Mira's POV: Nagkatinginan kaming lahat matapos basahin ni Kuya Jelal ang diary ni ina. Ang daming sikretong nabunyag. Pati ang sumpa ko, nakakatakot. Ibig sabihin, hindi talaga ako isinumpa ng kapitbahay namin? Iyong Arima na iyon ang may kasalanan ng lahat? Masyado siyang pabida, kulang sa atensyon! "Mira, ayos ka lang ba?" Nakangiting tanong ni Laxon at hinalikan ang noo ko. "Ayos lang ako, huwag kang mag-alala. Dapat na magsanay na ako hanggang hindi pa lumalabas ang kapangyarihan ko. Kailan kong matutunan itong kontrolin, magagamit ko ito para matalo si Arima." Sagot ko kay Laxon at nginitian siya pabalik. "Kailan ba ang blood moon?" Pahabol ko namang tanong sa kanilang lahat. "Tatlong linggo mula ngayon." Sagot ni Kill. "Ibig sabihin, kaaway rin natin si Sheena? Sabagay, m

