Jelal's POV: Nandito kaming lahat ngayon sa kwarto ni Mira, kakatapos lang naming magtraining kasama ang mga taga ibang academy. Isang araw na ring tulog si Mira kaya napagdesisyunan naming lahat na bantayan siya ngayon. Nagawa ni Mira na itago ang mga pakpak niya noong nahimatay siya kaya hindi na kami nahirapan pa siyang ihiga. "Anong nangyari kay Mira?" Tanong sa akin ni Laxon habang hawak-hawak ang kamay ng kapatid kong tulog. "Ayan na ang sumpa ni Tita Arima. Nabuhay na sa katawan ni Mira nang tuluyan dahil sa spell ni Andrea na tumama sa kaniya. Napuntirya no'n ang kaluluwa ni Mira kaya nagsisimula nang lumabas ang kapangyarihan niya." Paliwanag ko kay Laxon. Nagulat naman silang lahat sa kanilang narinig. May narinig pa akong nagsabi ng astig, mga tarantado. Ano kaya ang

