pa siya sa naisip "Gaga, ipasa mo muna mga subjects mo bago ka mag asawa", Inungusan niya lang ito, tamad siyang mag aral at ayaw na niya nga sanang ituloy pa ang kurso pero ito ang tanging hiling sa kanya ng mga magulang ang magtapos. Isang taon nalang din naman ang pagtatyagaan niya at makaka graduate na siya pero pakiramdam niya ay sobrang tagal pa at parang hindi na niya kakayanin. Business Administration ang kinukuha niyang kurso kasama ang kinakapatid, naipapasa niya ang ilang subject sa pangongopya dito ang iba naman ay bagsak dahil ayaw niyang pasukan. Mas gusto niya ang gumala gumimik at magpunta sa iba't ibang lugar kung saan makakapag enjoy siya. Parehas abala rin naman ang kanyang mga magulang sa kanilang negosyo, lahat naman ng naisin niya ay nabibigay ng mga ito at ang tanging hiling lang ng mga ito ay makapagtapos siya ng pag aaral. Hindi naman siya ganon kasamang anak para hindi pagbigyan ang nais ng mga magulang kahit pa sobrang nahihirapan na siyang magpatuloy sa kurso na hindi niya naman gusto. Hanggang natapos ang last subject niya, "Tara taba!! balikan natin yung portrait ko, hindi kase sumasagot yung number na binigay nung staff", aniya matapos malagay sa loob ng kanyang bag ang lahat ng gamit, balak niya ulit balikan at kulitin yung staff sa gallery "Sandali," Agad naman itong humabol sa kanya ng makalabas sila, atat na talaga siya eh "Hinay hinay lang naman taba dika naman maiiwan nun eh", "Ano kaba mamaya may mauna sakin makakuha nun, hindi pwede", "Grabe, eh hindi nga for sale diba??" "Hindi pwedeng hindi", nakangising saad niya at agad sumakay sa loob ng sasakyan. Napasunod lang ito sa kanya. Nang makarating sila sa Art Gallery ay close na ito, laglag ang balikat na napahinto siya sa harapan ng glass door nito. "Ano ba yan, bat ang aga naman nilang nagsara??", "May bukas pa naman Lika na! Libre mo nalang ako dun oh", sabay turo nito sa stall ng Pop Corn "Kaya ka nataba eh", "Coming from you ah?? sige na samahan nalang ulit kita dito bukas at ipakita mo sakin yang kinalolokohan mong portrait", "Osige, baka mahumaling karin dun makipag agawan kapa sakin", "Di kita aagawan alam mo namang may Ram na ko hihi", "Sabi ko nga!", natatawang saad niya, ilang taon narin ang relasyon nito sa boyfriend nitong Engineer, hinihintay nalang nito na makagraduate at may plano ng magpakasal ang dalawa. Masaya siya para sa kaibigan, saksi rin naman siya sa pagmamahalan ng dalawa at suportado niya ang mga ito. Hindi pa niya kase natatagpuan ang lalaking para sa kanya, may mga nagkakainteres sa kanya pero hindi siya interesado.Meron din siyang masugid na manliligaw pero mas lalong hindi siya interesado. Mas naagaw pa ng atensyon niya ang portrait na yun, kahit pa alam niyang isa lamang iyong larawan. Kinabukasan bago siya pumasok ay naisipan niya ulit dumaan ng Arts Gallery, ibang staff na ang nadatnan niya doon. At kahit anong gawin niyang pangungulit at hindi talaga pumayag na bilhin niya ang nais na portrait. Sumagot narin sa email niya ang manager at humingi ito ng pasensya dahil mismong ang may ari ng portrait ay hindi talaga ito pinagbibili. "Bakit pa nilagay dun kung di rin naman pala for sale", nakaungos niyang saad ng makalabas ng Gallery, "Hayaan mo na, baka may nag mamay-ari na ng portrait na yun", "Huh? tingin mo totoong tao yung mukha ng portrait na yun??" "Mukhang tao naman yun taba ano kaba haha", "Hindi kase! malay mo imagination lang yun ng Artist. Masyadong perfect ang mukha at may posibilidad ko kaya siyang makita personal??", nagniningning ang mata na wika niya "Nag iimagine kana naman dyan eh, baka model yun sa ibang bansa o kaya character ng ano ba yun". "Hays! inis naman. 300k na offer ko ayaw padin", nanlaki naman ang mata nito sa sinabi niya "300k? ok ka lang??", "Alam mo naman pag gusto ko hindi ako mapakali, pano naa", nagmamaktol niyang saad, wala na siyang maisip na ibang gawin para makuha ang portrait na yun "Sana ok kapa taba lakas din ng tama mo sa portrait na yun", "Ang ganda kaya, nakakainlove tingnan. Magkaron man lang ako ng inspirasyon mabuhay", "Ang pucha nagdrama pa, sagutin mo na kaya yung manliligaw mo para magkaron ka ng inspirasyon", Inikot niya ang mata sa sinabi nito ng maalala ang manliligaw na si Angelo, kinakapatid niya rin ito sa kumare ng Mama niya at mula ng high school sila ay nagpaparamdam na ito sa kanya pero hindi niya lang pinapansin. "Duh, gusto ko nalang mag drop out sa pangungulit ng isang yun. Sabihin mo nga sa kanya na wag ng mapunta ng room", bugnot na saad niya, napahagikhik naman ito sa tawa, madalas kase siyang inaabangan ng binata sa klase at kahit ilang beses niyang sabihin dito na hanggang kaibigan lang ang mabibigay niya ay masyadong makulit at mapilit parin ito. Anim na taon na itong nangungulit ng panliligaw sa kanya maging ang mga magulang nito ay nakikiligaw narin kaya minsan ay naaasiwa siya. Wala naman siyang magawa dahil magkasosyo sa negosyo ang kanilang mga magulang. "Anong magagawa ko, baliw sayo yung tao", "Pwede ba, may iba na kong nagugustuhan", nakangiting saad niya ng muling maalala ang portrait ng lalaki "Nababaliw kana rin, magkagusto ba sa portrait ng lalaking hindi mo alam kung tao ba o ano", "Ikaw nagsabi kanina na tao yun" "Mukhang tao, pero hindi mo sure kung totoong tao talaga yun", giit pa nito "So pano kung totoong tao nga yun?" "Well goodluck sayo," "I will make him mine", nangingising wika niya, "Nag aalala nako sayo taba, sabihin mo lang kung kaya mo pa ah??", "Baliw ka!! eh kase naman!! ay wait", natigilang aaad niya "Ano na namang kabaliwan yan?", "Tara balik baka magsara pa ulit yun!!!", sabay hila niya dun sa braso ng kaibigan, dali dali silang bumalik sa loob ng Arts Gallery. Pagdating sa loob ay pasimple siyang bumalik sa kinaroroonan ng portrait. Tiningnan niya pa ang mga tao sa paligid, abala pa ang mga ito sa kakatingin sa ibang mga display na paintings. "Ano bang gagawin mo bakit pa tayo bumalik dito?," saad ng kaibigan niya, "Sshh,wag kang maingay!!", aniya habang pasimpleng nilalabas sa bag ang kanyang digi cam "Huy!! bawal yan dito. Baka makita tayo at mapagalitan, bawal kumuha ng picture sa mga nandito", "Sshh!!!", Muling suway niya, inoperate na niya ang hawak na digi cam, magaling siyang kumuha ng anggulo kaya naman inayos niya ang pagkuha ng picture sa portrait ng kinababaliwan niyang lalaki. Kung hindi rin naman sa kanya ipagbibili ito edi kukuha nalang siya ng copy mula dito. Nakailang pindot siya saka agad na itinago ang digi cam sa bag. "Let's go!!!", nakangiting saad niya sa kaibigan saka hinila ang braso nito palabas ng Gallery, may pagtataka man sa mukha ng staff habang nakatingin sa kanila ay hindi na niya pinansin. "Wag lang tayo mahuli kundi baka makasuhan pa tayo sa ginawa mo", kinakabahang saad nito habang papalayo sila, tiningnan niya naman maigi ang nakuha niyang litrato. "Hindi naman siguro wag ka lang praning dyan", "Oh ano ng plano mo??", "Ipapalaminate toh saka ko ididisplay sa room ko, tara dun!!", "Hay kabaliwan mo talaga Celina, pasalamat ka kaibigan kita", "Wag kana magreklamo, maglalagay din ako neto sa wallet ko at i.d para tantanan narin ako ni Angelo sasabihin ko na may boyfriend na ko", "Hala siya???", "Hindi pala boyfriend kundi Asawa na hahahha", "Huy baliw ka! pagnasaan ba ang portrait na yan??" "Ah basta!", saad niya nalang dito, nagtungo sila sa printing area at pinaprint niya ng ilang piraso ang nakuhang larawan. Bumili pa siya ng malaking frame para dun mailagay. Sobrang saya at galak niya matapos maibigay sa kanya ang larawan na nakalagay na ngayon sa frame. Hindi niya alam kung bat ganon nalang siya kahumaling sa larawan nito, pero gustong gusto niya talaga ito at inilagay niya sa side table ng kama niya, wala siyang pakialam kung totoong tao man ito o hindi basta ay humahanga siya dito. Napapangiti siya nito tuwing makikita niya ang larawan siguro tama ang kaibigan niya. Nababaliw na siya para magkagusto sa isang larawan na hindi niya alam kung sino at ano.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD