Mira's POV: Isinama kami ni Jeru dito sa bahay nila, Jeru daw ang itawag namin sa kaniya. Masyado raw kasing mahaba ang Jerusalem, iyon daw ang ibinigay na nickname sa kaniya ni Kuya Jelal at ni Diana, ang nanay raw niya. Mala cabin in the woods ang itsura ng bahay nila, tahimik din dito. Naikwento niya rin sa amin kanina ng bahagya habang papunta rito ang nangyari sa kanila. Isang araw daw umalis ang daddy niya, si Kuya Jelal, para kumuha ng makakain then hindi na nakabalik. Sumunod naman si mommy niya then tatlong araw na ang nakakalipas hindi na rin umuwi. Naaawa na lang ako sa kaniya, paano magagawang mabuhay ng isang bata rito? Mag-isa na lang si Jeru dito. Matagal na raw mula noong umalis ang kaniyang mommy at daddy, dalawang taon na rin mula noong nakatakas si Kuya Jelal kay

