Mira's POV: Dito kami tumuloy sa academy dahil sa nangyaring insidente. Bukas na bukas din ay aalis na kami, kailangan lang naming makapagpahinga. May sariling lodge na rin ako kasama sila Mei, mga Manta-A lang. White and red ang motif ng kwarto ko, maganda ito at maluwag. May queen size bed din. Pangmaharlika pa ang disenyo, sana all 'di ba? Sa kauna-unahang pagkakataon ay may mga namatay na imortal. Sa kasamaang palad, si Arima ang nakasagupa nila at ginamitan ng spell katulad ng ginawa niya sa aming tatlo nila Kuya Jelal. Hindi bababa sa sampu ang namatay at napakaraming imortal ang nasaktan. Mabuting na lang at nakaligtas pa kaming tatlo. Sa kasamaang palad ay ang iba'y hindi. Isa lang ang sinasabi ng lahat kung paano sila namatay, iyon ay ang eight symphony. Ang spell na gina

