Akiyami's POV: Ngayon ay ika-lima ng Nobyembre taong 1701. Isinulat ko ito upang maipaalam ang lahat ng masasamang ginagawa ng aking kapatid na si Ate Arima at upang malaman ng taong makakabasa nito ang lahat. Masamang tao si Ate Arima kaya kailangan niyo kaagad siyang mapigilan. Maaaring siya ang maging mitsa nang kamatayan ng sanlibutan o maging nang buong lahi natin. Nagsimula ito noong nalaman niya ang tungkol sa itim na libro ng salamangka. Naglalaman iyon ng lahat ng itim na mahikang hindi maaaring aralin o makita ng kahit sino man. Itinago iyon sa pinakailalim ng Jin Palace at may mga patibong upang hindi ito makita. Ngunit dahil nilamon na ng kasakiman ang aking kapatid, kinuha niya ito para sa sarili niyang kapakanan. Naging sakim siya at nasilaw sa kapangyarihang maaari niton

