Warning: Mature content ahead. Contains harassment and bed scenes. Akiyami's POV: "Jose, pakikuha nga ako ng tubig!" Sigaw ko upang marinig ni Jose ang aking utos. Nagsusulat kasi ako ngayon ng tula. Hilig ko ang pagsusulat pampalipas oras. Dito ko minsan naidadaan ang aking lungkot at paghihinagpis. Ito ang daan ko at paraan para sandaling makalimot dito sa masalimuot na mundo. Totoo ngang nagbago ang panahon ngunit hindi naapektuhan ang edad namin. Ang sabi sa amin ni ama ay naapektuhan daw ng mahikang iyon ang tatlong mundo. Ganoon kalakas ang kayang gawin ng libro kaya mahigpit itong itinatago at binabantayan. Ngunit sa kasamaang palad, nanakaw ito ng sakim kong nakakatandang kapatid. Hindi ko talaga alam kung ano ba ang pumasok sa isip niya. Sa aming mga mortal ipinagkatiwal

