Mira's POV: "Sinasabi ko na nga ba at taksil ang bruha kong pinsan!" Narinig kong singhal ni Andrea dito sa gilid namin. Sinabi ni Arima na si Sheena ang kumuha ng libro. Mag-ina nga sila, tangina nila. Parehong mga problema ko sa buhay at kulang sa atensyon! Susugurin ko na sana si Arima pero may barrier na bumunggo sa akin. Pinagsusuntok ko iyon at hinataw ng lightning whip ko pero hindi ko ito mabasag. Bakit ganito? Ano ba ang ginawa niya? Hindi kaya isang spell ito? "s**t, anong nangyayari!?" Kinakabahan kong tanong sa mga kasamahan ko bago tumingin kay Arima. "Ngayon naman, tumingin kayo sa langit at pagmasdan ang huling beses niyong pagtanaw sa buwan!" Sigaw ni Arima at kumumpas sa hangin. Natapos na niyang banggitin ang spell at hindi ko magawa siyang hablutin dahil may

