"Bye taba, bukas nalang ulit", aniya sa kinakapatid ng matigil sasakyan nito sa harap ng malaking gate nila,
"Bye, mukang may bisita kayo",
"Huh?", napatingin naman siya sa nakaawang nilang gate na kakabukas lang ng guard,
"Nandyan ata ang masugid mong manliligaw", sabay ngisi pa nito,
"Ays! naman,, dapat pala hindi muna ko sayo nagpahatid",
"Ano kaba! kailangan mo pang magreview dahil may exam tayo bukas kaya hinatid kita ng maaga",
"Pano naman ako mag rereview kung nariyan sila?? ays!! senyo nalang kaya muna ko??", aniya dito,
"Sorry taba, kala Ram ako tutuloy ngayon lam mo na??",
"Ays! malas naman, ge enjoy kayo. Wag niyo kalimutan gumamit ng proteksyon ah", aniya, nanlaki naman ang mata nito saka natawa
"Sira ka talaga! Next time okay?? sige na naghihintay na si kuyang guard. Magmukmok ka nalang sa kwarto kung ayaw mo silang labasin ok??",
"Ok. Bye ingats", aniya ulit saka humalik sa pisngi nito bago bumaba ng sasakyan, hinintay niya lang na makaalis ito bago humakbang papasok ng gate.
"Hi Mam Celina, nariyan po ang pamilya ni Sir Angelo", nakangiting salubong sa kanya ni Kuya Jose, napailing nalang siya at pilit na ngumiti dito.
Mukhang napapadalas ang pagpunta ng pamilya nito sa kanila at hindi niya gusto ang nararamdaman, maging ang mga magulang niya ata ay nililigawan narin ng binata. Pagpasok niya sa loob ay nadatnan niya na masayang nag uusap ang Mommy niya at ang kanyang Ninang Cely.
"Oh, nariyan na pala si Celina", nakangiting wika nito ng makita siya, nang makalapit siya sa mga ito ay agad siyang nagmano bago humalik sa pisngi ng kanyang Mommy,
"Hi, Mom",
"Hello Baby, how's school?? susunduin ka sana ni Angelo pero sumabay kana raw pala kay Ara",
"Uhm, yeah kay Ara nako sumabay, akyat na muna ko Mi??",
"Magpalit kana ng damit at sabay sabay tayong maghahapunan, patapos narin naman mag usap ang Daddy mo at Ninong Henry",
Tumango nalang siya dito saka ngumiti sulyap sa ginang na nakamasid lang sa kanya, wala naman siyang ibang masabi dito dahil mabuti ang pakikitungo nito sa kanya maging sa pamilya nila at lingid sa kaalaman niya ang kagustuhan nito na magkatuluyan sila ng binata. Matagal naring umamin ng pag ibig sa kanya ito ngunit dinedma niya lang dahil hanggang kaibigan lang ang mabibigay niya dito. Pero ilang taon ang lumipas hanggang sa mag college nalang sila ay hindi parin ito sumusuko sa kanya hanggang sa dumating sa punto na naiirita na siya dito at nagagawa na niyang iwasan ito.
Papanhik na siya sa hagdan paakyat ng kanyang kwarto ng makasalubong niya pa ito. Agad itong napangiti ng makita siya,
"Hi?? dumating kana pala,?? inabangan kita kanina sa school pero sumabay kana raw kay Ara",
Tinanguan niya lang ito at hindi na sinagot kahit mukhang naghihintay ito ng sasabihin niya, kumilos lang siya at nagdiretso hakbang paakyat ng hagdan, hindi niya alam pero bigla bumigat ang pakiramdam niya. Tama nga siguro ang kaibigan, magmumukmok nalang siya sa kanyang kwarto. Hindi na niya nilingon pa ito at dali dali na siyang nagtungo sa kanyang kwarto at nilocked ang pinto.
Tiyak pag uusapan na naman ng mga ito ang tungkol sa negosyo, parehas silang nag iisang anak ng binata at nais ng mga magulang nila ay maging isa ang kanilang pamilya. Napabuga nalang siya ng hangin, hindi siya susunod sa nais ng mga ito kahit ano pang pamimilit ang gawin nila. Agad na siya nagpalit ng damit at sumampa sa kama bitbit ang laptop niya. Inilipat niya agad ang nakuha niyang larawan at ginawang background sa laptop niya.
Medyo gumaan pa ang pakiramdam niya ng muling masilayan ang larawan sa portrait,
"Ays! san kaya kita matatagpuan?? sana totoo kana lang", aniya habang minamasdan ang mukha nito sa screen ng laptop niya, ilang sandali nagitla pa siga sa biglang pagkatok sa pinto niya,
"Anak?? Dinner's ready, halika na",
Boses ng Mommy niya mula sa labas, nag alangan tuloy siya na buksan ito, ayaw niyang sumabay at makaharap ang mga ito sa hapag kainan, pero kung gagawin niya yun ay lalabas na bastos siya. Muli naman ang pagkatok nito kaya napatayo na siya at pinagbuksan ito.
"Mi,,"
"Bumaba na tayo, nagluto ako ng favorite niyo ni Angelo na Caldereta",
"Mi busog pa ko, kailangan ko pang magreview para sa exam ko bukas",
"Anak, ilang beses ko ng napapansin tuwing nariyan ang pamilya ni Angelo ay hindi ka lumalabas ng kwarto. Nakakahiya sa kanila Anak",
"Mi??? hindi ko naman kailangan humarap sa kanila diba?", aniya, pumasok lang ito sa loob ng silid niya at marahang sinara ang pinto.
"Anak, after ng graduation niyo ni Angelo, kayo na ang magpapatuloy ng business natin. Balak narin ng pamilya nila na mamanhikan at matuloy ang kasal niyo",
"Whaaatt?????",
"Yes anak, Angelo will take care of you. Siya ang gusto ko na mapangasawa mo in near future. Bukod sa maaalagaan ka niya may tiwala ako na maipagpapatuloy niya rin ang paghawak sa negosyo natin",
"Ano bang pinagsasabi niyo Mi?? hindi ako papakasal kay Angelo!!, at bakit pinangungunahan niyo ko??", nang gigilaiti na saad niya dito,
"I'm you're Mom, Celina and I know what's best and good for you",
"No Mom,, hindi ako papayag", mariin niyang saad, hiling niya na sana ay hindi ito seryoso
"Celina!!, from the start alam kong hindi mo kakayanin ihandle ang business namin ng Dad mo. Only Angelo can take care of it, at pag mag asawa na kayo wala na kaming aalalahanin pa",
"Then give it to him!! pero hindi niyo ko mapipilit na ipakasal sa kanya", aniya kasabay ng nagbabantang pagbagsak ng mga luha niya, napamaang naman ito sakanya sabay pa silang napalingon sa biglang pagbukas ng pinto niya,
"What's happening here?? naghihintay na sa baba ang mga bisita", wika ng Ama niya habang salitan ang tingin sa kanilang mag ina. Agad niya naman pinunasan ang luha sa pisngi.
"Kausapin mo yang Anak mo, nakakahiya sa ating mga bisita masyadong matigas ang ulo", saad ng Mommy niya bago sila tinalikuran, napaluha nalang ulit siya at napakuyom ng palad,, minsan hindi niya maintindihan ang gusto ng kanyang Ina at kung ano ba ang mas mahalaga dito, ang damdamin niya o ang negosyo nito.
"Celina Anak??",
"What Dad? pipilitin mo rin ba ako sa gusto ni Mom??",
Natigilan naman ito saka tumingin sa kanya,
"let's talk about that later,, bumaba na tayo at kumain",
"No Dad, ayoko bumaba",
"Celina???",
"Ayokong ipakasal niyo ko kay Angelo Dad!! hindi ko siya mahal!! please wag ka naman pumayag",
"I will not let that happen, just trust me okay?? I'll talk to your Mom, you have nothing to worry about", mahinahong saad nito, nakahinga naman siya ng maluwag buong akala niya ay maging ito ay kagaya ng iniisip ng Ina,
"Talaga Dad???",
"Of course, I don't want to see you cry honey,, ngayon pa nga lang na hindi pa kayo kinakasal umiiyak kana what more kung kasal na kayo",
Lalo siyang napaiyak sa sinabi nito kaya agad siyang yumakap sa kanyang Ama, doon niya inilabas ang sama ng loob. Hindi na siya mag aalala pa, pero hindi parin dapat siya magpakampante.Pero oras man na mangyari yun buo ang loob niyang aalis at lalayo sa mga ito.
"Thank you Dad, please wag kayong papayag sa gusto ni Mom please",
"Then prove it to Mom that you are capable to handle our business,, I know you can do it Honey I trust you",
Hindi siya agad nakaimik at nanatili lang na nakayakap sa Ama, ano pa ba ang kailangan niyang patunayan?? sa mga subjects pa nga lang niya sa school ay nasusuka na siya dito pa kaya sa paghawak ng business nila.
"Yeah Dad, I'm sorry",
"You don't have to be sorry Honey,,", nakangiting saad lang nito saka inayos ang buhok niya, maswerte siya at may Ama na kagaya nito na naiintindihan siya sa kabila ng lahat. Labag man sa loob ay agad niyang inayos ang sarili at sumabay sa kanyang Ama na bumaba papuntang kusina. Matamis naman ang ngiti na sinalubong sila ng mag-anak lalo na ang binata na hindi inaalis ang tingin sa kanya. Nanatili siyang tahimik hanggang sa makaupo siya katabi ang binata, mukhang sinadya pa ng mga ito na pagtabihin ang upuan nila, kaonte lang ang kinuha niyang kanin at ulam para mabilis siyang makatapos pero nagulat pa siya ng dagdagan nito ang kanin niya sa plato
"Masyadong konte ang kinakain mo,here",wika. ito saka dinagdagan ng kanin ang plato niya, gustong gusto na niyang samaan ng tingin ito pero hindi niya magawa dahil nasa harap nila ang mga magulang, hindi niya nalang ito pinansin at pinagpatuloy lang ang pagkuha ng ulam.
"Malapit na ang finals, nakapagreview ka naba? magkakaron kami ng group studies sa bahay baka gusto mong sumama?" saad na naman nito,
"That's great! sumama ka anak para matulungan ka ni Angelo sa mga reviewers mo", singit naman ng Mommy niya,,
"Kasama ko si Ara mag review",
"Pwede rin naman kayo sumama ni Ara sakanila, right Angelo??" -Mom niya ulit,
"Yes tita, same prof lang naman po kami",
"And safe naman sa bahay hija, mapaghahandaan ko kayo ng mga kakailanganin niyo", nakangiti namang wika pa ng Ina nito, gusto ng tumaas ng kilay niya so pursigido talaga ang mga ito na magkalapit sila
"Thanks, but no thanks.. May usapan na kami ni Ara eh,,", aniya saka itinuon ang tingin sa pagkain, nagkatinginan lang ang mga ito at hindi na sumagot pa, nabago naman agad ang topic ng mga ito kaya pinagpatuloy na niya ang mabilis na pagkain para makaalis na sa harapan ng mga ito.
"Malapit lapit na kayong grumaduate hija, and soon you will be part of our family kaya pag may kailangan ka wag kang mahihiya na lumapit samin ng Ninang mo", maya maya'y saad pa ng Ninong Henry niya, ngumiti lang siya dito bilang sagot.
"Excited na ako para sa future ng mga bata, I can't wait na makita silang magkasamang haharap ng altar",
Sandali naman siyang natigilan sa narinig, seryoso na ba ang mga ito?? nang sulyapan niya ang binata ay kampante lang itong nakaupo at tila natutuwa pa sa naririnig. Tila siguradong sigurado na ito sa mangyayari kaya pakiramdam niya ay nauubusan na siya ng dugo sa mukha, gustuhin man niyang rumeak ay hindi niya magawa, ayaw niyang maging bastos sa harap ng mga ito.
"Mom??? masyado kayong advance mag isip,, susuportahan ko pa si Celina sa mga pangarap niya after graduation bago ang kasal na sinasabi niyo", sagot naman ng binata kaya napaangat ang tingin niya dito, ibig sabihin ay may alam din ito sa plano ng kanilang mga magulang.
"Sa kasalan din naman ang tuloy niyo mga anak so bakit kailangan pa nating patagalin, siguro kumare after graduation pwede na natin ganapin ang engagement party ng dalawa", muling saad nito
"Well wala namang problema sakin mare kung papayag na ang mga bata",
"Masyado pang maaga para pag usapan ang bagay na yan, I know Celina had plans after her graduaton, right Celina?,", wika ng Daddy niya, napatingin lang siya dito, ang totoo niyan ay wala siyang kahit ano na plano pero tumango na lang siya bilang pag sang ayon matigil lang ang pag-uusap ng mga ito tungkol sa kasal kasal na yan.
"Y-Yes Dad"
"Whatever youre plans, I will support you Celina", narinig niya namang saad ng binata, walang emosyon na sinulyapan niya lang ito, naaawa na siya sa ginagawang pagpapakamartir nito para sa kanya pero hindi na niya alam ang gagawin para ipaunawa dito ang nararamdaman niya. Hindi niya kayang suklian ang pagmamahal na pinapakita nito at kung desidido man ang mga ito sa planong pagpapakasal sa kanilang dalawa ay mas gugustuhin niya nalang ang maglaho.
"Busog na po ako, magrereview nako sa taas Mom Dad,, please excuse me Ninang, Ninong", paalam niya sa mga ito, hindi na niya hinintay ang sagot ng mga ito at nag martsa na siya paakyat ng hagdan. Tuluyan na siyang nawalan ng gana,
"Celina",
Narinig niya pang habol n binata pero nagpatuloy lang siya sa paglakad, ayaw niyang makaharap ito
"Celina wait",
"What??"
"I'm sorry kung nabigla ka kanina sa mga sinabi ni Mom",
"Alam ko namang nagbibiro lang ang Ninang",
"No Celina, hindi yun biro",
"Then what?? papayag karin sa gusto nila na ipakasal tayo?" may pagkairita na sa tinig niyang saad
"Yeah, alam mong wala akong ibang pangarap kundi ang maging asawa ka, pero kung ayaw mo munang magpakasal tayo gaya ng sinabi ko kanina-"
"No Angelo, hindi ako magpapakasal sayo. I'm sorry. wala pa kong plano after graduation at wala rin sa plano ko na sundin ang gusto niyong mangyare. Will you please leave me alone??", mahinahong saad niya bago tumalikod dito
"Handa naman akong hintayin ka Celina, maghihintay ako",
Narinig niya pang saad nito, napabuntong hininga nalang siya at nagmadaling pumanhik ng hagdan papasok ng kaanyang kwarto. Para narin itong naghintay ng pag ulan ng snow sa pinas kung maghihintay ito sa kanya. Ilang taon na ba itong naghihintay sa kanya? six years simula nung high school sila, pero kahit anong gawin na panunuyo nito ay walang nagbago sa nararamdaman niya.
Mabait naman sana ang binata, ginagawa nito ang lahat para sa kanya pero hindi niya alam sa sarili kung bakit hindi niya magawang suklian ang pagmamahal nito. Sa ginagawang pangungulit nito maging ang mga magulang nito ay lalo siyang nakaramdam ng pagka asiwa dito. Kung sana kaya niya lang turuan ang sarili na mahalin rin ito pero hindi niya magawa, hanggang kaibigan lang ang maibibigay niya para dito.