Laxon's POV: "Laxon, saan ba kasi tayo pupunta!?" Sigaw ni Mira at inagaw ang braso niya mula sa pagkakahawak ko. "Narinig mo sila hindi ba? Tatakas na tayo, delikado ka rito Mira! Kailangan kitang iligtas!" Nasigawan ko na rin si Mira, nag-aalala lang naman ako sa kaniya. "Isama natin sila! Paano si kuya? Si Mei? Ang iba pang mga kaibigan natin? Huwag tayong maging selfish!" Sigaw niya pabalik at umupo. "Mira please, hali ka na. Huling hiling iyon ng lolo at lola mo hindi mo pa ba pagbibigyan?" Mahinahong tanong ko sa kaniya. Nag-aalala na ako kay Mira, sunod-sunod na nawala sa kaniya ang mahahalagang tao sa buhay niya. Alam kong nasasaktan siya ngayon pero hindi niya lang mailabas ang lahat ng poot niya sa dibdib. Tinanguhan ako ni Mira at tumayo na. Tumakbo kami nang tumakbo

