Mira's POV: "Mira, gumising ka na. Handa na po ang inyong almusal." Sabi ni Jastine at niyugyog ako. Aga naman ng almusal, alas dose pa dapat ng tanghali ang gising ko. Kailangan ba talaga maaga gumising? Para pa rin akong nasa academy ah. "Mamaya na, inaantok pa ako. Five minutes pa." Sabi ko kay Jastine at nagtalukbong ng kumot. "Sige po Ma'am Mira, pero nasa baba po si Mr. and Mrs. West." Sabi ni Jastine kaya napabalikwas ako ng bangon. Bakit sila nandito? Mamaya pa iyong party! Hindi kaya sinugod na nila ako dahil sa nangyaring pag-aaway namin ni Laxon? s**t, kinakabahan ako. Teka, bakit naman ako kakabahan? Wala naman akong kasalanan eh! Siya nga itong nahuli kong may kahalikan, hmp. "Sige, bababa na ako. Nandiyan ba iyong anak nila na si Laxon? Iyong pogi na maputi tapos

