Mei's POV: Nandito kaming lahat ngayon sa kitchen ng Jin Palace, nag-uumagahan. Parang gusto ko na rito na lang tumira, ang daming pagkain. Eat all you can pa! "Hey Mei gurl, baka magalit na sa atin si Mira. You know her, nabuga pa man din iyon ng apoy. Baka hindi sila makalabas doon hanggang ngayon. You know, baka hungry na rin sila." Maarteng sabi sa akin ni Andrea habang nakain ng vegetable salad. Eww, kambing! Kahit kailan ay hindi ako kakain ng puro gulay na pagkain. Tapos na ko ro'n mula pagkabata at ngayong hindi naman kami namamayat at umeedad, makakakain ako ng kahit anong gusto ko. "Oo nga, patay kami ni Malford kay Laxon." Singit naman ni Shin. Hindi pa rin ako pinapansin ni Malford, katabi ko kasi ngayon si Jelal. Selos ang gago, ayaw pa rin kasi umamin na gusto niya ri

