Chapter 18

2122 Words
"Teh?" pangalawang tawag na yata ni Roca kay Leyla pero hanggang ngayon ay tulala pa rin ito sa kinauupuan niya. Kasalukuyan silang umiinom ng kape sa may pantry habang hindi pa nagsisimula ang shift nila. Mabuti nalang at pareho silang dalawa na maagang pumasok ngayong umaga. Roca checked the time on her wrist watch, "Baklang to, twenty minutes ka ng tulala. Thirty minutes nalang magsisimula na 'yong office hours hoy!" "Oh- have been talking? I forgot what we were talking about, I was caught up about this random thought," she answered before taking a sip of her latte. "Huh? Why is this cold?" Napa- irap si Roca dahil sa reklamo niya, "Loka ka girl, malamang naman malamig na 'yan! Kanina mo pa kaya ako hindi pinapansin dito, pati 'yang kape mo naramdaman na 'yong lamig ng usapan natin! Astig 'no?" "Ah- yeah," malamya niyang sagot. Halata na walang ganang makisakay sa kaibigan. "Bakit ba kasi sabaw ka girl? Anong nangyari?" "Nangyari? Walang nangyari... wala naman," she sighed. "Bakit ka gan'yan kung makapag- react naman? Para ka kasing nagising na may putok bigla, kala mo malapit na masira 'yong mundo sa feels mo eh." Instead of answering, Leyla quietly covered her face which messed up her hair a bit. Halos mahulog na sa lalim ng buntong hininga niya si Roca. "Girl, naloloka na ako sa' yo, tungkol ba to kagabi?" As if flipping a switch in her brain, a muffled scream escaped her covered lips. Paulit- ulit pa niyang parang hinihila ang sariling buhok dahil sa panggigigil. Parang may napakalaking kasalanan siyang nagawa at wala na siyang ibang paraan para matakasan ito. "Kahit yata isangla ko pa sa demonyo ang buhay ko, hindi pa rin ako makakaligtas sa araw na 'to," she whispered while still in that position. Kaya naman ibang mga salita na naman ang nakarating sa kaibigan niya na nagsimula na namang mamilog ang maliwanag na mga mata. Kitang- kita sa mga tingin at ngiti ni Roca na unti- unti na naman niyang nabubuo ang isang makulay na istorya, kung hindi niya man ito makompirma, wala siyang pakialam. Mas gusto niya pa na maniwala sa napakagandang love story na nabuo na niya kaysa ang mabusising itama ang bawat imahinasyon niya. Sa ngayon sa mataba niyang utak, si Leyla ang bidang babae sa isang nakakakilig na istorya. At ang matipunong boss nila na si Rui ang kapareha nito. Kaya naman isang tili ang mabilis na kumawala mula sa kan' ya. "Oh my God! Sinangla mo sa demonyo ang buhay mo kagabi?" she squealed. Hindi nawala ang parang kinikiliti niyang tawa. "Hindi ka makaka- survive sa araw na 'to kasi nahihiya ka kay Sir Rui? Shocks, ang wild mo naman yata? Anong ginawa mo teh? Sunggab na sunggab ba?" Bago pa makasagot ang babae na masama ang tingin sa kan' ya, nagpatuloy na naman ang walang tigil niyang bunganga sa pag- atake. "Sabagay girl, kung ako naman ang mabiyayaan ng mga may kapangyarihan ng ganoon na chance, siguro ibibigay ko na rin lahat! Butot- balat, lahat na! Kaluluwa rin ba?... Sige push! Nako teh, walang mali sa ginawa mo. Mali siguro kung wala kang ginawa-" "Roca, please ano na naman ba ang iniisip mo at gan' yang mga salita na naman ang naririnig ko? Parang dudugo na ang tainga ko sa mga 'yan, hindi ganoon ang sinabi ko okay? 'Wag mong ibahin ang tumatatak sa isip mo!" Even if she sounded so tough while keeping Roca's thoughts out of the gutter, she couldn't stop her own cheeks from betraying her. Sapat na ang pamumula ng mga ito para magpatuloy si Roca sa pagtili. May kasabay pa nga na pagtusok -tusok sa may tagiliran niya. Parang dalawang high school students na busy sa paghaharutan habang pinag- uusapan ang guwapo nilang crush. "Eh namumula ka naman! Kahit na nag-de- deny ka, parang tumatama ako, kitang -kita kaya teh! Nahihiya ka sa mga sinasabi ko kasi tugma sa nangyari ano? Umamin ka na nga, hindi ko naman ipagsasabi eh. Gusto ko lang na magkaroon ng next chapter 'tong fanfic sa utak ko!" Bahagyang hampas sa balikat lang ang natanggap ni Roca habang pinanlalakihan siya ng mata ng dalaga. Hindi namalayan ng kaibigan niya ang isang presensya sa likuran nito. Isang babae na masama ang tingin sa dalawa habang nakikinig nang patago. "Bakit may paghampas teh? Anong meron? Nand' yan ba siya Bossing?" tanong ni Roca. Dito pa lang siya nakalingon sa direksyon na tinitignan ng kaibigan. "Luh, bakit gano'n Leyla? " pilya niyang sabi, sinigurado niya na malakas ang boses niya para makaabot kay Shiela na halos sunugin na ang mga kilay nila. "Hmm?" "Bakit kaya may mga tao na pasimpleng nakikinig sa usapan ng may usapan 'no? Nakakahiya! Tapos alam mo ba, tatayo lang naman sila, edi dapat diba diretso, nakatayo!" nakangisi niyang binatuhan ng tingin si Shiela bago lumingon muli sa kaharap na si Leyla. "Pero parang boxingero! Tignan mo tumatalbog- talbog siya ng dahan- dahan. Abangan mo lang, mga every after ten seconds, tatalbog siya para kunwari tatalbog 'yong mga medyas sa bra niya tapos konting pa- yummy lang ng kaunti." Hindi nakatiis ang babae na pinariringgan niya at kusa na itong lumapit sa table ng dalawa. Gigil niyang hinatak si Roca sa balikat para biglain na iharap sa mukha niyang halos hindi na makagalaw dahil sa makapal na patong ng make up. "Aray! Bakit ka nanghahatak? Close ba tayo? Kaloka ha!" "Take that back!" "Alin? Shunga ka ba? Hindi ka naman kinakausap tapos bigla ka nalang susulpot sa usapan naming dalawa? Ganoon ka na ba ka- bored talaga?" halos maibuga ni Leyla ang iniinom na kape dahil sa nakakatawang linyahan ng kaibigan. Bihira talaga ang talento nitong makasagot sa lahat ng ibato sa kan'ya. Walang kahit sino na makakatalo sa babaeng ito kung sa asaran lang talaga ang labanan. "We both knows that you're speaking to me!" "Shunga, 'We both know' kasi 'yon. Tsaka anong speaking to me? Eh hindi nga kita kinakausap tsaka ang layo mo! Feeling mo talaga lahat nalang nakasentro sa' yo. Hay, hirap!" Inis na tinapatan ni Shiela ang natatawang babae sa tabi nila, "Ano na naman ang tinatawa mo d'yan! Hindi ka ba nahihiya na nandito ka pa rin? Nakaka- inis ka na. Akala mo talaga hindi ko alam lahat ng panglalandi na ginagawa mo?!" Leyla's jaw opened up because of how shocked she is from what she just heard. "You might want to lay low on those strong accusations, not saying that I'm going to act upon it, but I would just want to give you a fair warning." It was Roca' s turn to laugh out loud, "Oh ano Shiela? Kaya mo ba 'yon? Pustahan, hindi mo na- gets kasi pure english!" "Oh, did she not?" Leyla confusedly asked with pure innocence. Minamata niya si Shiela na hindi makapaniwala sa pambabara na natatanggap, "Poor Shiela, did you not really understand any of that?" "Ang kakapal," she scoffed. "Talagang hindi na kayo nahihiya? Walang galang! Baka iyakan nin'yo ako kapag napalayas na kayo sa kumpanya!" Nawala bigla ang emosyon sa mukha ni Roca at ganoon din si Leyla. Dahan- dahan na napangiti ang ambisyosyang si Shiela habang pinapanood ang dalawa. Pero nasira ang lahat nang biglaan silang tumawa. "Shiela, kung gusto mo kaming takutin ng gan'yan kalala, sana naman bigyan mo kami ng proof para naman may kaunting kaba," Roca said. "I don't understand why you keep playing this weird made up role of a superior. Is this your way of deflecting how unnecessary and how weak you are? This is a bit sad don't you think?" "Oh sh*t, binabara ka ni ate mo girl ng English! Hindi mo kinakaya 'no? Tsaka ka nalang kasi maging matapang kay Leyla kapag may ipagyayabang ka na. Hindi mo pa siya keri!" "Bakit nin'yo ako pinagtutulungan? Pagkatapos niyo akong siraan?" "Luh? Leyla, siniraan ba natin siya?" Leyla shrugged, "No, I don't think so. Don't you worry Roca, gan'yan talaga kung minsana ng pattern ng iba, pagktapos na matalo sa sariling laban na sinimulan niya, biglang babaliktad ang lahat para siya naman ang maging kawawa. They tend to convince themselves that they are the ones who are being hurt, they the pathetic ones," Leyla explained in a very calm but clear way. Dahil sa pananalita niya, mas lalong nabilib sa kan'ya itong fangirl niya. "Shocks, girl baka ma- in love na ako sa'yo! Bet na bet ko 'yang pagsasalita mo, kaya tayo mabilis na nagkasundo eh!" "Mr. Rui will hear all about this," pagbabanta ni Shiela. "Bakit hindi ako natatakot?" Roca asked in a low voice. "You want me to help you talk to him?" Leyla suggested with a very sweet smile. Halata na ginagamit na naman niya ito para mas maasar pa ang babae. Roca can clearly tell, kahit na mabait si Leyla, hindi siya uurong kapag nahaharap siya sa isang labanan. "Alam mo ikaw bad ka," Roca whispered to her. " Gagamitin mo pa 'yang ganda mo para mas lalo siyang matalo, kawawa naman 'yong tao." Shiela slammed the table so hard. It made Leyla's mug tip over and spilled all over her white long sleeves. "Oh gosh!" Roca exclaimed. Her reflexes made her push the threat away making Shiela almost trip over the chair on the next table but she sat on it in a rush instead. On the other hand, Leyla calmly reached for the napkins to pat herself dry. She sighed at the sight of her beautiful white blouse being stained with the biggest coffee stain that she saw in her whole life. "Now I smell like a walking cafe," she joked. "Gaano ka ba kakulang sa atensyon Shiela? Ang lakas din talaga ng amats mo eh no?" Roca was about to fight for her but her quick hands gripped Roca by the wrist. "Roca, don't even waste your energy on her. Sayang lang ang effort mo. Puwede mo ba akong tulungan nalang?" she whispered. Doon lang napagtanto ni Roca kung ano ang ibig sabihin ni Leyla. She's slouching trying to take cover on the table. Dahil sa ngayon ang puti niyang damit ay naging malinaw. Hindi niya nagugustuhan ang tingin sa kan'ya ng mga katrabaho sa 'di kalayuan. Mayroon pa siyang nakita na lalaking parang kinukunan siya ng larawan. "Anong ginagawa nin'yo?" someone loudly asked from the distance, it was Keith. Namumukhaan siya ni Leyla, 'yong lalaki na nag- alok sa kan'ya ng kape pagkatapos siyang ulanin ng mga kape. Someone she's not very comfortable with. Leyla could already sense it, he's trying to act as the hero of the entire situation. But his lip biting and nonstop hair flips screams narcissistic. Hindi pa ito nakuntento, kumindat pa talaga siya noong nadapuan siya ng tingin ni Leyla. "Roca please, pinagtitinginan na tayo rito. I need to somehow change before the start of our shift." "Ano? Ngauon nahihiya ka na?" Shiela laughed. Pinilit niya na hilahin ang kamay ni Leyla para mas lalong makita ng mga kasamahan nila ang itinatago niya. "Let go of me while I'm still asking nicely," Leyla whispered. "Awww, poor baby. Now you're asking nicely huh?" "Tumigil ka na Shiela, mukha kang baliw sa pinaggagawa mo!" sigaw ni Roca. Pero mas lalong natuwa si Shiela dahil nakukuha na niya ang gusto niyang expression sa kanila. "Let her go." A very deep authoritative voice ordered. It was Rui. His eyebrows are raised. Doon pa lang alam na ni Leyla na hindi magiging madali buong araw niya. "Aray Leyla! Ouch! Let me go!" gulat na napalingon si Leyla sa biglaang pag- arte ni Shiela. Nagpapaawa siya sa harapan ng Boss nila. Rui rushed to stand beside Shiela and she loved every second of it. Kaunti pa siyang napapasandal papalapit dito. "Don't you dare move," banta niya. Shiela automatically froze. "Sir, Leyla has been harassing me-" "Shut up or pack your things." Nanghina ang tuhod ni Shiela sa narinig niya, kaagad na hinarap ng galit na lalaki si Leyla. "What are you doing staying here? Go to my office!" gigil na sabi ni Rui. Pero hindi nakasagot si Leyla, sa halip ay yumuko siya para isenyas ang kan'yang damit. Hindi na nagsalita si Rui, he just immediately took off his coat and made Leyla wear it himself. "Wear it," malumanay na bulong ni Rui. But Leyla was stunned, she failed to move. "Come on, here..." he picked up her hand to make her wear it which gained a couple of gasps from the people. "What time is it?" parinig ni Rui. Kaagad na nagsitakbuhan ang mga nanonood papunta sa mga station nila. "Sir, ako na po, thank you," sinubukan niyang pigilan ang lalaki. "Can you just obey me silently for once? Come you can clean up on my office. I have extra clothes there."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD