Mira's POV: Nandito ako ngayon sa banyo ng kwarto ko, jumejebs. Sumama yata ang tiyan ko sa dami ng nakain kong chocolates, nakakainis. Dapat pala binigay ko na kay Kuya Jelal lahat ng tira ko, para siya rin ay magtae. Ayan kasi kadamutan ko, huhu. "Apo, nandiyan ka ba sa loob?" Tanong ni lola sa labas. Narinig kong kumatok si lola sa pintuan ng kwarto ko, s**t! Baka amoy bulok iyong buong kwarto ko, nakakahiya! Sabihin napakadugyot kong nilalang! Naghugas na ako at nagpunas ng pawis. Nagspray muna rin ako ng air freshener bago binuksan iyong pinto. Nakahinga naman ako nang maluwag ng mabilis na bumango ang kwarto. "Oh apo, bakit pawisan ka yata?" Tanong ni lola at pumasok sa kwarto ko. "Ah, nagexercise po ako." Palusot ko at isinara na iyong pinto. Naupo naman si lola sa kama

