Mira's POV: Matalim pa rin ang tinging binibigay ko kay Arima. Hinigpitan ko ang hawak sa whip ko at pinalabas ang mga pakpak ko. Binitawan niya naman si Laxon na napa-upo sa sahig. Nginisian naman ako ni Arima at kumaway pa. "Kumusta, mahal kong pamangkin? Nabuhay ka pa pala. Sayang at hindi ka pa namatay." Bati sa akin ni Arima at pinalabas ang mahahaba niyang kuko. "Oo, at ako ang tatapos sa 'yo! Punyeta kang matanda ka!" Sigaw ko. Sinugod ko si Arima at hinawakan ang buhok niya. Inilipad ko siya sa pinakamataas na kaya ko. Patay ka sa akin ngayon! "Bitawan mo ako!" Sigaw ni Arima at nagkakawag. Kinalmot niya ang braso ko kaya napadaing ako. "Sige, sabi mo eh!" Sarcastic kong sabi. Binitawan ko si Arima kaya bumulusok siya pababa. Bago pa niya maabot ang lupa ay sinuntok

