Mira's POV: Nagising ako dahil sa tumamang sinag ng araw sa mukha ko. Pagmulat ko, si Laxon pala ito na nag-aayos ng kurtina, sarap naman nitong almusal. Tingin pa lang ay mabubusog na ako. "Gising na, ikaw na lang ang tulog. Kumakain na sila sa kusina, pupunta tayo ngayon sa bayan. Mag-asikaso ka na." Sabi ni Laxon at humiga sa tabi ko. Inayos naman niya ang mga ligaw kong buhok. Napangiti na lang ako at hinalikan siya sa pisngi. "Isama na natin si Jeru pabalik, tapos na rin naman ang labanan katulad ng sabi nila Mei. Dapat hindi na tayo umalis pa, kung hindi lang inihabilin ni lolo." Sabi ko kay Laxon at hinalikan siya ulit sa pisngi. "Sa cheeks lang?" Malungkot na sabi niya at nagpout. Ang pogi! Hinalikan ko si Laxon sa lips pero ang balak kong smack lang ay naging torrid. Hi

