Chapter 14

1859 Words
"Nakita mo ba 'yon bakla? Grabe kung maka- irap sa' yo yung model na 'yon! Siguro mortal na kalaban mo 'yon mula no'ng past life n'yo. Kasi naman, na- intimidate yata siya sa beauty mo. Hindi niya kinaya 'yong powers mo, palibhasa kasi hindi niya ma- take na may epekto ka kay Bossing, pero siya hindi man lang tinitignan kahit sandali- Leyla, hoy! Bakit nakatulala ka lang d'yan? Kanina pa kita kinakausap," Roca said, slightly shaking Leyla who is sitting beside her during their lunch time. "Oh, you're talking to me? Oh... that's why," parang naliwanagan na sagot ni Leyla. "Ha? Bakit? Sino pa ba ang kausap ko?" "That's what I've been thinking of, kasi akala ko may tinawag ka na iba tapos kinakausap mo at hindi ko makita." "Teh okay ka lang?" "You said, Bakla, I thought you are talking to someone else-" "Ikaw 'yon!" Kumunot ang noo ni Leyla dahil sa sagot sa kan'ya ni Roca. Hindi naman makapaniwala ang babae dahil sa pagkakaintindi ni Leyla sa kan'ya. Ang malaking pink bow headband niya ay tumatalbog- talbog habang umiiling. "Although being gay sounds fun, unfortunately, I am not," Leyla innocently said. Mukhang hindi niya talaga nakukuha kung minsan ang pananalita ng bagong kaibigan. Hindi siya sanay sa kung ano ang mga ibig sabihin ng ilan sa mga sinasabi niya, kaya sa huli... natutulala nalang siya. "Seryoso ka ba? Hindi mo pa narinig 'yon? Kunwari sa mga kaibigan mo, tatawagin ka nilang Bakla, Beks, gano'n?" "Uhm, no... never. They call me Ayasya." "Ayasya? Ano 'yon?" "My second name... Leyla Ayasya-" "Ay shet, ang bait talaga ni Lord. Kahit pala gan' yan na dyosa level ka na, slow ka pa rin. Fair naman pala eh!" Tinapik- tapik pa ni Roca ang likod ni Leyla na parang lalo lang naguluhan sa babae. "What are we talking about again? I think I'm lost." "Super lost ka teh, eto na nga kasi. Si Kira, baka mamaya balikan ka no'n kasi naman mukhang galit na galit sa'yo. Hindi kinakaya ang beauty mo!" "She has absolutely no reason to harm me. In fact, she can't." Roca stood up in the middle of the company lounge area in the middle of a bunch of employees resting and taking their ordered lunch. She slowly clapped and dramatically shook her head. Bilib na bilib siya sa lakas ng loob ng babae. "Confidence, wow! Ang lakas mo teh! Parang ibang level, anak ka ba ng presidente or-" "Scientist." Napahinto si Roca sa pag palakpak, "Ha?" "Hindi ako anak ng Presidente, anak ako ng Scientist," seryosong sagot na naman niya. Hindi niya pa rin masabayan ang humor ni Roca, hindi niya nakuha ang pagiging sarcastic nito. "O...kay, pagong. Gets, I forgot. So, change topic! Anong plano mo after work? Gusto mo ba na sumama sa akin mamaya?" "Huh? Plano? Staying home?" "Well, yeah... Labas tayo mamaya?" Mabilis ang pag- iling ni Leyla. "I don't usually go anywhere but my condo. I don't know the place so, I am not comfortable in exploring-" "Okay, rewind. Taga saan ka?" "Fuzon Tower-" Napahinto si Leyla dahil sa malakas na paghampas sa kan' ya ni Roca. "Hoy! Isang kanto lang 'yon mula sa apartment ko! Teka lang... " mas lalong lumaki ang mga mata ni Roca. Alam na ni Leyla ang susunod na mangyayari dahil sa pag hinga nito nang malamim kaya naman kaagad niyang tinakpan ang bibig nito para mapigilan ang pagtili niya. "Please Roca, 'wag ka na sumigaw. Ilang beses na tayong pinagtinginan dito, hindi ko na alam kung ano ang iniisip ng mga co- workers natin. Nakakahiya na," pabulong niyang sabi. "Shuta ka teh! Sabi ko na nga ba hindi ka lang simpleng secretary ni Mr. Andrews! Akala mo talaga hindi ko mapagtatagpi- tagpi!" "What? You know what, I don't understand you half the time pero please sabihin mo na ang lahat, 'wag ka lang sumigaw ng biglaan." Binitawan na ni Leyla si Roca pero nang alisin na niya ang nakatakip na kamay sa kan'yang bibig, kitang- kita niya ang naka- awang niyang bibig at makahulugang tingin. Mukhang may iniisip na naman ang maloko niyang kaibigan. "Leyla, 'di ba sabi mo sa akin bagong lipat ka lang dito?" may kasabay na kaunting pakindat- kindat pa ang dalaga. "I've stayed here before, pero ngayon lang ako lumipat dito for good. Bakit mo naman natanong? What are you thinking of this time Roca? I'm kinda worried," Leyla answered. Kinikilig na humagigik si Roca habang parang nahihiya na tinutusok- tusok ang tagiliran ni Leyla. "So do'n ka agad nakatira ha?" she said. Lumapit siya sa dalaga para bumulong, " 'Wag ka mag alala, hindi ko ipagsasabi, promise." Bago pa makapagtanong si Leyla, mabilis siyang napatayo dahil sa biglaang paghatak sa kan'ya ni Albert na alalang alala. "Sir Albert bakit-" "Just walk fast, lets go." Ngayon niya lang narinig na maging ganito kaseryoso si Albert. Hindi niya na ito kinwestyon dahil kitang- kita niya na aligaga ito. Nang makarating sila sa elevator, doon palang siya binitawan ni Albert. Sumakay na sila at pinanood niya na pindutin ng lalaki ang button para makapunta sila sa rooftop. It is very quiet in the elevator ride up. Sa reflection na nakikita ni Leyla sa ngayon, isa lang ang nababasa niya sa mga emosyon ni Albert, he's troubled. Parang may gusto siyang sabihin na hindi siya sigurado kung kailangan ba niyang sabihin. Finally she heard a the elevator doors open. They were on the top floor of the Phoenix building. Leyla is pretty good at feeling the vibes of every situations. That is why when Albert silently stood near the edge of the roofed part of the roof top and just watched the clouds, she did not say anything. She was burning, but she chose to accompany him during that hot noon, without questions. Ayaw niya na pangunahan ito sa kung ano man ang gusto niyang sabihin. "Leyla, alam mo naman na aalis na ako hindi ba?" he asked. Tahimik na tumango si Leyla. "I've been his only secretary for so many years. He became one of my closest friends. Oo, kung minsan wala siya sa mood at baka masigawan ka niya. But he is never unfair. Siguro minsan hindi niya mapapansin kapag nadala siya ng emosyon, but after, when he realized it all, he will do his best to make it up to you if he f*cked up." Tumatango si Leyla sa mga sinasabi niya. She knew that, she could tell by just watching how he act. He looks like a good human being. "He always act tough. But he's not. I have been there to protect him in every step of the way, pero ngayon na lalayo ako... not gonna lie, I am very worried." "You can tell me what to do Mr. Albert. I will do my best to protect him this time. I know I may not do half as good as you do, but at least I can try my hardest." Leyla couldn't see but in front of her, Albert has the purest smile on his face. "You're already doing better than me Leyla, believe me. Hindi ako nagsisisi na ikaw ang napili namin bilang kapalit ko," naririnig niya ang sinseridad sa boses ni Albert and that made her really proud of herself. "Mr. Andrews has a condition..." matagal na natigilan si Albert bago nagsalita muli. Parang inisip niya ng mabuti kung paano niya ipapaliwanag sa babae. "He tends to get really anxious at times." Leyla could tell that he's hiding something, but she did not dare to ask more. She wanted him to tell her only the information that he's comfortable sharing. After all, she knows that he did not lie. Whatever the whole story is, she could tell that Rui in fact has some sort of anxiety and she seen him having an episode of panic attacks. "I know that earlier, you can tell." nagulat si Leyla sa sinabi ni Albert. Pero hindi siya nagkamali. "Kanina, nakita mo na halos hindi na siya mapalagay. Madalas kapag nag- pa-panic na siya, gano'n ang nangyayari sa kan'ya. And I saw what you did. You made him calm down. Honestly, I don't know how you did it, but you are the only one that can do that to him, as far as I know." "I- me?" "Most of the time, hindi na siya mapipigilan. He will fall unconscious, but you helped him this time. You successfully did." Leyla could not believe what she just heard. Obviously the condition is not a secret, but the fact that it is only her who successfully helped him out of it, she did not expect that. "Can you do that all the time? Puwede ba na sa tuwing ganoon na ang nakikita mo, gawin mo ang lahat para matulungan siya?" "I- actually I don't know that I did something huge back there. But I promise to do what I can whenever he gets into situations like that again. Hindi ko naman po siya papabayaan Sir Albert. Alam ko na hindi niya pa ako pinagkakatiwalaan, pero kahit papaano naman, hindi ko kaya na hayaan nalang siya. You can count on me on that one." "Sa totoo lang, from what I can tell, he already trusts you. Hindi niya siguro alam, somehow he does. Subconsciously, he does. Kailangan lang na hindi mawala ang tiwala niya sa'yo, 'wag mo hayaan 'yon." Leyla made sure to remember everything that Albert has been telling her. Mabuti nalang at madali lang sa kan'ya ang sumunod sa mga sinasabi nito dahil hindi na bago sa kan' ya ito, hindi na rin siya mahihirapan dahil normal na sa kan'ya ang maging matulungin at maalaga. "I already list down the information of his doctors. Kung may mangyari man at kailangan mo siyang dalhin sa ospital, may ospital na rin na nakalista. Doon sigurado na hindi lalabas ang balita sa media. Mahirap na rin dahil sa kilala rin si Mr. Andrews. Baka kung ano pa ang mangyari sa mga share holders kapag nalaman nila ang sitwasyon ni Mr.Rui." She understood everything. Oo nga naman, bilang isang kilala na businessman, kung may ganito siyang sakit at malaman ng lahat, panigurado magagamit ito bilang paraan para pabagsakin siya. Lalo na ng mga gahaman at masasamang tao sa paligid niya. That's really scary and intense, but it is never impossible. "I completely trust you with Mr. Rui, alam ko na kaya mong gawin ang lahat ng binibilin ko. Hindi na ako masyadong mag- aalala kapag nakaalis na ako. And remember, whatever happens, don't tell him that I told you about this." "I understand Sir, tatandaan ko po lahat ng sinabi nin'yo. I will do my absolute best to protect him with all my might." "And never lose his trust," paalala nito. "But Mr. Albet, what if one day I accidentally do something that may make him not trust me anymore?" "Kapag nangyari 'yon, kailangan mo ipangako sa akin na kahit baliktarin mo ang mundo, bawiin mo ang tiwala niya. Whatever happens, kailangan pagkatiwalaan ka niya." "I will try my best-" Albert turned around to see Leyla face to face. "Leyla, you must. To help him, that may be the only way."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD